The wind is cold. The night is dark.
The rain keeps pouring.
Noone answers my call.
Noone hears me scream.
I was drowning in my own tears.
I was in the verge of dying.
Until she held my hand. It was warm.
So warm that I don't feel the pain anymore.
She smiled and the sun shone in my life again.That was the moment, my heart knew.
She is my...TRISTAN'S POV
Slowly opened my eyes. It's 15minutes before seven in the evening.
Pauwi na sya. Naisip kong bumangon mula sa kama at naghilamos sa CR. Nagpalit ako ng simpleng t-shirt at walking shorts. Lumabas ako ng unit ko at dumiretso sa elevator.
Mabilis ang lakad ko palabas ng building. Malapit na ang Ber month kaya lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Narating ko ang isang coffee shop. Mula sa labas ay tumanaw ako sa loob. Nakita ko si Chelsea, nagma-mop ng sahig. Ilang sandali ko syang pinagmasdan. Tuwing may papasok sa shop ay nakangiti itong bumabati. That radiant smile..
I just stood there for like 10 minutes until she disappeared from my sight. Di katagalan, nakita ko na syang palabas ng shop, nakabihis na. Still wearing my jacket. I smiled and walk towards her.
"Yo" bati ko.
Lumingon sya. Eyes widen upon seeing me.
"Stalker ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot?" medyo iritadong sabi nito.
"Ang gwapo ko namang stalker." sagot ko
Umirap sya.
"Chelsea" tawag ko.
Dire-diretso lang syang lumalakad. Ignoring me.
"Chelsea" humabol ako. "I want to eat"
Hindi nya ako pinapansin. Pinigil ko sya sa braso.
"Stop."
Tumingin sya sakin. "Ano ba! " paboritong expression nya.
"Ano ba! " I mimic her.
She sighed.
Tinuro ko ang isang steakhouse. "Kain tayo dun"
Bigla itong sumimangot. "Edi kumain ka"
"I want to eat with you"
"Wala akong pera." sabi nito.
I held her hand and walked towards the restaurant. "Ok lang, pwede naman tayong maghugas ng plato after nating kumain"
"SIRA ULO KA BA! "
I laughed. Sinubukan nyang kumawala sa pagkakahawak ko pero hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.
"Table for two" sabi ko sa receptionist. Ilang sandali pa ay may naglead sa'min papunta sa isang mesa.
Iginala ni Chelsea ang paningin sa resto.
"Hanap nalang tayo ng fastfood. Mas kumportable akong kumain dun. " sabi nya.
I just stared at her with a smile on my mouth. Nailang sya. Dinampot nya ang menu at nagcover ng muka habang namimili ng kakainin.
After a few minutes, tumingin sya sa'kin.
"So, nakapili ka na?" tanong ko.
Tumango sya. Tinawag ko ang waiter at sinabi ko ang order namin. Kinuha na ng waiter ang menu. She was left anxious.
"Bakit ba lagi kang nakatitig sa'kin? Nakakailang na" sabi nya.
"Bakit ka naman maiilang?" I held her hand. I love her hand. It's soft and warm.
Hinila nito ang kamay. "Ikaw ha. Lagi kang nananantsing" umirap sya.
I chuckled.
"Sabi mo wala kang kapera-pera. Pano mo naafford na kumain tayo dito? Libre ba to? Sinasabi ko sa'yo wala talaga akong pera." sabi nito.
I nodded. "So do I"
Sinipa nya ang paa ko sa ilalim ng mesa. "Puro ka kalokohan"
Nilabas ko sa bulsa ko ang ilang discount coupon para sa resto na yun. She checked it.
"San galing tong mga to? Ang dami"
I winked at her. "I have my ways"
Ilang minuto pa, dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.
In fairness, she has table manners.
"If you keep on staring at me, mauuna pa'kong matunaw kesa sa yelo ng drinks ko." sabi nito habang kumakain.
"Hindi ka naman mukang mahirap. Pero bakit kailangan mong magtrabaho para sa studies mo? I heard you're scholar too. Nasaan ang parents mo?" I started interviewing her.
She looked at me. "Naaawa na'ko sa mama ko. Nahihirapan na syang kumayod para saming magkapatid. Kahit sabihin nating free tuition ako, kailangan ko pa din ng baon, projects at ibang gastos sa school" sagot nya.
"And what about... " I paused for a second. "your father?"
She shrugged her shoulders. "Ewan ko. 8 years old lang ako nung umalis sya. He's nowhere to be found"
"I'm sorry for asking" I said.
She smiled. "It's fine. My life is an open book anyway."
I smiled back.
"Eh ikaw, nasan yung family mo? Bakit wala manlang dumalaw sa'yo sa ospital?" tanong nito.
"Malayo sila"
I looked out the resto and saw few drops of rain.. It's starting to pour again.
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomansaShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...