CHAPTER 48: Someone is Back

18 2 0
                                    

Kinabukasan, maagang dumating si Chandria. Pinauwi na nya ako para makatulog. Mabuti nalang at walang pasok ngayon sa school.

Sa January 2 na ang resume ng klase.

Mabigat ang dibdib ko pag uwi. Walang paramdam si Tristan. Namumroblema na nga ako kung anong gagawin para mapaopera si Mama, nag aalala pa ako sa kanya.

Nakatulugan ko nalang ang kaiisip.

Bandang tanghali bumalik ako sa ospital, may dalang pagkain para kay Chandria.

"Ate, aalis ako saglit. Babalik din ako kaagad." sabi nya habang kumakain.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ko.

"Basta.." sabi nya. Hindi ko na sya inusisa.

May lumapit sa amin na nurse. "Excuse me, Miss Chelsea Henares? May naghahanap sa inyo sa lobby. Pakipuntahan nalang. Di kasi pwede ang maraming dalaw dito sa ward." sabi nito.

Tumayo ako at lumabas ng ward papuntang lobby. Sino naman kaya yun? Si Tristan?

I shook my head. Puro nalang Tristan.

Lumingon ang lalaking nasa Lobby. Ang dad ni Tristan.

"Hi, Miss Henares, I've heard the news.. " sabi nya.

"Bakit po nandito kayo?" tanong ko.

"I'll go down to business." he gave me an envelope. "This is 50 million. I know you don't need much. But I insist you take it all. Kapalit ng paglayo mo sa anak ko.. "

Napatulala ako.

"Tristan went back home now. He gave up. In exchange, please stop on looking for him."

Nag unahang pumatak ang mga luha ko. Halo halong emosyon ang ang nararamdaman ko ngayon. Una ang galit. Galit dahil sinasamantala nila ang pagkakataon para paglayuin kami ni Tristan. I know him. He will fight for me. But I guess, once again, he sacrificed. I know he respects my mother. Maybe that's why ito ang kapalit.

"Just.. Just how low can you go, Mr. Guevara?" I met his eyes. "You're really trying hard.. "

He was shocked by what I said. Huminga sya ng malalim afterwards.

"I am a father. I only want what's the best for my son. As long as magkasama kayo, he'll keep on running away from his responsibility." he said frowning.

"Ganyan din ba ang sinabi sa inyo ng Daddy nyo nung tinalikuran nyo ang Mommy ni Tristan?" tanong ko.

"That's none of your business, Miss Henares. Now take this money and let's get over it" sabi nya.

Kinuha ko ang envelope.

"Gagamitin ko lang kung magkano ang kailangan ko. Kapag nagkapera na ako, ibabalik ko ito sa inyo. At babawiin ko si Tristan." galit na sabi ko.

I guess this is the only choice I have. For now.

Umalis na rin sya kaagad. May kabuntot pa syang tatlong body guards.

Bumalik na ako sa ward ni mama.

"Sino yun, ate?" tanong ni Chandria.

"Ang papa ni Tristan" sagot ko.

Nanahimik sya. Palagay ko alam na nya ang nangyari dahil tiningnan nya ang envelope.

"Mahal mo ba talaga si kuya Tristan?" tanong nya.

"Oo naman. Bakit?" tiningnan ko sya.

"Wag mo nalang munang galawin yan. Babalik din ako agad." nagpaalam na sya para umalis.

~~❤

Kinahapunan, bumalik nga si Chandria. May dalang mga prutas. May ilang nurse na lumapit sa kama ni Mama at dinala na sya sa operating room. Sinimulan na agad ang operation.

"Saan ka galing?" tanong ko kay Chandria. Nagtataka ako sa mga nangyayari.

"Humingi ako ng tulong." She said.

"Kanino?" usisa ko.

"Sa taong malaki ang responsibilidad sa atin. Sya naman talaga dapat ang nagpo-provide ng mga kailangan natin. Hindi yung kung sino sino ang nagbibigay sa atin ng pera"

No way!

"Si papa? Nasaan sya?" tanong ko.

"Pupunta raw sya dito mamaya after ng meeting nya sa office. Nagpadala lang sya ng pambili ng prutas at paunang bayad para masimulan na ang operasyon" she replied.

"Paano mo sya nahanap?"

"Nung pumunta tayo sa kompanya nila kuya Tristan. Nakita ko syang dumaan sa labas ng building" sabi nya. Naalala ko nun, nagpaalam syang lalabas. "Nakilala ko sya kasi may mga picture sya dun sa bahay natin. Nagbakasakali lang ako nung nilapitan ko sya. Pero nakilala nya ako. Kamuka ko daw kasi si Mama dati. "

Napailing ako. Tingnan mo nga naman. Nagsisi ako na tinanggap ko pa ang pera galing sa mga Guevara.

~~❤

Dumating nga sa ospital si Papa.
After so many years, ngayon lang ulit kami nagkita. Part of me misses him but may galit at tampo din. He explained to me. Sinabi nyang hinanap nya kami. Gusto daw nya kaming balikan. At hindi totoong binalikan nya ang mahal nya.

All this time, yung ang pinaniniwalaan ni mama.

Naging successful ang operation at inilipat na si mama sa isang Private ward.

Nalaman kong may sarili nang kumpanya si Papa. Maayos na ang buhay nito.

"Ngayong nakita ko na kayo ulit, hindi na ako papayag na itago ulit kayo ng mama nyo. Sa bahay na kayo titira mula ngayon. I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko" niyakap nya kami ni Chandria.

Somehow, a missing piece in my life has been found.. But, again, there's another one.

~~❤

A/N

Are you ready for the ending?
I'll just make a few more chapters in this story.

Just Kidding lol
Thank you for the reads ❤❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now