CHAPTER 36

20 0 0
                                    

Alas onse ng umaga. Sunday.

Nasa waiting area ako sa arrivals ng NAIA terminal 3. Ngayong araw ang dating nila mama.

Tumatagaktak ang pawis ko dahil sa init ng panahon.

"I told you we can just wait on car"

Nilingon ko si Tristan. Cool na cool pa rin ang itsura nya. Nakashades at nakasuot ng plain blue shirt at khaki shorts. Tinernuhan nya yun ng Puting rubber shoes.

"Sino ba kasi nagsabi sayong sumama ka dito?" kunot noo kong tanong.

Hindi na nga ako nagpahatid sa kanya kaninang umaga eh. Nagulat ako bigla nalang sumulpot sa bahay at sinabing sasama sya sa pagsundo. Next time hindi ko na babanggitin sa kanya ang lakad ko.

"Boring sa bahay" sabi nya.

"Ano bang gagawin ko sa'yo? Buntot ka ng buntot sa'kin. Stalker ka ba dati?" namaywang ako.

He just smirked at me.

Ilang sandali pa natanaw ko na sila mama palabas ng exit. Kumaway ako para makita nila. Lumapit sila sa kinaroroonan namin.

"Kumusta ang byahe ma?" salubong ko kay mama.

"Ayos naman anak. May pasalubong kami para sa'yo" she said.

"Wow! Dapat lang no, ang tagal nyong bumalik" masayang sabi ko. "Nga pala Ma, si Tristan po, Classmate ko. Tristan, Sya ang mama ko, at ito ang kapatid ko, si Chandria." I pat Chandria's head.

"Nice to meet you po, Ma'am" Tristan took out his sunglasses and offered a handshake.

"Nice to meet you din iho."

Chandria just stared at him.

Nagkumustahan sila Mama at Tristan, di ko sure pero feeling ko naging instant besties sila.

"Let's go na po, mainit dito, baka sumakit ang ulo ninyo dahil galing kayo sa may aircon" Tristan led the way. Binitbit nya ang malaking bagahe ni Mama.

"Ate sya ba yung gangster na naghatid sayo dati?" tanong ni Chandria.

"Naririnig ka nya." I glared at her.

"Gwapo naman pala ate sa malapitan" she said, deliberately making Tristan hear us.

"Hinaan mo nga ang boses mo." bulong ko. Nahuhuli kami sa paglalakad. Magkasabay sila mama at Tristan,nagkukwentuhan.

"Hindi naman nya naririnig." Chandria said. "Mas ok pala kapag black hair sya ate. Muka syang prinsipe."

Lumingon sa amin si Tristan. He grinned. I knew he hears us.

Pagdating sa parking lot, binuksan na ni Tristan ang kotse at pinasakay kami bago inilagay sa compartment ang mga bagahe namin.

Nagprisinta si Chandria sa passenger's seat. Sa likod kami ni mama.

Saglit pa ay nagsimula na kaming bumyahe. Nagkukwento si Mama tungkol sa mga eskapades nila sa Palawan. I'm glad nag enjoy naman sila. Puro trabaho kasi ang ginagawa ni mama. Ok na rin yung may bakasyon once in a while.

"Nanliligaw ka ba sa ate ko?" narinig kong sabi ni Chandria.

"Chandi!" saway ko sa kanya.

Patawa tawa naman si Tristan.

"Kung manliligaw ka kay ate, dapat sa bahay ah!" si Chandria ulit. Kinukulit talaga nito si Tristan.

"Bata pa ang ate mo. Hindi pa sya pwedeng ligawan" sagot ni Tristan. Playing safe huh?

"Chandria, tama na nga yang pangungulit mo." saway ni mama. "Pero, Iho tama sya, kung manliligaw ka sa anak ko, dapat sa bahay. Para pormal tingnan"

"Mama!" dumagdag pa eh.

"Tsaka dapat kung magreregalo ka, wag chocolates at flowers.Bawal kay mama ang matamis eh. Hindi rin kami mahilig dun ni Ate. Yung flowers, hindi nakakain. So dapat kung dadalaw ka, bigas at ulam nalang ang dalhin mo." ani Chandria.

Ang witty! Hinila ko ang konting hibla ng buhok nya.

Tawa ng tawa si mama sa backseat.

"Noted madam" sagot naman ni Tristan.

Napa-facepalm nalang ako.

Pagdating sa bahay, nagprepare na ako ng tanghalian. Nakapagluto na ako kaninang umaga. Ininit ko nalang. Nasa sala sila mama, Chandria at Tristan.

Maya maya pa ay tinawag ko na sila para kumain.

~~❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now