CHELSEA'S POV
So, I invited Tristan to come over. Last night nakausap ko na sila mama at Chandria. They agreed to pretend not to know Tristan. Pumayag din si papa. Si Xyerah naman ay umuwi sa bahay nila ngayon para bumisita.
"Come in.. " sabi ko habang papasok na kami sa bahay.
Iginala nya ang paningin sa loob.
"Ang laki ng bahay nyo." he was impressed. "Pero bakit kailangan mo ng pera?"
"Personal reasons." I replied.
Nasa salas sila mama.
"Ma, Pa, Si Tristan. Sya yung buyer ng books. Sila ang parents ko. At yun naman ang kapatid kong si Chandria.. " itinuro ko si Chandi.
"Good morning po.. " nasabi ni Tristan.
"Good morning din iho. Nag almusal ka na ba?" tanong ni Mama.
Ngumiti si Tristan. "Yes Ma'am tapos na po sa bahay.
"Tingnan na po namin yung mga libro" paalam ko. Hinila ko sya sa kamay at dinala sa library. Isang room sa baba ang pinagawa kong library para sa mga libro ni Tristan.
He was amazed nang makita ang mga libro.
"I don't remember anything but it feels nostalgic.. " he said.. "Siguro nung bata pa ako mahilig talaga ako sa mga libro"
Nilapitan nya ang isang shelf, naka-clasify na ang mga libro. Pinagsasama ko ang magkakapareho ng topic.
"Some of these are limited edition." Binuklat nya ang isang libro. It's about games. "Wow! ang cool"
"Pangarap ng fiancé ko magkaroon ng sarili nyang game company. That's why he has tons of books like this" I said.
"Ah" napatango sya. "so , why you're selling it?"
Hindi ako sumagot.
"It's quite rude to sell something that's important to someone. Come on.. " nasabi nya.
Kumuha ako ng isang libro at binuklat buklat yun. "Twing nakikita ko kasi tong mga to, naaalala ko sya. Naiisip ko sya araw araw. Samantalang ako, hindi nya man lang maalala"
"Sabi nya hindi nya ako iiwan. Pero wala na sya ngayon" Yumuko ako ng bahagya.
He harshly took the book from my hand and closed it. Nagulat ako sa ginawa nya. Napatingin ako sa kanya.
He's frowning. "You're reading the book upside down.. "
"Ganun ba?" Nagtama ang mga paningin namin. Miss na miss ko nang makausap sya katulad ng dati. Miss ko nang makasama sya katulad ngayon.
Bakit kailangang makalimutan nya ako?
Biglang tumulo ang mga luha ko. "Di ko napansin. Nanlalabo kasi ang paningin ko"
"I see.." he leaned down on me and his lips met mine.
I was frozen. I didn't expect him to do that.
"Forget about him" he said after the kiss. "He's no good for you"
Pinunasan nya ang luha sa mga mata ko.
Nagbawi ako ng tingin. "So, ano bibilhin mo ba tong mga libro?"
Sumandal sya sa bookshelf.
"Pag iisipan ko muna. Hindi ko kasi alam kung saan ko ilalagay." sabi nya.
Tumango ako. "Sige."
Mahabang katahimikan ang namayani sa kwartong iyon. I have a lot of things to say. But I can't let it out.
Like, Am I prohibited?
He cleared his throat. "I'm sorry for kissing you"
Ngumiti ako. "Ibang iba ka sa hubby ko. He never said sorry even once kahit ilang beses nya akong ninakawan ng halik"
Hindi ko alam pero parang nainis sya sa sinabi ko. "Iba talaga ako sa kanya. Kung ako ang fiancé mo, hindi kita iiwan sa ere" napatigil sya.
"No, I shouldn't be saying this." tinakpan nya ang bibig nya. "I'm actually engaged to someone. Please don't get me wrong.."
I gave him a straight smile.
"Pwede ba akong magtanong?" I said.
"Sige, anong gusto mong malaman?"
"Yung memory mo, may pag asa pa bang bumalik? Wala ka bang naaalala kahit ano, tungkol sa buhay mo?" tanong ko.
"Temporary amnesia lang naman to. So malaki ang chance na mababalik pa." he shrugged. "Wala akong naaalala. Kahit ano. Which is ok for me. I don't really mind. Maybe some memories are meant to be forgotten.. "
Nasaktan ako sa sinabi nya. No one ever told him kung ano ako sa buhay nya. What do I expect.
"Your mind must be at peace right now.." nasabi ko. I opened the door para lumabas na kami. "I wish I can have that peace of mind too."
Hinatid ko na sya. Nagpaalam sya kila mama.
"Ingat ka sa pag uwi." sabi ko pagdating sa labas ng gate.
"I feel so warm dito sa bahay nyo. Feeling ko magkakakilala na kami ng pamilya nyo." he said smiling.
"Importante ba para sayo yung fixed marriage?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse nya.
Huminto sya bago ako tiningnan. "How did you know it was fixed?"
Natahimik ako. I can tell him an alibi but I chose to close my mouth. Ilang sandali syang nakatingin sa akin.
"It doesn't matter." umiling sya. "Yeah. It's important because the business is at stake. I'll do what is good for the company."
"Okay" I replied.
Seems like he is determined to get married to somebody else.
"Pwede bang hintayin mo ako dito saglit? May ipapabigay sana ako sa Dad mo" I told him.
Nagtataka man, tumango sya. Pumasok ako sa bahay at may kinuha sa kwarto.
After few minutes, I'm at the gate again.
"Here" inabot ko sa kanya ang envelope na bigay ng Dad nya. "Nung nakita mo ako sa building ng company nyo, balak ko sanang ibigay yan. Kaso wala sya. Wala akong time magpabalik balik dun. Ok lang bang
ikaw na ang magbigay?"Tinanggap nya ang envelope. "Anong laman nito?"
"Importanteng bagay" I said. "Tell him he won. I concede now."
"Huh?" takang taka sya sa mga sinasabi ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Wag mo na akong tawagan. At mabuti pang wag na tayong magkita ulit."
"Teka lang, sabi ko pag iisipan ko pa kung bibilhin ko yung mga libro.. Paano kung bibilhin ko na?" tanong nya.
"By the time you made up your mind, baka naibenta ko na sa iba. Hindi lang ikaw ang kausap ko. Marami din akong prospects online.. "
I paused and took a deep breath.
"Goodbye, Tristan.. "
~~❤
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomanceShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...