CHAPTER 47: Problem

21 2 0
                                    

3 days nagstay sa bahay si Xyerah. Thankfully, the whole three days are peaceful. Nothing weird happened to her. Sinundo rin sya ng Daddy nya katagalan.

Ngayong gabi ang Christmas party sa School.

7PM, pag out ko, hindi na ako umuwi.
Usapan namin ni Tristan na pupuntahan nya ako dito sa Cafe at sabay kaming pupunta sa party.
I brought the red sleeveless dress he gave me. I'm also gonna wear a santa hat to match the outfit. Para paskong pasko.

I'm excited kasi bukas na ang grand opening ng arcade ni Tristan. Puno ng samu't saring game paraphernalia ang taas ng cafe. His dreams are slowly coming true.

Alas syete na ay wala pa sya. Ok lang naman kasi 8 pa ang simula ng party.

Nagbihis na ako at nag simula ng mag ayos. I put some make up on.

Ilang minuto pa ang lumipas.

Lumabas ako ng Cafe, naiinip na ako sa loob.

Mat bumusinang kotse sa tapat ko. Ngumiti ako sa pag aakalang si Tristan na yun.

Bumaba ang sakay ng kotse. I frowned.

"Hey, beautiful lady." sabi ni Zeus.

Tiningnan ko lang sya.

"Wala pa ba yung hinihintay mo? I can offer a ride" he said.

"No thanks. Darating naman na sya soon." tanggi ko. "Umalis ka na. Baka abutan ka pa nun dito"

Habang nag uusap kami ay tumawag si Chandria sa phone ko.

"Oh, Chandi.. May problema ba? Napatawag ka?" I greeted. My sister never make phone calls.

"Ate, busy ka pa ba? Si mama kasi, dinala ko sa ospital." sabi nya.

Bigla akong kinabahan. "Saang ospital? Anong nangyari?"

Sinabi ni Chandria kung saang ospital. Inatake na naman daw acid. Nahirapan daw huminga si Mama.

"Sige, sige. Pupunta na ako dyan" natatarantang sabi ko.

Pumasok ako sa loob ng Cafe at kinuha ang mga gamit ko. Hindi na ako nakapagbihis.

Paglabas ko, andun pa rin si Zeus.

"I'll take you there." sabi nya. Obviously narinig yung sinabi ko kanina sa phone.

Wala na akong choice. Maiintindihan naman siguro ni Tristan. Sumakay kami sa kotse nya. Ako ang nagtuturo ng daan para hindi kami maligaw.

Habang nasa byahe ay pinipilit kong tawagan si Tristan pero hindi nagriring ang phone nya.

Kinabahan ako lalo.

"Nasaan na ba sya? Sobrang late n sya sa usapan.." nababahalang sabi ko.

"Ganyan mo ba sya kamahal na kahit sa ganitong sitwasyon, sya ang naiisip mo?" tanong ni Zeus.

I sighed.

Narating namin ang ospital. Hindi pa rin umalis si Zeus. Inalam nya rin kung anong nangyari.

"Naadmit na si Mama pero kailangan nating magbayad ng deposit ate.. " sabi ni Chandria.

Lumapit sa amin ang doktor na nag aasikaso kay mama.

"Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?" tanong nya.

Tumango ako. "Kami po ng kapatid ko. Ano po bang sakit ng mama nami doc?"

"She has Gastroesophageal reflux disease or GERD, it's a digestive disorder that affects the lower esophageal sphincter. This is the reason why she suffers from heartburn or acid indigestion. We found out na ilang beses na syang inaatake pero bakit ngayon lang nagpa admit?" the doctor said.

I don't understand what is that GERD, exactly pero thinking na tinitiis lang ni mama yung sakit nya, bakit?

"Ano pong kailangang gawin doc?" naitanong ko.

Tiningnan nya kami. "Wala ba kayong ibang mas nakatatandang kamag anak? So I can explain to them?"

Umiling ako. "Ako po yung panganay. 18 na po ako doc, ok lang saakin nyo na sabihin"

Tumango ito. "I suggest, a surgery. Kasi based sa symptoms na pinakita ng mama nyo, malala na yung sakit nya. She never took anything para mapigilan yun. Now, kung hindi pa sya ma ooperahan, magpapabalik balik lang yung sakit. The immediate cure won't have that much affect on her."

Napalunok ako. "Magkano naman po ang aabutin ng operasyon?"

"Approximately 900,000. Sa machine and the procedures. But, hindi pa kasama dun yung mga gamot na kailangan nya habang nagrerecover sya." sa sinabi ng doktor ay para akong binagsakan ng langit.

Almost 1M.  Saan kami kukuha ng ganun halaga?

"You think about it, pwede rin kayong magpa second opinions sa mga kamag anak nyo, kung meron. But let me know soon kung itutuloy natin or hindi. Excuse me, I have some patients to attend."

Naupo kami sa upuan sa bandang gilid.

Sapo ko ang noo ko. Hindi ko maisip kung paano kami makakakuha ng pera. Kawawa naman si Mama.

Zeus paid for the deposit. Kahit ayaw ko, nagpumilit sya. Wala din kasi akong dalang pera ngayon. Bumili rin sya ng dextrose at ilang gamit na kailangan ni Mama ngayong gabi.

"Chandi, di ba may pera si Mama sa bangko? Pwede kaya nating gamitin yun? Yung pinagbentahan nyo ng Lupa sa palawan" naisip ko.

"Pwede naman siguro. Pero kailangan si Mama ang mag withdraw nun" she answered.

I sighed. I took my phone and dialed Tristan again. But his phone is off.

Pumatak ang mga luha ko out of frustration.

Ilang sandali pa tinawag kami ng nurse, pwede nang puntahan si mama.

Lalong nadurog ang puso ko nung nakita ko na may kung ano anong aparato ang nakakabit kay Mama. Ganun ba kalala yung atake sa kanya?

I fixed myself bago lumapit sa kama nya.

"Ma" I held her hand.

She slightly opened her eyes.

"Matulog ka lang muna ma. Gagawa ako ng paraan" sabi ko.

Bit my lips, trying to hold back the tears. Ayaw kong makita ni mama, baka panghinaan din sya ng loob.

After few minutes, nagpaalam na si Zeus. Pinauwi ko na rin si Chandria sa bahay. Ako na muna ang nagbantay kay mama ngayong gabi.

Nasa upuan lang ako, umiidlip sandali, nagigising kapag may nurse na dumarating para icheck si Mama.

Nasa female Ward kami. Sampung kama ang nasa loob ng kwarto. Pawang okupado lahat.

Bandang alas dos ng madaling araw, nagkaingay ang mga tao dulong kama. Nag iiyakan ang dalawang bantay ng nakahiga doon.

I found out na namatay na ang pasyente nila.

Nahawa ako sa iyakan nila. Hindi ko kakayanin ang ganung sitwasyon. Sana makagawa ako ng paraan para mapaopera si Mama.

Nasaan na ba si Tristan?

Kung nandito manlang sana sya, hindi ako panghihinaan ng loob. Nag alala din ako sa kanya. It's not like him na mang indian sa usapan... Nasaan na sya?

~~❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now