CHAPTER 5: An accident

34 2 0
                                    


Few days passed again. Naging routine ko na sa ilang araw ang punta sa mga resto after ng klase. Sadly wala parin akong mapasukan dahil karamihan ng hinahanap ay full-timers. Medyo nakakafrustrate na. Mahigit isang linggo na rin kasi.

Pagdating ko sa university ng araw na yun, may nakita na naman akong nagkukumpulan. Yung babae na naman ang nambubully. Iba na naman ang kinakaladlad nito.

What a troublesome girl.

Hindi ako nakialam. Ang ginawa ko ay dumiretso ako sa faculty room at tumawag ng prof. Mabilis silang pumunta sa lugar at inawat ang mga nag aaway.

Next thing I knew, ipinatawag sa admin's office yung babae. Xyerah ba yun?

Nakasabay ko sa hagdan paakyat si Tristan. Tiningnan ko sya. Naalala ko bigla na meron akong kailangang ibigay sa kanya.

"Hoy" sabi ko.

Hindi nya ako pinansin. Nauuna itong maglakad.

"Hoy, excuse me!" tawag ko. Binilisan ko ang lakad. Kinalabit ko sya.

Huminto sya at unti unting lumingon.

He's glaring at me.

"First, hindi hoy ang pangalan ko. Second, ayaw ko ng may kumakalabit sakin."

Nagsalubong ang kilay ko. I handed him the envelope Zeus gave last week.

"Ngayon ka lang kasi pumasok. Hindi ko alam kung anong laman nyan, but Zeus said it's important" sabi ko.

Tinitingnan lang nito ang muka ko habang nagsasalita ako.

"Zeus? " kunot noong tanong nito.

Tumango ako.

He smirked. "You can keep it. It's not important as he thinks" tumalikod na ito. At nasa pinakataas na ng hagdan.

"Hoy!" humabol ako sa kanya at inunahan ko sya. Hinawakan ko ang kamay nya.

Napatigil sya at tiningnan ang kamay ko. He has this amuzed expression on his face.

Hindi ko pinansin yun. Naiinis ako sa attitude nya. "Napakalayo ng university nung tao. May idea ka ba kung saan sya nag aaral, ha? Nag effort syang pumunta dito tapos sasabihin mong hindi importante?"

"Tapos?" taas kilay na tanong nito.

"Hindi mo man lang ichecheck? Pa'no kung importante talaga?"

He sighed. Pagkatapos ay lumapit sa akin. Sobrang lapit na naaamoy ko na ang hininga nya.

Bigla akong nailang.

He sniffed my hair. "I like this scent" sabi nito.

"Jesus Christ!" nasabi ko. "Will you please be serious?"

Sumeryoso ito at tumingin sa akin. Matangkad ang lalaki kaya nakatingala ako sa kanya. Ngumiti sya sa'kin. At tumingin sya sa lips ko. My heart skipped a beat. Bigla akong ninerbyos lalo na ng pisilin nya ang kamay ko. Nakahawak parin pala ako sa kamay nya.

Absent mindedly, napabitaw ako and I pushed him. Malakas. I didn't realize we're at the top of the stairs. Mabilis syang bumulusok pababa ng hagdan bago ko pa maabot ang kamay nya.

"TRISTAN!!!" napasigaw ako as he came rolling down the stairs. It's like everything became slow motion. I saw him looked at me before he touched the floor and closed his eyes. Ilang segundo akong na-freeze sa kinatatayuan ko.

"Dalhin natin sya sa clinic" sigaw ng isang estudyante sa paa ng hagdanan. I came back to senses.

Nanginginig akong bumaba at tumulong. Naiiyak ako habang tinitingnan syang nakahiga sa floor.

"Ugh" dumilat ang mata ni Tristan. He shook his head. Bumangon ito. At sinapo ang noo. Nagsimulang dumaloy ang dugo sa gilid ng ulo nito.

I freaked out. Nanginginig na tinulungan ko syang tumayo. May ilang lalaking estudyante na tulong tulong na bumuhat dito at dinala sa clinic. Sumunod ako.

Relaxed lang si Tristan habang ginagamot ng nurse. Tumawag na ito sa ospital para maadmit ang lalaki. Sinamahan nya ito sa clinic.

He chuckled after the nurse put some first aid.

"I'm sorry. I didn't mean to push you down" hinging paumanhin ko.

"Really? I thought that's deliberate. " he smirked.

"I meant to push you away but not down the stairs" paliwanag ko. Feeling guilty.

"You almost killed me." natatawang sabi nito.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Eh bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba dun?" inis na sabi ko.

"The way you called my name" he paused. And smiled.  "I loved it"

Napakunot noo sya.

A minute of silence.

"S-sige. Balik na ko sa room" nasabi ko.

Pinigilan nya ako. "Wait"

Pain registered on his face as he tried to move.

"Wag ka na ngang kumilos. Baka nabalian ka tas ang likot mo pa" saway ko.

"I'm hungry" sabi ni Tristan. "Get me some food"

I sighed. Nilahad ko ang palad ko.  "Pambili" wala akong pera ngayon bukod sa pangkain ko ng tanghalian. Hindi ko maafford na ilibre sya.

"Sagot mo. Nagutom ako dahil sa pagkakatulak mo. Bilhan mo ako ng pagkain bago ako dalhin sa ospital. " utos nito.

Unbelievable!

"Wala akong pera" asik ko.

Tahimik lang itong nakatingin sa akin. Nagpuppy eyes pa.

"Wala din akong pera. Tapos dadalhin pa'ko sa ospital. Sa tingin mo, kaya kong magbayad ng bills?" tanong nito. "You should have pushed me harder so I won't have to feel anything right now and won't be worried about payments. It's your fault. You should have killed me right there."

Napataas ang kilay ko.

Nakonsenya ako sa mga pinagsasabi nya. "Fine. Bibili lang ako saglit"

"Wag na" pigil nito. "Yung bulsa ng jacket ko,  may pagkain Chan, pakikuha. "

Sumunod nalang ako. Kinapa ko ang bulsa ng jacket nito at may nakuha akong dalawang chocolate candy on stick. Binalatan ko yun at ibinigay sa kanya. Tinanggap nito iyon.

"Mukang masarap diba? Pero di ko ibibigay ang isa sa'yo dahil yan lang ang kakainin ko for lunch" sabi nito.

"Huh?" binalik ko sa bulsa ang isang kendi.  "Seryoso? Bakit?"

"Kasi wala akong pera" sagot nito habang titig na titig sa akin.

Maya maya may mga pumasok na staff mula sa hospital at kinuha na si Tristan.

"Puntahan mo ko mamaya after class" sabi nito bago ito inilabas ng clinic.

~~~

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now