CHAPTER 45: Xyerah

20 2 0
                                    

CHELSEA'S POV

6 weeks has passed. Finishing touches nalang ang kailangan. Before Christmas ay ayos na ito.

Tristan is so excited.
He built up this dream. I will support him all the way.

Inilibot ko ang paningin sa paligid ng room. It's spacious. I felt Tristan hugged me from behind.

"Mag date tayo" he whispered in my ear. "Ang tagal na nating di lumalabas. I want to treat you"

I nodded.

Pumunta kami sa mall. Dinala nya ako sa isang department store para bumili ng damit. Nasabi nya kasing gusto nyang magpa-Christmas party sa Cafe.

"Sorry, dito lang tayo bibili ng dress. Sa ngayon, we need to save money.. " He said habang namimili kami ng damit.

Natawa ako. "Kung ako nga ang papapiliin, sa baclaran nalang ako bibili ng damit."

Umiling sya. "No, I won't let you do that. If I have money I will buy you stuff worth 5000 dollars. Just so you know.. "

"Alam ko" ngumiti ako sa kanya. "Speaking of dress, diba may dress pa ako sa bahay? Naalala mo yung unang damit na binili mo para sakin? Gusto ko ulit suotin yun"

Napakunot noo sya. "You need a new one"

"No. I like to wear that dress. Dun ka na love at first sight sakin" natatawang sabi ko.

He chuckled. "No way. I loved you more than 10 years ago."

"Basta, I want to wear that dress again, Ok?" naglalambing kong sabi.

"Fine, fine" sabi nya. Inakbayan nya ako at naglakad na kami papunta sa paborito nyang steakhouse.

~~❤

Kinabukasan, hindi pumasok si Tristan. May aasikasuhin daw syang mga bagay para sa arcade.

Mag isa akong kumain ng lunch.

Nakaupo ako sa canteen nang lumapit si Xyerah. Mag isa lang rin ito. Naupo sya sa tabi ko, dala ang tray ng pagkain nya.

Hindi ko sya pinansin.

"How are things between you and Tristan?" tanong nya.

"Ayos naman kami" casual na sagot ko.

"Mabuti pa kayo." sabi nya.

Tiningnan ko sya. Napansin ko ang mga eyebags nya. Medyo pumayat din sya. She's so pale.

"Ok ka lang ba?" tanong ko.

"To be honest, no." sagot nya. "I've been stressed lately. Akala ko kapag naging ok kayo ni Tristan, ligtas na rin ako at makakapamili ako ng taong gusto ko. Pero, sa ngayon, Zeus will be the next to manage GGC. And the Chairman still pushes a marriage between our families"

Napatigil ako sa pagkain. So, wala pala talagang kawala si Xyerah sa fixed marriage.

"Ang totoo, I'm having weird dreams lately. Dahil siguro sa sobrang stress. I'm trying to find a way to escape. The only thing that keeps me sane is my boyfriend, Drew." she continued.

I felt the weight she's carrying in her heart right now. I held her hand. I don't know in which way I can help her.

"I'm sorry for saying things like this. You probably hate me for being mean towards you before. Wala lang kasi akong mapagkwentuhan ngayon. Even my friends left me now." nagsimula syang mapaiyak. "I feel so helpless."

"Hindi ko alam kung paano ka tutulungan. Ang hirap naman kasi talaga ng sitwasyon mo" nasabi ko.

She bit her lower lip. "Pwede ba akong sumabay sa'yo mamaya pag uwi?"

"Sige" yun lang ang nasabi ko.

~~❤

Bus on the way home.

"Bakit kasama sya?" tanong ni Tristan.

Nasa tatluhang upuan kami. Nasa gitna ako. Nasa window side si Xyerah. Sa Aisle si Tristan.

"Ewan ko.. Hehe" sagot ko. Di ko rin maintindihan. Xyerah is acting weird. Hindi sya umiimik. Tumambay din sya ng ilang oras sa cafe, hinintay akong makauwi. Ngayon sumama sa amin.

Nilingon ko sya. Her eyes are closed. How come nakatulog na sya agad, eh kasasakay lang namin? Hindi pa nga umaandar ang bus dahil nagpupuno pa ng pasahero.

Ilang sandali pa, naghisterikal si Xyerah. Nagulat kami ni Tristan dahil bigla nalang syang nagsisigaw.

"Let's get out of this bus! Mamamatay tayo" natatarantang sabi nya.

"Ano ka ba Xyerah... " saway ko sa kanya.

"Please, please, bumaba na tayo dito" umiiyak na sya.

"Okay, let's get down" sabi ni Tristan na naunang tumayo.

Nagsorry kami sa mga pasahero at bumaba.

"Ano bang problema mo, Xyerah?" tanong ni Tristan sa babae.

"I'm so scared. Nakita ko sa panaginip ko, naaksidente yung bus. Patay lahat ng sakay" umiiyak pa rin na sabi ni Xyerah.

Hinagod ko ang likod nya, for her to calm down.

"Magtaxi nalang tayo" sabi niya.

So, Xyerah ended up paying for the ride. She insisted it anyway.

Pag uwi namin ng bahay, nasa labas sila mama at Chandria. Napatakbo sila palapit sa amin.

"Jusko, salamat naman at nakauwi kayo ng ligtas." salubong ni Mama sa amin.

"Bakit po, Tita, may problema ba?" si Tristan.

"Kasi yung balita kani-kanila lang, may naaksidente raw na bus. Patay lahat ng sakay. Akala namin, yun ang nasakyan nyo. Hindi namin kayo macontact." sabi ni Mama.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Tristan at Xyerah. Kinilabutan ako ng husto.

What is she? A psychic?

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now