CHAPTER 10: You can stand under my umbrella

30 2 0
                                    

CHELSEA'S POV

Biglang bumuhos ang ulan. I felt nice. I love the rain. It's like music to my ears. Gusto ko yung feeling na umuulan, yung lamig, yung hangin. It's just so fresh. Nung bata ako lagi kaming naliligo sa ulan ni Chandria. Good old days.

It's so perfect. Nice restaurant  nice food, nice place, and a nice guy.

I looked at him. He was sitting there, looking outside with sad eyes.
I wondered if I said something wrong. Bigla syang tumahimik nung nagtanong ako about his family.

"Hey" I tapped his hand.

Lumingon sya sakin with surprised eyes. "Ha? Ano yun?"

Umiling ako at ngumiti. Maybe he doesn't want to talk about it. "Sorry"

"For what?" tanong nya.

Napakunot noo ako. "For asking?"

He held my hand and smiled. "Nothing to be sorry for. May naaalala lang ako tuwing umuulan"

"Ah" I nodded.

After that, everything became silent. Hanggang matapos na kaming kumain.

Hindi pa rin tumitila ang ulan hanggang sa nagdecide na kaming umuwi dahil 8:30 na.

Kapansin pansin pa rin ang pananahimik nya habang naglalakad kami palabas ng resto.

"Ako nalang mag isa ang pupunta sa sakayan. Salamat sa treat. I loved the food" sabi ko.

He smiled sadly and nod.

I went out in the rain, with my umbrella. Naglakad na ako papunta sa bus stop. As I reached the waiting area, tiniklop ko na ang payong ko. I looked back to the restaurant. He was gone. Siguro nagtaxi si mokong. I looked around the area and noticed someone walking away under the rain. Sa lakas ng ulan, basa na ito.

I immediately opened my umbrella and started running towards the guy. Malayo layo na ito pero mabagal namang maglakad.

"Tristan!! " I screamed.

Takbo. Takbo. Takbo.

Ilang sandali pa, malapit na'ko sa kanya. "Tristan!"

He stopped walking. I ran towards him. Pinayungan ko sya bago pa sya makalingon.

"Are you stupid?" tanong ko sa kanya. "Gusto mo bang magkasakit? Ano, emo? Nag eemote sa gitna ng u--"

He looked at me. His eyes were reddish. Without a word, he hugged me tight. I started to get wet as well dahil basang basa ang damit nya.

"Please stay with me a little more" I heard his voice is broken. I don't know why but there is something wrong with him right now.

"Ok" I said.

Ilang sandali kaming nanatili sa ganung sitwasyon. Hindi ko alam ang sasabihin kaya hinayaan ko nalang sya.

Unti unting tumigil ang ulan. I feel his calm breath now.

"Ok ka lang?" tanong ko.

Kumalas sya sa pagkakayakap at tumango. "I feel better."

Sumilay ang ngiti sa labi nya.

~~❤

Achoo!

Suminghot ako nang makapasok na sa bahay.

"Nagpaulan ka?" bungad ni Chandria. Tiningnan nito ang basang damit nya.

"Medyo naanggihan lang" sagot ko.

Dinalhan nya ako ng towel na tuyo.

"Thank you. San si mama?" tanong ko. Sabay bahing.

"Nagpapahinga sa kwarto. Inatake sya ng acidity kanina habang nasa trabaho, maaga syang umuwi" nagbabasa ito ng mga notes.

"Ano?" napatakbo ako papunta sa kwarto ni mama. "Ma"

Nakaupo sa kama si Mama at nanonood ng TV.  Mukang ok naman ito.

"Oh, Chelsea. Ginabi ka na" bati nito.

"Inatake ka daw ng acidity?" lumapit sya sa kama nito. "Maaga ka raw umuwi."

Tumawa ang mama nya. "Oo pero konti lang. Nageexaggerate lang si Chandria. 5 ako umalis ng office"

I just looked at her.

"Go take a bath. Basang basa ka" sabi nito.

"okay" sabi ko at lumabas na ng pinto.

Naabutan ko sa sala si Chandria na tuloy pa rin sa pagrereview.

Achoo!  Achoo!

I felt really cold. Nababad na ang basang damit sa katawan ko. Plus ang lamig pa ng aircon sa bus.

"Ready na ang dinner. Bilisan mong maligo" sabi nito "para makainom ka ng mainit na sabaw."

Tumango ako

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now