I walked inside the huge lobby of GGC (Guevara Group of Company)
Today I decided to return the check Mr. Richard gave me few days ago. I have made up my mind. Tristan fights for me. I should not let him battle alone.
"Hi, I came to speak with the Chairman" sabi ko sa reception.
She looked at me from head to toe. "Do you have an appointment?" tanong nya.
I was annoyed by the way she looked at me.
"No. But--"
"Then, sorry, I can't let you get up. You need to set up an appointment for him to talk to you." sabi ng babaeng nakausap ko.
"Miss, importante ang ipinunta ko dito." naiinis na sabi ko. Inilabas ko ang tseke at ipinakita sa kanya. "Pwede paki sabi nandito si Chelsea?"
Namilog ang mga mata nya ng mabasa ang tseke.
Pinaupo nya muna ako saglit at tumawag sa office ng Chairman.
Grabe. Pati mga empleyado rito masama ang ugali.
"Ate, lalabas lang ako sandali." paalam ni Chandria. Nakalimutan kong kasama ko pala sya.
"Sige pero bilisan mo. Baka paakyatin na tayo sa taas." sabi ko.
Mabilis syang pumunta sa glass door at lumabas.
"Miss Chelsea?" tawag ng receptionist.
Lumapit ako.
"The chairman is at the meeting right now. But he will we done within 15 minutes. Can you wait?" mabait na sya ngayon.
"Ok, thanks"
Bumalik ako sa couch. Ilang sandali pa bumalik na si Chandria.
"Saan ka galing?" tanong ko.
"May tiningnan lang ako" sagot nya.
Makalipas ang 10 minutes, pinaakyat na kami sa taas. I got nervous habang nasa elevator na kami.
Nasa 16th floor and office ng Chairman. Someone guided us in. Dumirecho kami sa room.
"Sit down" sabi ni Mr. Richard pagpasok namin.
"Hindi na po kami magtatagal." Inilapag ko ang tseke sa mesa nya.
Tiningnan nya yun at tumingin sa amin ni Chandria.
"Well then" kinuha nya ang papel. "Wala akong magagawa. I guess nakapag usap na kayo ni Tristan. But I assure you, hindi madali itong pinasok ninyo."
"Aalis na po kami" sabi ko.
Tumalikod na kami para lumabas ng office."Lumaki si Tristan na nakukuha lahat ng gusto nya. Sure ka ba na kaya mong tiisin na makita syang nahihirapan sa buhay?" pahabol ng lalaki.
Nilingon ko sya. "We used to have everything we wanted before, too. Pero nabuhay kami kahit wala ang mga luho na yun. He will carry on with his life."
He gritted his teeth.
Lumabas na kami ng office nya.
Somehow nabunutan na ako ng tinik sa dibdib.~~❤
After four days, linggo ng hapon, dumating si Tristan sa bahay. Nakasakay sa isang maliit na truck.
"Hi" he got down from the truck.
"O, anong meron?" tanong ko. "Bakit may truck?"
"Haha hihingi sana ako ng favor" napakamot sya ng ulo. "Umalis na kasi ako sa condo. They can take everything away from me except you. And my books" itinuro nya ang truck.
Lumapit kami dun, nakita ko sa loob ang napakaraming libro.
"Pwede ko bang ipatago muna itong mga to sa inyo? Maliit kasi yung studio na nalipatan ko. Hindi kakasya lahat" sabi nya.
"Pwede yan dito. Bakante naman yung guest room sa taas" sabi ni Mama. Nasa likod na pala namin sya. "Pwede ka nga dito nalang tumira para hindi ka na magbayad ng renta"
Tumawa si Tristan. "Salamat po Tita, pero nakakahiya naman po. Parang hindi maganda tingnan na makikitira ako sa bahay ng girlfriend ko."
"Kuu, ano namang nakakahiya dun?" hirit ni mama.
"Ibaba na natin yan para mailagay natin sa taas" sabi ko para matigil silang dalawa.
"Wow" sabi ni Chandria pagkalabas ng bahay at makita ang mga libro ni Tristan "Kuya Tristan, sayo to lahat?"
I've never seen her this excited. Hinaplos haplos nya ang mga libro.
"Yep. Mga kayamanan ko yan. Makikipatago muna ako. Pasensya na" nahihiyang sabi ni Tristan.
"Iingatan ko ang mga ito kuya" nangingislap ang mga matang sabi ng kapatid ko. "Pwede ko ba silang basahin?"
"Oo naman" He pat her head. Magkasundong magkasundo ang dalawa.
Ibinaba namin ang nasa 400 piraso ng libro. I can't believe nabasa nya ito lahat.
Isinalansan namin yun sa guest room.
"Don't worry po, Tita, kapag nakalipat ako sa mas malaking space, kukunin ko rin sya." sabi ni Tristan kay mama.
"No problem iho. Maluwang naman itong bahay at isa pa educational naman yung mga libro mo, mababasa din namin kapag may time." replied my mother.
"Sorry po talaga sa abala"
"Nagprepare ako ng miryenda sa kusina. Kain tayo" yaya ko sa kanila.
"Wow magpapamiryenda si mayor!" natutuwang sabi ni Tristan.
Nagtawanan kami at pumunta sa kusina.
"So, anong plano mo ngayon iho? Paano yung pag aaral mo?" tanong ni Mama.
"Wala naman pong problema sa pag aaral ko, kasi bago mamatay si Mommy, may educational plan na ako. Hindi ko problema ang Tuition. Ang budget naman po, kukunin ko sa business ko" sagot ni Tristan.
Nagsandok ako ng Ginataan at nilagay yun sa mesa. Nagtimpla naman ng juice si Chandria.
"Ah, buti naman may business ka. Ano ba yung business mo?" usisa ulit ni mama.
Tumingin ako sa kanila. Gusto ko dinf malaman.
Lumapit si Tristan kay mama at bumulong.
Tumawa ng malakas si mama. "Talaga? hahahahaha ang galing galing naman ng batang ito."
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang mag bulungan. Nailing nalang ako.
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomanceShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...