CHAPTER 6: Sing me a lullaby

30 1 0
                                    


5 days nang nakaconfine si Tristan sa hospital. Never once na may dumalaw sa kanya.

Panglimang araw na rin akong nandito para bumisita.

"Wala ka bang kamag anak?" tanong ko habang nagbabalat ng orange. Ako ang bumili ng prutas para sa kanya. Ako na din ang bumibili ng pagkain nito mula sa allowance ko sa scholarship. So far ok naman. Nabugbog lang ang kataman nito, walang nabaling buto. Hindi rin nagka bloodclot sa ulo.  Pwede na syang madischarge soon. Poproblemahin nalang ang bill nito. Hindi naman siguro mahal.

Hindi ito umiimik. Nakatingin lang sa labas ng bintana. Malakas ang ulan at madilim ang langit.

"Oy" pukaw ko.

He doesn't seem to care. He just looks sadly as raindrops pour down from the skies..

Inilapag ko ang nabalatang orange sa mesa sa tabi ng kama nya.

"Are you ok? " tanong ko. Nilapitan ko sya at hinawakan sa pisngi.

Parang nagulat ito at tumingin sa akin. Malambot ang expression sa muka nito at hinawakan ang kamay ko. Pinaupo nya ako sa gilid ng bed.

"It's warm. Your hand" pabulong na sabi nya.

Naramdaman kong malamig ang kamay nya. Ngumiti ako at kinumutan ko sya.

"Matulog ka na. Uuwi na'ko,  baka lalo pang lumakas ang ulan" sabi ko.

He won't let go of my hand. Tumingin ako sa muka nya. "what?"

"Sing me a lullaby" mahinang sabi nito.

"Ha?"

Pumikit si Tristan.

"I hate the sound of rain. Please sing something so I won't hear it" dalawang kamay ang hinawak nito sa kamay ko.

I sighed. He's like a baby. I started to sing. Hinaplos ko ang buhok nya gamit ang isang kamay ko.

Lumipas ang ilang minuto at naramdaman ko ang mahinang paghilik nya. Hindi na rin malamig ang mga palad nito.

Tulog na tulog na ito nang magpasya syang umuwi.

~~❤

The next day at university, habang papasok na ako ay natanaw ko sa school ground ang grupo ni Xyerah parang may hinihintay ang mga ito.

I tried not to look their way. Umiwas ako ng daanan palampas sa tatlo. Biglang may humila ng buhok ko mula sa likod.

"I told you to mind your business" boses ng babae sa likod ko.

"Bitawan mo ko, ano ba!! " nagpumiglas ako. Masakit ang pagkakahila sa buhok ko. Kinaladkad nya ako. Hindi ko makita ang pupuntahan namin. Dinala nila ako sa isang sulok ng school.

"You bitch! Alam mo bang nasuspend ako ng ilang araw dahil sa kagagawan mo? You thought I won't find out it's you?" galit na sabi ni Xyerah. Itinulak nya ako pasalampak sa lupa.

Inayos ko ang buhok ko at sinubukang tumayo pero bago pa ako makatingin sa kanila ay may malamig na bumuhos sa'kin. Coke float iyon at naramdaman ko pa ang mga yelo sa ulo ko, bumabagsak pababa.

"Just how dare you"

I glared at them. Tumayo ako. Basang basa at nanlalagkit dahil sa ice cream.

"Ganyan ka ba talaga ka-walang manners?" tanong ko sa kanya.

"Oo" sagot ni Xyerah. "Know your place, miss commoner. You don't know what you'll be risking if you keep on going against me. "

"And what do you mean by that?"

"I don't need to say it. You know exactly what I mean." umalis na ang mga ito.

Hindi ako nakaimik.

Pumunta ako sa washroom para maglinis ng sarili. Hindi ako pwedeng umuwi dahil sayang ang araw.

Habang nasa pasilyo at pinagtitinginan ako ng mga kapwa estudyante. I felt sorry for myself but I chose to hold my head up. No quit No surrender, ganern.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now