CHAPTER 33: A Cinderella Night

22 0 0
                                    

Saturday.

Nasa Coffee Shop na ako. Maaga akong pumasok ngayon dahil naisip kong kailangan naming maglinis ng cafe dahil baha nga kahapon.

Sumama si Tristan at nagprisintang tutulong maglinis. Hinayaan ko nalang sya dahil naisip kong kailangan namin ng makakatulong.

Makalipas ang isang oras ay natapos na kami. Nag open na ang cafe Manager. Maaliwalas na ang panahon sa labas, tanda ng nakaalis na ang bagyo.

Nagpaalam na rin si Tristan maya maya.

"Chelsea, halika muna dito." tawag sakin ni ma'am Cristy. Lumapit naman ako sa counter.

"Anong palagay mo kay Tristan? Mabait na bata, diba?" sabi nya.

Natawa ako. "Yes ma'am" sagot ko.

"Ako ang nag alaga sa batang yun. Nanny nya ako hanggang sa lumipat kami sa mansyon ng Lolo nya." pagkukwento nya.

"Talaga po?" my eyes widen in disbelief. "Ano po bang problema nya sa bahay nila? Inaapi ba sya ng lolo nya dati?"

"Hindi naman. Ang totoo nyan, paborito syang apo ng lolo nya. Meron pa syang ibang mga pinsan pero sya ang pinakapinapaboran." pagpapatuloy nya. "Sa dami nga nilang magpipinsan, si Tristan lang ang pilit kinukuha ng Lolo nya para tumira sa mansyon"

"Eh bakit ayaw nyang umuwi kung wala naman palang kaso?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil galit sya sa pamilya ng daddy nya" she paused. "Basta mahabang kwento"

Nagsimula nang magkaroon ng mga tao sa cafe, bumalik na ako sa trabaho.

"Sya nga pala Chelsea, mag early out ka mamaya. Susunduin ka raw nya mamayang 3pm." pahabol ni Ma'am Cristy. Tinanguan ko nalang sya.

~~❤

3PM. I'm ready to go. Kahit ayaw ko pang mag out.

Tristan came in the Cafe.

"Let's go" nakangiting bati nya.

Nagpaalam na ako sa mga coworkers ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa bahay" he briefly said. Naglakad na kami paalis.

"Seryoso ka? Pinag-out mo ako ng maaga tapos pupunta lang tayo sa bahay mo?"

Tatawa tawa sya habang naglalakad. "Kung ako ang masusunod, hindi na kita papapasukin sa trabaho. Pero no choice ako, ayaw mong umabsent."

"Ewan ko sayo."

Pagdating namin sa bahay nya, pinakain nya muna ako sa kusina. Nagluto sya ng Adobo.

Adobo.
Naalala ko yung sinabi nya na amoy adobo raw ako. Natapik ko sya ng malakas kagabi dahil sa joke nya na yun.

"Pagkatapos mong kumain, maligo ka na kaagad, may mga aakyat na tao dito mamaya. I have prepared your dress." he was in a rush while talking. He's even typing on his phone. "I'll go out. Be ready in 20 minutes ok? Buksan mo ang pinto pag may nagdoorbell. Isuot mo na yung dress mo. Andun sa couch. I'll be back before 5PM."

Before I can say anything, he is already on the run.

Matapos kumain ay naligo na ako. Kinuha ang dress na nakalagay sa magandang box. It was an elegant black dress, knee length, may mga perlas na design. Ang ganda ng tela. I wore it. Backless pala. Buti nalang hindi revealing ang harapan, kundi, hindi  ko ito isusuot.
I fitted perfectly. I felt like a princess. Katerno ng dress at isang pares ng black sandals na may 3 inches na heels.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang doorbell. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang dalawang babae at dalawang bading, may dalang mga atache case. Pinapasok ko ang mga ito.

They turned out to be beauticians.

Ayaw ko sanang magpaayos pero they insisted it was Tristan's order. Wala akong nagawa.

More than an hour ang lumipas bago kami natapos. I was amazed at my own reflection. Ayaw kong maniwala na ako ang nakikita ko sa salamin.

Nagpaalam na rin sila bago umalis.

Hindi nagtagal, bumukas ang pinto. Tumayo ako mula sa couch at sinalubong si Tristan.

He looks so handsome in his black suit, matching with my dress. His hair is neatly brushed as well. Mukang prinsipe in modern world.

Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. Bahagyang nakaawang ang mga labi.

"You're gorgeous" bulalas nya at lumapit sa akin. He cupped my face and without a warning, leaned over and gave me a quick kiss.

"Hoy, sumusobra ka na" saway ko sa kanya.

"I can't help it. I need to check if it's for real or not" he said smiling. "I don't want to go out now. What can I do?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" tinanggal ko ang kamay nya sa muka ko.

"I was just too nervous. You were so beautiful. You'll drop a lot of jaws tonight" he held my hand and guided me to the door.

Ngumiti lang ako. He was staring at me the whole time sa loob ng elevator.

He took me to the parking lot.

"Akala ko ba you hate driving?" I asked.

"Yes. I hate driving but being your driver is an exception. I can drive all my life, para sa'yo." he opened up the door for me.

Natawa ako sa kacheesy-han nya.

Once the engine started, nagsimula na akong kabahan, thinking about what will happen tonight.

"Don't be scared. I'm by your side. Hindi kita iiwan sa party" I heard him said.

"Okay."

He held my hand and gently squeezed it.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now