CHAPTER 27: Saving Chelsea

23 1 0
                                    

CHELSEA'S POV

I sighed. Twice. Thrice. Until I lose count.

Naiinis ako kay Tristan. Akalain mong titig ng titig sakin kanina tapos, makikita kong nakikipag usap din sa ibang babae? Out of all people kay Xyerah pa?

I think something is going on between them. Or baka may gusto si Xyerah kay Tristan. Even so, bahala na sila.

I don't care about them!

Few minutes later, pumasok na sa room si Tristan.

Tahimik ang buhay ko hanggang mag uwian.

Pagsapit ng alas tres ay gumayak na ako para pumunta sa cafe.

Mabilis akong nakalabas ng room at naglakad sa pasilyo ng building namin.

Nakaramdam ako ng mabibigat na yabag na sumusunod sa akin.

"Gara eh, nang iiwan" sabi ni Tristan at sinabayan ako sa paglalakad.

Huminto ako at tumingin sa kanya.

"Pwede ba? Wag mo muna akong istorbohin?" inis na sabi ko.

Tumaas ang dalawang kilay nya.

"Am I disturbing you?" tanong nya.

"Malamang!" asik ko. "Umaga tanghali at hapon kitang nakikita. Nauumay na ako sayo. Buntot ka ng buntot tapos kapag may itinatanong ako ayaw mong sagutin!"

"Hey, hey, are you mad?" itinaas nya ang dalawang kamay nya.

"Sino sa tingin mo ang matutuwa?" hindi ko maitago ang inis sa boses ko.

Tinikom nya ang bibig nya. Ibinababa nya rin ang dalawang kamay.

"Okay. Sorry kung ini-istorbo kita." namulsa sya. "Pero alam mo, simple lang naman yan eh. Pwede naman tayong mabuhay ng maayos kahit wala kang tinatanong. Let's not complicate things. Para hindi ka naiinis kung ayaw kong sagutin ang mga tanong mo"

Lalo akong napipikon sa mga sinabi nya. "Edi wag mong sagutin. Pero wag ka na ring lumapit lapit sa'kin. Kasi no matter how close we might get, you'll still be a stranger for me. Hindi kita kilala."

He smirked. "Just say you like me and you'll get every answers you need."

"Aren't you a little too full of yourself? Akala mo lahat ng babae may gusto sa'yo? Spare me. Bawas bawasan mo din ang kayabangan mo." I said straight to his face.

He looked into my eyes. "Ganun ba?" pained registered into his eyes, he suddenly avoided my gaze.

I realized what I said. I don't know if I should say sorry or not. I felt a little guilty.

"Sige" he sighed. "I wonder if I were Zeus, will you say those words too? Malamang hindi. Pero wala akong magagawa. Hindi naman kasi ako si Zeus. Hindi ako ang gusto mo kaya disturbance ang tingin mo sa'kin"

I was caught off guard. It may be true. Pero dati yun. Iba na ang sitwasyon ngayon, lahat ng feelings ko para kay Zeus ay naglaho.

I want to take back what I said. I may have been too harsh against him.

"Hindi na kita iistorbohin. Sorry ulit." He turned and walked away.

Naglakad na ako papunta sa cafe.

~~❤

The next day, Tristan didn't attend school. I didn't paid much attention about it. Ganun naman sya e, lulubog, lilitaw.

Thursday.

I woke up with my phone ringing.

"Hello?"

"Hello Chelsea, kumusta ka dyan?" si mama ang nasa kabilang linya.

"Ok naman ako ma. Uuwi na ba kayo ngayon?" tanong ko.

"Baka sa Linggo pa 'nak. Yung buyer kasi, nagkaaberya." nagpaliwanag si mama. Hindi ko gaanong naintindihan dahil napatingin ako sa oras, 6:30 na pala.

Nag usap pa kami sandali at nagpaalam na akong papasok.

Mabili akong naligo at nagbihis.

Lakad takbo ako pagdating sa school. Swerte namang nakaabot ako sa klase.

Pagpasok ng room, wala ulit si Tristan. Naisip kong baka na-late lang.

Time passed and he never showed up. Nahihiya naman akong magtanong kay Ma'am Cristy dahil sabi nga ni Tristan, it's none of my business.

Kinagabihan, pag out ko sa cafe, malakas ang ulan. Naisip ko na naman sya.

Bakit hindi sya pumapasok? Anong problema?

Ganun ba sya ka-sensitive na hindi papasok dahil sa mga pinagsasabi ko? Hindi naman siguro.

Naglalakad na ako papunta sa bus stop nang may biglang humila sakin papunta sa isang madilim na eskinita. Nabitawan ko ang payong na hawak ko. His big hands covered my mouth. Nagpumiglas ako pero sobrang lakas nya.

"Miss, wag kang malikot. May patalim ako." sabi ng lalaki.

Sa dilim ng lugar ay nakita ko ang kislap ng dulo ng kutsilyo. Hindi sya nagbibiro.

"Akin na ang bag mo." sabi nya at itinutok sa leeg ko ang patalim.

"Kuya maawa ka naman, estudyante lang po ako. Importante po ang mga notes ko" naiiyak na sabi ko. Nanginginig sa takot.

Inabot ko sa kanya ang bag ko.

He then slapped my face and pushed me to the ground. Nahilo ako sa lakas ng sampal nya, naramdaman ko rin na pumutok ang labi ko.

Kinalkal nya ang bag ko. Naglalaglagan sa lapag ang mga notebook at iba pang laman nun.

Nakuha nya ang wallet at cellphone ko. Agad nya iyong ibinulsa.

"Alam mo iha, maganda ka"

I looked up to him and saw him unbuttoned his pants.

I screamed loudly. "Saklolo! Tulungan nyo ako."

Bumangon ako mula sa pagkakasubsob sa kalsada pero bigla nyang hinila ng buhok ko.

"Walang makakarinig sa'yo."

His breath smells like alcohol. He brushed his mustache on my cheek and pinned me to the wall. I was so scared.

Lord, please help me..

Isang malakas na tunog ang narinig ko.

Bumagsak ang lalaki sa kalsada. Facedown.

Then I saw Tristan, hawak nya ang payong kong natupi na, yun ang ipinalo nya sa ulo ng holdaper.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry, I'm a little late" sabi nya. "Ang dami kasing eskinita rito. Inisa isa ko pa para mahanap ka."

Hindi ako umimik. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. I was shivering in fear and cold.

Ilang sandali pa ay may mga dumating na police mobile at dinampot ang lalaki.

Inimbitahan kami sa presinto at sumama kami. Si Tristan na ang nagsampa ng reklamo, I'm still in the state of shock.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now