CHAPTER 4: Mr.Shy type 😍

28 3 0
                                    


Few days later, napansin kong hindi pumapasok si blondy. I found out his name is Tristan Guevara. He's quite famous in school. Surprisingly. And I find it amazing that girls who talks about him has this glitter in their eyes. Marami palang may crush sa lalaki. Weird. I felt alienated in my classroom, like where have I been all this time that I don't even know him?

My days are fine without him bothering me, aside from the fact that his presence makes me feel like having a period.

Friday afternoon, uwian.

Maaga akong umalis ng classroom. Habang naglalakad na ako sa di kalayuan ng school ay may nasalubong akong isang lalaki. Matangkad ito. Napansin ko ang suot nitong uniform ay mula sa isang sikat na university medyo malayo sa school namin.

Yayamanin.

He awkwardly smile at me. I smiled back. Ang cute ng dimple nya. Tas muka pa syang mabango.

Ayy kinilig ako ng very slight. Lande 😱

"Hi" bati nito. At tiningnan ang ID ko.  "By any chance, do you know someone named Tristan Guevara?"

Shy boys are indeed cute. Nasabi ko sa sarili ko.

"Blockmate ko sya" sagot ko.

"Did you happen to see him today? Nasa loob pa ba sya?" gumala ang tingin nito sa likod nya.

"Actually ilang araw na syang absent"

Tumango tango ito. "I see"

He shyly smiled again and gave me an envelope. "I'm sorry, Miss. But may I ask you to give this to him pag pumasok na sya? It's important. I know he won't talk to me anyway kahit nandito sya."

Tiningnan ko ang envelope. Walang nakasulat sa labas.

"It's an invitation. Please tell him it's very important." Nagsusumamo ang mga mata nito.

Tumango ako. "Ok"

"By the way my, I'm Zeus" naglahad ito ng kamay.

Tinanggap ko ang kamay nya at nakipag-shake hands. Ang lambot ng kamay. Hihi..

"Chelsea" nasabi ko.

~~❤

Weekend came. Tuwing sabado ay naglilinis kami ni Chandria ng bahay. Tuwing linggo naman ay lumalabas para mamasyal dahil off ni mama sa trabaho.

Nang linggong iyon, katatapos lang naming magsimba,habang kumakain sa labas ay napansin kong maputla si mama. Parang pumayat din ito.

"Mama, nagda-diet ka ba?" natanong ko.

Tumawa si mama. "Bakit naman ako magda-diet?"

"Namamayat ka kasi e."

"Stress lang yata sa work" sagot nya.

Tiningnan ko syang mabuti.

Si Chandria ay tahimik lang na kumakain. Hindi ito gaanong nagsasalita. Cold din palagi ang expression ng muka nito. She rarely shows emotions for some reason para itong may sariling mundo mula pagkabata.

"Hayaan mo ma, pagnaka-graduate ako, di ka na magwowork. Mag stay ka nalang sa bahay" pangako ko.

Dalawa lang kaming magkapatid. Yung papa namin, iniwan kami nung 7 years old palang ako. 5 si Chandria at hindi pa nag aaral ng mga panahong yun. Hindi ko matandaan ang dahilan, basta pag uwi ko ng bahay galing sa school, wala na si papa. Umiiyak si mama. Si Chandria naman ay nakaupo sa tabi at nakatingin lang sa mama namin.

Since that day, si mama na ang mag isang nagtaguyod sa'min. I tried my best to help when it comes to my studies. Naging consistent top student ako that qualified me to get scholarship from highschool and even now that I'm in college.

"Ano kaya 'ma, kung mag part time ako? Marami naman akong oras after school eh" suggestion ko.

Tumanggi si mama. Gusto nyang magfocus ako sa pag aaral. Sabi nya mahahati daw ang atensyon ko at baka hindi ako makapagconcentrate sa studies.

"Ok lang ma" sabi ko. "Wala ka bang bilib sa'kin? Kayang kaya ko yan. Besides marami na rin akong kailangang project this sem. Kahit 3 to 4 hours a day lang"

Tiningnan ako ni mama.

"Isa pa magco-college na si Chandria next year. Kailangan natin makaipon para sa tuition nya" dagdag ko. "Payagan mo na ko please?"

Hindi sumagot si mama. Siguro pag iisipan pa nya ang sinabi ko.

May inilapag na mga flyers si Chandria sa mesa. Mga restaurant na may hiring.

"Wow. San mo nakuha tong mga to? " amazed na tanong ko.

"Naipon sa bag ko. Maraming namimigay nyan sa kalsada" sagot nito.

Ngumiti ako. Marami akong pagpipilian at pupuntahan ko yun bukas. Kahit ayaw ni mama.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now