CHAPTER 53: Back to Zero

21 2 0
                                    

TRISTAN'S POV.

Sinalubong ko si Daddy sa living room. He just got home from a business trip.

Usual na kamustahan lang naman ang nangyari. May mga dala syang pasalubong galing sa Japan.

He bought some books. He handed them to me.

"Dad, am I a fan of reading? Mahilig ba talaga ako sa libro?" tanong ko.

"Yes. Mula pagkabata mo. Maraming libro ang Mom mo dati. Sabay kayong nagbabasa. You learned how to read at a very young age" masayang sabi nya.

"Ah.. Eh nasaan na po yung mga libro ni Mom?" I asked.

Napaisip sya. "Hindi ko alam."

I just shrugged my head and looked at the books on my hands. This reminded me of Chelsea.

It's been five days since we last talked. She never wanted to see me again.

"Dad, can I ask you a question?"

"Yes, what is that, son?" nakakunot noong tanong nya.

"Sino si Chelsea Henares?" tanong ko.

Namutla ang Daddy ko. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi nya.

Nagtaka ako. Ibinigay ko sa kanya ang envelope na bigay ni Chelsea.

"Bakit mo sya binigyan ng 50 million? Sino sya?"

His face frowned upon receiving the envelope. He examined what's inside. It's a check entitled to Chelsea. The numbers are clear.

Hindi sya agad nakasagot.

"Is she someone I know? Dad, tell me. Anong kaugnayan mo sa kanya?" pangungulit ko.

He sighed. "Let me get some rest. We'll talk tomorrow."

He pat my shoulder and got up from couch.

"Dad" pahabol ko. "She said she surrenders. She asked me to tell you, You won"

I saw guilt painted all over his face. "Is that so? That's good."

Iniwan na nya ako sa sala.

Something is off..

~~❤

Kinagabihan, kinatok ko ang kwarto ni Zeus.

"Ano ba yun?" he was annoyed when he opened the door.

"Busy ka ba?" tanong ko.

"May inaayos akong files." sagot nya. Pumasok ako sa loob.

"Tulungan mo nga ako. Ano bang password ng facebook ko?" pinakita ko sa kanya ang phone ko.

"Anong malay ko sa password mo?" he looked at me lazily. "Hindi ka naman nagpe-facebook."

Pabagsak akong naupo sa kama nya. "Ah, gagawa nalang ako ng bagong account."

Kinalikot ko ang phone ko.

"How long are you planning to stay in my room? You see, I'm busy right now.. "

"Sabi mo, friend mo si Chelsea diba? Magkakilala ba sila ni Daddy?" tanong ko.

"Don't know. Ask them" he boredly said.

"Grabe ang sungit sungit mo naman. Sabi ni daddy, ikaw ang hihingan ko ng tulong kapag may problema ako." nakangusong sabi ko.

"Bakit ba kasi Chelsea ka pa rin ng Chelsea? Di ba ayaw na nyang magkausap kayo?." naiinis na sabi nya.

"Kasi naman, naiintriga ako sa kanya. Binigyan sya ni Daddy ng 50 Million. Bro, That's effin 50 Million. Bakit?" bulalas ko. "Di kaya si Daddy ang boyfriend nya?"

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now