CHAPTER 18.2 (Unexpected Client)

34 2 0
                                    

A/N;  sorry I had to cut it otherwise it'll be pretty long.  ~xoEru ❤

~~

"The normal thing to do is to ask your customer if they have coupons or discount cards, isn't it?" tanong ni Tristan.

"Yes sir. That's a mistake on my part. I'm sorry." I apologized

"No! Call your manager. I will talk to her" he insisted.

I looked at him.

Tinaasan nya ako ng kilay.

Seryoso ang muka ko habang nakatingin sa kanya.

"Ok ok I'm kidding. Sorry na" tatawa tawang sabi nya.

"I wonder why you knew my manager is a She. " sabi ko.

"Regular ako dito. That's why I know" he started drinking his frappe.

"Ok." tinalikuran ko na sya nang may mga pumasok na customers.

Ilang oras pa ay naging busy na ako. Halos mapuno ang cafe dahil sa dami ng tao. Lahat sila gustong mag avail ng birthday promo.

Hindi ko namalayan ang oras, sumapit ang lunchbreak.

"Chelsea, kain ka na muna." Tawag sakin ng manager.

"Yes ma'am tapusin ko lang to." nagma-mop ako ng sahig.

Binitbit ko na ang mop pagkatapos. Napalingon ako sa mesa ni Tristan kanina. He's still there staring at me. Ubos na ang dalawang frappe nito. paubos na rin ang isang cake.

Tiningnan ko sya ng masama. Nagiging stalker na naman kasi.

Pumunta ako sa kitchen at nag asikaso para kumain.

Kalahating araw palang pero ang sakit na ng mga binti ko. Andaming tao. Ang tanging pahinga ko lang ay ang pagsadyang ilaglag ang ballpen sa sahig at sasimpleng uupo para damputin yun.

Napailing ako. It's not the right time to whine. Ginusto ko to kaya panindigan ko.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin si Tristan. Bakit nga ba hindi pa ito umaalis? Hindi ba sya sinipot ng ka-date nya? O naghihintay pa rin?

Bahala sya. Wala akong time sa kanya. Magkasama lang kami kahapon, nakikipagdate na agad ngayon.

Natigilan ako. What?

Hindi ako nagseselos! Saway ko sa isip.

"Argg!" sinampal sampal ko ang sarili ko. "Ano bang nangyayari sa'kin?"

Pumasok ang manager ko sa kitchen. She looked at me.

"O, may problema ba Chelsea? Masakit ba'ng ulo mo?" tanong nya.

Umiling ako. "Wala po ma'am. May iniisip lang ako" nasabi ko nalang.

"Siguro napapagod ka na sa trabaho. Ganyan talaga sa business. Ako nga nung una, umiiyak gabi gabi after ng duty dahil sobrang hirap mag adjust. Ikaw, masasanay ka rin. Pero,  you have to dream big. Walang trabahong madali" she said. "Fighting!"

She tapped me on the shoulder. Lumabas din sya matapos makuha ang mga kailangan nya.

"Fighting! No Tristan-ing" I tried to keep him out of my mind.

~~❤

Thank goodness he left when my duty resumed. Mas maraming customers nung hapon hanggang gabi. Nahihilo na 'ko sa dami ng orders. Paroo't parito, kuha nito, kuha nun. Even my foot is aching.

This is one of the most tiring day of my life. I was more than glad when the clock stroke 7.

"Chelsea" tawag ng manager ko.

"Yes ma'am?" lumapit ako sa kanya.

"Thank you for the hardwork. She gave me a box of cake and a teddy bear. "Iuwi mo tong cake para sa family mo, tapos itong teddy dun sa boyfriend mo."

Boyfriend ko?
Napatingin ako sa labas. Naghihintay si Tristan sa kalsada.

"Hala ma'am, wag na po nakakahiya naman. Trabaho ko naman to e. Tsaka hindi ko po boyfriend yun" dipensa ko.

"Regular customer naman sya eh. Ibigay mo na kasi mukang gusto nya talaga yan." she insisted.

"Then ok po. Thank you Boss" I said and bid farewell.

Paglabas ko ng cafe, malaki ang ngiti ni Tristan.

"I knew it. Hindi mo ko matitiis. Hiningian mo pa'ko" nangingislap ang mga mata habang nakatingin sa teddy bear na malaki.

Kyut lang. Naisip kong biruin sya.

"Nope. Para sa kapatid ko to" sabi ko.

"Sinungaling" sabi nya.

"Luh. Oo nga." seryoso ang muka ko.

Sumimangot sya. "Edi sige"

Tumawa ako. "Eto na,  eto na. Tampo agad?" binato ko sa kanya ang teddy.

"Yay new baby" sabi nya.

"Kapareho ka magisip nung 3 year old kong pinsan" sabi ko sa kanya.

"Coz I'm basically baby faced."

Naglakad na ako.  "ouch"

Napatingin sya sakin. "Bakit?"

"Wala. Nagcrumps lang ang mga daliri ko sa paa" palusot ko. Lumapit sya sa akin.

"Take it off." he said.

"Crumps nga lang. Uuwi na'ko" sabi ko. Inayos ko ang lakad ko kahit ang sakit ng paa ko dahil sa mga paltos gawa ng sandals ko sa cafe.

Nagulat ako nang bigla nya akong buhatin mula sa likod.

"Ano ba? Ibaba mo nga 'ko" protesta ko.

"No" His eyes met mine.

"Ibaba mo nga ako. Hindi ako bata." naiilang na sabi ko.

He smirked. "No. Ang tamang gawin mo, kumapit ka para hindi ka mahulog."

Wala na kong nagawa. Yumakap ako sa leeg nya at sumandal sa balikat nya.

"Mabigat ako" sabi ko.

"Hindi naman. Parang kasing gaan mo nga yung teddy bear eh." sagot nya.

Napatingin ako sa kalsada. Nakalapag dun yung teddy bear.

"Hoy yung teddy mo. Madudumihan. Bakit dun mo lang nilapag?" naiinis na sabi ko.

"I have my priorities sorted. You're more important." nagsimula syang lumakad.

Pumiglas ako. "Bigay yun ng manager. Kukunin ko." Ibinaba nya ako. Kinuha ko ang teddy bear.

"Okay" he said at binuhat ako ulit. Yakap yakap ko ang teddy bear sa kaliwang kamay. Ang kanan naman ay nakakapit sa batok nya.

Kalong nya ako hanggang makarating sa bus stop.

"Di ba ang sweet?" he asked.

"Hmm?" bumaba ako pagdating sa waiting area.

"We looked like newly weds" nakangiting sabi nya.

Tiningnan ko sya ng masama. Isinauli ko sa kanya ang teddy bear.

"Umuwi ka na. Kaya ko nang maghintay rito" taboy ko sa kanya.

He just stared at me. Not making any move.

Maya maya dumating na ang bus.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now