CHAPTER 58: She will always be the one.

17 2 0
                                    

CHELSEA'S POV

Sumapit na nga ang uwian at inaasahan kong darating si Tristan. Nag ayos muna ako ng kaunti bago ako lumabas sa campus

Usually nasa tapat lang ng gate si Tristan para kitang kita nya ang mga lumalabas. Nang marating ko ang lugar na madalas nyang pwestuhan, wala pa sya roon.

Nagpasya nalang akong maghintay sa gilid. Hindi katagalan, may isang lalaking lumapit sa akin. Nasa 30's ang edad, nakasuot ng disenteng damit, parang yung mga bodyguards ng mayayamang tao.

Natigilan ako.

"Miss Chelsea Henares, gusto ka raw makausap ni Mr. Guevara." he pointed a black car not far from us.

Bigla akong kinabahan. Inisip ko kung dapat ba akong umiwas. But then, wala naman akong ginagawang mali so, kakausapin ko sya ngayon.

"Hindi ako pupunta sa kotse nya." Itunuro ko ang isang coffee shop sa tapat ng school. "Pwede nya akong kausapin dun."

I started to walk and crossed the street. Lumingon ako at nakita kong kausap ng bodyguard ang Dad ni Tristan na nasa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay nakita kong bumaba ang lalaki at sumunod sa akin. Nauna akong pumasok ng Cafe.

Namili ako ng upuan sa tabi ng bintana para makita ko kung sakaling darating si Tristan. Pero siguro hindi na dahil nandito ang daddy nya.

"So, Miss Henares, we meet again. It's been a long time.." Mr. Guevara greeted me.

"Yes sir."

"Do you want anything? Feel free to order" he said.

Umiling ako. "Thanks but no thanks Sir. Ano pong sadya nyo dito?"

"Well I want to tell you that I saw you at the hospital this morning. Did you talk to my son?" he asked.

I looked at him analyzing if he knew if Tristan and I were going out sometimes.

"Don't dare lie to me, lady. Have you two talked this morning?" he eyed me seriously.

"Yes" I have no choice. "I came to visit him"

"You really are brave. Really." he said with two eyebrows up.

"I gave back your check. Wala akong makitang masama kung dadalawin ko ang anak nyo. Besides, he's my boyfriend." katwiran ko.

He looks at me with dark eyes.

"What do you want, Miss Henares? Is 50 million not enough? Matalino ka, I bet you know how important Tristan is for the company. He needs someone else to help him run the business.. I don't wish to look down on you, but you simply don't fit for him.." mahina nyang sabi. Sapat lang na marinig ko.

"I understand you, Sir. But you should realize how important Tristan is for me too. I'm sorry to say this but the way I look at things, you are just using him for business purposes." I sat straight. "Kung talagang may malasakit kayo sa anak nyo, hindi nyo sya pipilitin sa bagay na ayaw nya."

"Hindi mo naiintindihan." putol nya sa sinasabi ko. "I'm doing this for him. It's for his future. Ayaw kong makita ang anak ko na nahihirapan sa buhay, maluho sya at sanay nakukuha ang lahat ng gusto nya. With one snap it can all change. Gusto mo bang dumating pa sa puntong ipasara ko ang kompanya ng Papa mo, para lang layuan mo ang anak ko?"

Sa sinabi nyang yun, nasaktan ako ng husto. Handa nya talagang sagasaan lahat..

"Itigil nyo na sana ang paggamit ng pera nyo sa walang kwentang bagay. Sa huli kayo rin ang talo." unti unting namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Do you think, material things can buy happiness? Ayaw nyong makita syang nahihirapan pero kayo mismo ang nagpapahirap sa kanya? Wag nyo pong sabihin na hindi ko naiintindihan. Pinipilit ko po kayong intindihin. Sana po bigyan nyo rin ng chance si Tristan na iprove ang sarili nya. Alam ko po na mahal ninyo ang anak nyo. Bakit hindi nyo po sya subukang kausapin, kapag bumalik na ang alala ala nya.. Tanungin nyo kung anong pangarap nya."

"I'm providing him everything he needs. What do you know about his dreams?" tanong nya sakin.

"Love" I said. "That's something he will fight with all he has for."

"For Christ's sake, Chelsea. Ang babata nyo pa para mag isip ng mga ganyan. Love doesn't matter anymore. You will forget in few years time. But money and power is everything."

I felt so sorry for him. Kinain na sya ng sistema ng pera. I sighed.

"I don't want to argue anymore, Sir." I said. Tumayo na ako. "Have a good day."

Bigla nya akong hinawakan sa braso. "Layuan mo ang anak ko. Please lang!"

"What are you doing Dad?"

Sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Tristan. Lumapit sya sa amin at tinanggal ang pagkakahawak ng daddy nya sa braso ko.

"Tristan, What are you doing here?" gulat na tanong ng Dad nya.

"I promised to pick her up. She's a minor. Don't you ever touch her again." mariing sabi ni Tristan as if hindi nya tatay ang kausap nya.

"Look at that attitude. See how that girl influences you?" galit na sabi ni Mr. Guevara.

"I told you already that it's her that I like. And you go bullying her on my back! And isn't it quite rude to offer her money just to leave me? Anong klaseng tao kayo?" sagot ni Tristan.

Nagsimula na kaming makakuha ng atensyon.

"I did it for you!" sabi ng dad nya.

"You did it for yourself! No wonder I chose her before. You only see me as tool. I will choose her again and you can buy another son with your money!"

Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Nagkakataasan na sila ng boses.

Nai-stress ako at naiiyak.

"Tama na" hiyaw ko. Natahimik silang dalawa.

"Tama na please? Wag na kayong mag away. Umuwi na kayong dalawa ngayon at mag usap ng maayos." tinalikuran ko na silang dalawa.

"Chelsea" tawag ni Tristan.

"Wag mo na syang sundan!" sabi ng Dad nya.

Naaubutan nya ako sa pinto bago lumabas at hinawakan ang braso ko.

"Wag mo akong iwan Chelsea. Please? Ikaw ang pinili ko. You will always be." nagsusumamo ang mga mata nya.

"Kausapin mo muna ng maayos ang Daddy mo Tristan. Hangga't hindi sya pabor para sa atin, hindi tayo matatahimik. Ayaw kong isakripisyo pati ang negosyong pinundar ng Papa ko." umiiyak na sabi ko.

Pumatak din ang mga luha nya. "Please naman oh. Ipaglaban mo naman din ako. Kaya naman natin eh. Nasabi na sakin lahat ni Zeus. Kakayanin ulit natin to this time."

Part of me wants to comfort him and tell him it's gonna be ok, but as long as his dad meddles, nothing will be ok.

Umiling ako. "It's so hard being with you, Tristan. No matter how much we try to fight. Some things just cannot be."

"Chelsea, wag mo namang sabihin yan."

Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko. "Tama na Tristan. Ang dami na nating dinamay."

Tumakbo ako palabas ng coffee shop at tumawid ng kalsada nang makita kong nakaredlight pa para sa mga sasakyan.

Hindi na ako lumingon. Dire-diretso na akong tumakbo pauwi.

~~❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now