"Bakit ka nga pala absent? At hindi ka man lang nagparamdam kahit isang text?"
"Pinuntahan ko kasi si Kuya Jin sa Korea dahil nagtatampo sakin dahil may nasabi akong hindi maganda"
Haha addict talaga nito sa BTS eh
"Tapos?"
"Ayon nagkaron din kami ng time ni V samantalang si Jimin nagseselos dahil iba yung tingin samin"
Imagination talaga nitong bestfriend ko eh tsk tsk
At dahil magkaibigan kami sasakyan ko rin yang imagination niya XD"Ang haba ng hair ah. Eh si Hae my love nakita mo don?"
"Hindi eh"
"Aish yung lalaking yon talaga. Alam mo ba na hindi parin nagtetext o tumatawag sakin hanggang ngayon?! Tapos yung nirelease nilang new MV may kasama na namang babae. Nakakabadtrip bwiset"
"Baka naman busy lang. Saka trabaho lang naman yon eh"
"Hirap talaga pag LDR tapos secret relationship pa kami. Di ko alam kung ako ba talaga iniisip niya para hindi mabash o ikinahihiya niya ako"
"Nako Ate Jade. Huwag munang magdrama. Malay mo mamaya imessage ka na... Nga pala eto oh"
F na F namin eh haha
"Ano naman to?"
"Hindi ba obvious? Malamang photo album"
"I mean para san?"
"Balak ko kasi mag ipon tayo ng pictures ni Jake. Bumili nga rin ako ng sakin eh nilagyan ko narin ng name niya sa harap"
Hmm nice idea.
**
Pag uwi ko sa bahay nag download na ako ng mga pictures ni Jake galing sa fb niya. Buti na lang konti pa lang pictures niya dahil hindi siya madalas mag post.
After non pumunta na ako sa computer shop para ipaprint yung mga yon. 4R lang yung size para sakto lang.
Saglit lang naman yon at natapos na. Habang naglalakad ako, tinitingnan ko isa-isa yung mga pictures niya hihi ang gwapo niya lalo na don sa nakaupo siya sa classroom nila at nagsusulat. Meron ding nasa enchanted siya with his parents and his two older brother. Yung isa college na si Kevin tapos yung isa grade 10 si Kenneth at meron siyang bunsong kapatid, grade 7 si Christian.
Oha bat ko sila kilala? Dahil tinanong ko kay Lorain kahapon. Magkamukha si Jake at Kenneth kaya lang si Jake naka salamin tapos mas matangkad at payat si Kenneth. Inaagawan siguro ni Jake ng pagkain XD
Pagkabalik ko ng pictures sa envelope tumingin na ako sa daan and to my surprise I saw Dawn and Avigael walking towards to my direction. Dali-dali akong nagtago sa likod ng isang naka park na kotse.
Narinig ko silang nag-uusap
"Sige na Dawn. Sumali ka na kasi please"San naman niya pinasasali si Dawn?
"Ayoko Avi. Hindi ako sanay sumali sa ganon"
Sumilip ako ng konti. Tumigil kasi sila malapit sa pinagtataguan ko. Nag pout pa yung Avigael tsk. Para siyang isda sa lipstick niya.
"Ayaw mo talaga? Gusto ko pa namang ako yung kasayaw mo don bago mag end ang program"
May tinatago din pala tong ano eh...Aist nevermind. Kakakilala lang ganyan na umasta. Ako nga two years ng kakilala si Dawn pero hindi ako ganyan kung makalapit kay Dawn.
"Hay. Sige na nga"
"Yey. Thank you"
Isip bata. Kumapit pa sa braso ni Dawn. Masyadong ano eh.
Pagka alis nila. Lumabas na ko sa pinagtataguan ko. Ano nga bang ginagawa nila dito.
"Ay malanding isda!" Biglang tumunog yung phone ko. Sino ba naman tong nanggugulat na to.
"Oh Lorie bakit?"
"May pupuntahan tayo bukas after school"
"Ha? Saan?"
"Basta"
Yung totoo? Hindi ba marunong mag 'bye' man lang yung mga tumatawag sakin? At san naman kaya kami pupunta?
**
Pagkalabas ni Ma'am ng room, nakasuot na ng bag si Lorie at Lorain. Ako naman inaayos ko pa yung mga gamit ko.
"Oy Ate Jade bilisan mo naman"
"Oo na ayan na. San ba tayo pupunta ha?" Pagkasuot ko ng bag ko hinila na ako nung dalawa hanggang sa makalabas kami ng gate.
"San ba siya sumasakay?" -Lorie
"Ha? sino ba?"
"Dun pa" May tinuro si Lorain at ang layo non mula dito sa gate. As usual hinila na naman ako nung dalawa. Kapagod.
"Hala ka. Paalis na yung tricycle na sinasakyan niya" -Lorie
"Okay lang yan. Alam ko naman kung san siya nakatira" -Lorain
OP ako sa dalawang to.
May sinabing place si Lorain sa tricycle driver.
"Sakay na Ate Jade"
"Eh? Bat tayo sasakay? Naglalakad lang naman tayo pauwi ah. Ang lapit-lapit lang ng bahay natin"
"Pupuntahan natin yung bahay nila Jake" Hinila na ko ni Lorie papasok sa tricycle, si Lorain naman naka-angkas sa likod.
"Seryoso kayo?"
"Yep" Nakangiting sagot ni Lorie
"Anong gagawin natin don?"
Natahimik si Lorie at mukhang nag isip "Uhm pipicturan yung bahay nila? Saka para alam din natin kung saan haha"
Pumara na si Lorain at nagbayad si Lorie.
"Bat sa elementary school tayo huminto?"
"Bat gusto mo sa mismong bahay nila? haha" -Lorain
"Err hehe san ba kasi yung bahay nila?"
"Ayon oh" Tumingin kami sa tinuturo ni Lorain.
"Yung green na gate" Limang bahay ang layo non mula dito sa kinatatayuan namin.
"Ano tara?"
"W-wait. Ano gagawin natin don?" Tanong ko kay Lorain
"Ano ba gusto niyo?"
"Okay na yung malaman namin pero gusto kong picturan kaya tara" Lakas ng loob ni Lorie. Pag lumabas don si Jake, lagot.
Lumapit kami at habang pinipicturan ni Lorie, nagpayong ako at tinatakpan ang mukha ko. Si Lorain naman nagse cellphone.
"Tara guys. Okay na" -Lorie
"Wait lang. Tingnan niyo to" -Lorain
Tiningnan naman namin ni Lorie yung phone ni Lorain.
"Wait! Number ba yan ni Jake?!" Tumango naman si Lorain.
"Yah ~ ngayon lang yung convo niyo na yan ah" Tumingin ako sa relo ko at tama si Lorie. Ganon din yung time ng conversation ni Jake at Lorain.
"Tama nga yung nasa fb niya. Noisy in social media but quiet in person"
"Oo nga. Ang haba ng mga reply niya ah huhuh kainggit tapos meron pa siyang text sayo na 'Goodnight sweetdreams' waaa Lorain wag mo siyang aagawin samin ah?" -Lorie
"Wala kong gusto don noh. Gusto ko manly. Eh mas mahinhin pa yon gumalaw sakin eh"
"Cool lang siya"
"Haha oo na. Anyway gusto niyo makuha number niya?"
Nakangising tanong ni Lorain.
"Oo ba/Syempre" Sabay pa naming sabi ni Lorie haha ang adik namin.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...