CHAPTER 50: We Met Again

23 2 0
                                    

You wake up my heart
and walk to my world
nan neol gijeogira bulleo

sumswineun modeun geosdeul junge
neoman gieokhago
neukkigo akkimyeo
gakkai gyeote dugo sipeo
She blew me away

I woke up to that sweet music. (Heaven by Roy Kim & EZ) Nagpapatugtog si Chandria.

I opened my eyes. Nasa sala pala ako. Naupo lang ako kanina sa couch, napagod ako dahil sa dami ng activities sa school kaya nakatulog ako.

Tumayo ako.

"Anak, may bisita ka." sabi ni Mama.  Nasa bahay na rin sya palagi. Hindi na sya pinagtrabaho ni Papa.

Nasa likod nya si Xyerah. May dalang maleta.  Kasama ang Daddy nito.

Huh?

"Pasensya na kung mang aabala kami." nakaupo na sila sa sofa. Pinatay ni Chandria ang music na pinapatugtog nya.

"Ano po bang dahilan ng pagpunta nyo?" tanong ko.

"Kasi itong si Xyerah, ayaw nyang magpatingin sa mga Psychiatrist. She insists na wala naman daw naitutulong sa kanya. So my favor to ask of you, is to let her stay here until she get herself together.. " sabi ng Dad ni Xyerah.

Napaawang ang bibig ko.

"I think this is a ridiculous idea, pero sana, help her kahit one week lang. Pag nagkaimprovement naman ay uuwi na sya" pakiusap ng lalaki.

"Ano bang maitutulong namin sa batang to, sir?" tanong ni Mama.

"Gusto lang nyang kumportableng matulog sa gabi. Sabi nya kasi kapag nasa paligid daw si Chelsea, hindi sya nagkakabad dreams."

Tumango tango si Mama. "Eh sa amin wala namang problema. Mabait naman ang anak nyo. Ilang araw din syang nag stay sa bahay namin dati."

Nagkasundo ang mga parents namin at pinayagan si Xyerah.

Yun na nga ang nangyari. Instant room mates kami. Nagpa transfer din sya ng school dahil nga sobrang layo ng university nila.

We became friends eventually. Unti unti, she gained her oldself back. Masigla na sya ulit dahil wala na raw syang bad dreams. I don't know how I'm able to help her, but I'm happy.

"So, kumusta kayo ng Boyfriend mo?" naitanong ko. Naglalakad kami papuntang school.

"Iniwan na nya ako. Nung panahong malala ang depression ko" she simply answered.

"Huh? Ganun ganun nalang?" tanong ko.

"I don't know but I think nakausap sya ni Daddy at nasabi sa kanya na magpapakasal ako sa iba" she looked on the ground.

"Ah" tumango ako. "Ganun ba talaga ang mga lalaki? Bigla bigla nalang nangiiwan?  Kung kailan kailangang kailangan mo sila?"

Tiningnan nya ako. "Once I'm completely okay, kakausapin ko si Daddy. I won't let him manipulate me. Kung kinakailangang pumunta ako sa UK at hanapin si Drew, gagawin ko. He's the only one I want"

"Gagawin mo yun?" nilingon ko sya.

She smiled at me. "Oo. Nainspired ako sa inyo ni Tristan. You fought hard for each other. I can do the same."

Kumunot ang noo ko. "Pero it makes no sense kung ikaw lang ang lumalaban.. "

Inakbayan nya ako. "Atleast I tried. Mamayang uwian, tara sa mall at mamili ng damit"

"Okay" nasabi ko nalang.

~~❤

I'm standing outside the huge GGC building.

Here we go again.

Papasok na sana ako pero naunahan ako ng ilang lalaki sa pinto. Napaatras ako at nabunggo ang likod ko sa nakasunod sa akin.

Na out of balance ako at unti unti akong bumabagsak..

Isang malakas na braso ang sumalo sa baywang ko. I looked up.

Tristan...

"Miss, are you okay?" tanong nya. "You're heavy. Can you stand now?"

He is bending down,  trying to avoid me from hitting the floor.

Tumayo ako ng maayos.  "Thank you."

Hindi sya umimik. Iniwas nya ang tingin nya mula sa akin saka sya pumasok sa loob ng building.

Saglit akong naiwan at nakatulala.

Dumirecho ako sa reception. The girl looked at me for a little while. Then she suddenly greeted me.

"Miss, Chelsea, right?" tanong nya.

"Yes, is the Chairman here?" I asked.

It's been 3 months since I last came here. Ngayon lang ako nagkaroon ng time dahil sa malayo ang school, walang holiday, at sarado ang office during weekend.

"He is out, on business trip." she said. I'm so disappointed. "But the president is the officer in charge now."

"Ah. I need the chairman kasi." naisip kong magtanong.  "Is Tristan Guevara working here already?"

Kumunot noo ang receptionist. "Yes. He's the President."

Napanganga ako. Seriously? What happened to Tristan?

He really avoided my eyes kanina. Isn't he supposed to be studying abroad?

"Miss, I will talk to him" sabi ko.

"I will check if he's available." sabi nya at dinampot ang receiver ng phone sa desk. Ilang sandali ng pakikipag usap, ibinaba nya yun. Tumingin sya sa akin.

"I'm sorry, but the President is busy right now." sabi nya.

So that's it. He's shutting me out of his life for real.

Without a word, I left the building. Tears fell as I got out. Masamang masama ang loob ko. How can he do this to me? He said he will never leave me... Just how?? Sabi nya hindi sya kagaya ng papa nya. Bakit biglang nagbago ang lahat?

I was in that situation when somebody pat my shoulder. I looked at him.

"Zeus... " sa nanlalabong mga mata, I saw him.

"Come.. " he said. Leading me to a near fastfood chain. Binigyan nya ako ng tissue.

"Bakit nandito ka?" tanong nya.

"Gusto kong isauli ang pero ng Tito mo. Hindi ko naman to nagalaw. Hindi ko rin kailangan." sagot ko. "Si Tristan ang gusto ko"

Hirap na hirap akong magsalita. Masakit ang lalamunan ko dahil sa kakaiyak ko.

He sighed. "Did you see Tristan?"

Tumango ako. "He avoided me" lalo akong napaiyak.

"Ang sakit sakit na, Zeus. I can't bear this. Bakit nya ako iniiwasan?" I don't care kahit pinagtitinginan kami ng ibang kumakain sa lugar na yun. I need to express my feelings out.

"Alright. Stop crying" sabi ni Zeus. "Ayaw ko nang nakikita kang ganyan. I'm giving up"

Tinitingnan ko sya. Pinahid nya ang luha ko.

"Don't be so stressed. No matter how many tears you cry, Tristan will not recognize you.. " he held my hand. "But I will help you para makausap mo sya. I found out na sya lang ang makakapagpasaya sa'yo"

"Anong sinasabi mong he will not recognize me?" kunot noo kong tanong.

"He has amnesia.. "

~~❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now