TLorJOL9

8 11 0
                                    

Pagka liko namin sa right, lumingon si Jake kaya tumingin na lang ako sa phone ko na hawak ko. Nung sa harap na siya nakatingin, binilisan namin maglakad. Lumiko ito sa left, dire-diretso saka pumasok sa  may gate na apartment. Kami naman ni Lorie lumiko rin sa left tas right kung san may likuan papunta samin.

Pumunta muna kami samin, mga 10 minutes pa ang lalakarin.

"Anong ginagawa niya don?" -Lorie

"Baka may kaklase siya na nakatira don o kamag anak"

"Yah ate Jade napansin niya kaya na sinusundan natin siya?"

"Di yon. Maraming studyante na taga dito ang nag aaral sa school natin at don lang naman ang daan eh"

Nagbihis muna ko ng pambahay at ihahatid na dapat si Lorie sa kanto ng Baranggay namin pero sabi niya tingnan muna namin kung saang bahay don ang pinuntahan ni Jake.

Siya ang lumapit sa gate, ako naman mga 10 steps away from her. Pinapalapit niya ko kaya naman lumapit ako sa kanya. Lumayo siya ng konti sa gate na kita yung loob.

"Ate Jade san ba don?"

"Wait. Alam ko sa left na bahay eh"

Lalapit na sana ako don pero pagka lingon namin...

Papalabas ng gate si Jake!! At nagka eye contact kami!!

Bigla akong tumalikod at naglakad ng mabilis ng nakayuko papunta sa kanto palabas ng Baranggay at pinipigilang ngumiti. Kinikilig ako na nahihiya. Ang bilis ng heart beat ko. Baka nasa likod ko lang siya at dito din siya dadaan.

Nung malapit na ko sa kanto, may nakita ko sa daan na aso na itim na nakatingin sakin kaya napahinto ako pero papalapit na siya kaya umatras ako dahil natatakot ako feeling ko hahabulin na niya ko kaya  lumingon ako sa likod ko pero wala si Lorie! Mas dumoble ang kaba na nararadaman ko dahil sa aso at dahil sa pagbalik ko kung san kami nahuli ni Jake. Nakita ko si Lorie na papunta samin dumaan at nasa likod niya si Jake na mga 5 steps ang layo. Omg Lorie-yah.

Naglakad ako sa dalawang side ng kalye, left side, right side tapos left basta kung san may gate para kunwari don ako nakatira incase na lumingon si Jake.

Dire-diretso si Lorie, si Jake lumiko sa may tindahan, ako naman nag stay saglit sa labas ng mini parlor ng kaibigan ng nanay ko na malapit sa tindahan.

Nakita ko sa isa pang tindahan sa di kalayuan si Lorie. Tumakbo ako ng mabilis papunta don para di makita ni Jake.

"Lorie! Bat di ka sumunod sakin? Langya halatang halata tayo. Magkatabi kanina tas nung nakita niya tayo biglang naghiwalay ng street na hindi man lang nag uusap?! Langya nakakahiya shet"

"What the heck grabe yung kaba ko nung feeling ko may tao sa likod ko kaya nag cellphone na lang ako pero siya nga pala ang wallpaper ko kaya dali-dali kong in-off dahil baka makita niya waahh grabe!"  

Hindi kami mapakaling dalawa. Nakakahiyang pangyayari to grabe.

Lumingon kami kung nasan si Jake, pabalik na ito kung san niya kami nakita.

Kinakabahan man na nahihiya at kinikilig hinatid ko na si Lorie.

**

"Hahah kasi naman sunod ng sunod eh haha" -Lorain

"Eh malay ba namin na mahuhuli kami. Si Lorie kasi eh tiningnan pa"

"Nakakahiya talaga grabe" -Lorie

"Bat di ka kasi sumunod sakin?"

"Eh may asong puti na nakasunod sayo eh"

"Di ko na nga napansin yon eh haha grabeng kahihiyan. Saka bakit nga pala siya naka pambahay non?"

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon