Nagpapagaling nalang si Mama.
Ilang araw na ang lumipas. Dito na kami sa ospital nagpasko.Mukang okay na rin sila ni Papa dahil nagkausap na sila. Mabubuo na ang pamilya namin.
Masaya na sana kung nandito lang sana si Tristan..
Hindi ko manlang sya nabati ng Merry Christmas. Patay lagi ang phone nya. Siguro inalis na talaga nya ako sa buhay nya.
Stupid.
Isang araw, bumisita si Zeus sa ospital. Kinumusta nya si Mama. Pinakilala ko naman sya sa pamilya ko.
"Bakit nandito ka pala?" tanong ko sa kanya. Lumabas kami ng ward at naglakad lakad.
"Gusto lang kitang makita" sagot nya.
"Si Tristan, kumusta sya?" tiningnan ko sya. I feel so sad thinking about him. I miss him so much.
Hindi sya umimik.
"Zeus.. Tell me, please? Nasaan na ba si Tristan?" naiiyak na sabi ko. "Bakit hindi nya ako tinawagan man lang? Kaya nya ba akong tiisin ng ganito?"
Tuluyang pumatak ng mga luha ko.
"Chelsea, kalimutan mo na si Tristan" naaawang sabi nya. "Hindi na rin sya magiging sa'yo. He is engaged to somebody else.."
Umiling ako. "Hindi. Ako lang ang gusto nyang pakasalan. See this?" pinakita ko sa kanya ang singsing na bigay sakin ni Tristan.
"Babalikan nya ako. Ipaglalaban nya ako. Nagawa na namin dati diba?" my tears are falling like waterfall.
"It was decided, Chelsea" hinawakan nya ako sa balikat. "He has to manage the business. This is the sacrifice he made for you. Forget him because soon, he will go to US to study. Wala nang pag asang bumalik sya sa'yo"
Napahagulhol ako. Ayaw ko. Hindi pwedeng mangyari yun.
Niyakap ako ni Zeus. He let me cry on his chest. "I'm sorry. I'm so sorry that I have to imply these things. Although I knew that alam mo naman na to"
I ran out of words to say. Ang sakit sakit eh. Bakit ganito? Diba sabi nya di nya ako iiwan? US? Ang layo nun diba?
Hinagod nya ang likod ko. "One thing I can assure you with.. Hindi na muna itutuloy ang kasal nila ni Xyerah. She's suffering from heavy depression right now and undergoing therapy.. "
Lumayo ako sa kanya. Pinahid ko ang luha ko. "Anong nangyari kay Xyerah?"
"Hindi nya kinaya yung stress. I think she had a mental breakdown. Although she insists she wants to see you. Kapag magaling na ang mama mo, you can pay her a visit" he said.
Why does fate plays hard on us? What have we done to deserve these things? I feel so sorry for Xyerah.
"Can I make a request, Zues?" I said. "Pwede mo ba akong tulungang makita si Tristan. Gusto ko syang makausap. Please"
He looked at me. "I can't do that"
I felt helpless.
~~❤
December 30, nakalabas na si mama sa ospital. Malakas na sya ulit.
Hindi pumayag si Papa na dun pa kami umuwi sa dati naming bahay. Pinalipat na nya kami sa bahay nya.
Malaki ang bahay. Parang hotel. May malaking swimming pool pa sa likod. Marami ring kwarto.
Isang araw lang ay natapos na kaming maghakot ng mga gamit. Nalungkot na naman ako nung nakita ko ang mga libro ni Tristan.
I've made up my mind na isauli ang perang bigay ng Daddy nya. Naglakas loob akong pumunta sa Opisina nila.
Sa kasamaang palad, walang opisina twing holiday.
Inasikaso ni Papa lahat ng documents namin. Pinalipat nya kami ng school, magkasama na kami ni Chandria sa isang university.
NEW YEAR, NEW LIFE.
January 1, binisita ko si Xyerah.
She looked so thin."Hi" bati ko.
She smiled upon seeing me.
"Chelsea. I heard about what happened with your mom. I'm sorry" sabi nya.
"It's ok" I said. "Sabi ni Zeus, gusto mo rin daw akong makita?"
"Ang totoo nyan, oo. I want to confirm something." she answered "my dream never ends. Laging bangungot. Every night. It's like I have to figure out something para lang matigil na yung mga panaginip ko"
"Eh ano naman yun?" she's really weird but I can say maybe she can see the near future or events in her dreams but she can't really take it all.
"Naalala mo nung ilang gabi akong nakitulog sa inyo?" she recalled, nag iisip. "those nights I never dreamt of anything"
Napataas ang dalawa kong kilay. "Really?"
"Yes. The weird thing is, I see you in my dreams these past few days. Ilang gabi ko nang pinipilit wag matulog. Natatakot kasi ako eh" she answered, lowering her voice.
"So, what can I do for you? Sa panaginip mo, anong nagyari sakin? Namatay ba ako or what?" tanong ko. Nakakacurious.
Umiling sya. "You appear in my dream then the man chasing me goes away"
"Wow, I must be an special case." ngumiti ako.
Nagkwentuhan pa kami ilang sandali.
Naitanong ko sa kanya kung may balita ba sya kay Tristan, wala din syang alam.
~~❤
Nakapag enroll na ako sa bago kong papasukan na university. Bukas pa pasok ko.
Pumunta ako sa coffee shop na pinapasukan ko. Ayaw ko man ay nagresign na ako. Dahil na rin sa gusto ni Papa. Malayo ang Bahay namin sa dati kong university, pati na rin sa Cafe.
Malungkot si Ma'am Cristy nung nagpaalam na ako. Even her wasn't contacted by Tristan. Bigla nalang syang naglaho na parang bula.
I held back my tears bago pa ako maiyak sa Cafe. Umalis na ako.
Tumawag ako sa office ng Daddy ni Tristan, pero on leave daw ang lalaki. Halatang umiiwas din.
Nasaan ka na ba talaga, Tristan? How could you leave me like this?
~~❤
A/N
Yay. HAHAHA Pinag iisipan ko pa kung pababalikin ko pa si Tristan or let's just settle with Zeus.. Charot 😁😁😁
If you love it, Let me know ❤
YOU ARE READING
MY LOVELY STRANGER
RomanceShe used to believe in God's perfect time. She has dreams. She wants to explore the world and enjoy her youth. She never once imagined herself getting involved in anything that has to do with love. She is young to think about such things. Until one...