Si Lorain naman si Eunhyuk. Kaya lang parang siya si Hae dahil may pagka clingy at parang ako si Hyuk hindi masyadong sweet haha.
Kung hawakan nga ni Lorain ang kamay ko naka intertwined pa tas ang hilig din niya ko yakapin at isang araw lang ata kami di nagkita sasabihin niyang namiss niya ko haha pero ako hindi ako sanay sa ganon nasasanay pa lang dahil sa kanya.
Wait may naalala ko haha nung time na nasa room kami last year, lunch break tapos nakatayo kami ni Lorain at nakayakap siya sakin mula sa likod ko then dumating si Dawn at dumaan sa gilid namin tapos sabi ni Lorain "Ang sarap yakapin ni Jade. Try mo Dawn" Langya talaga si Lorain eh, alam niya naman na may gusto ko kay Dawn non. Kinurot ko siya sa braso at mukhang naramdaman niya naman. Ang sagot naman ni Dawn "Ayoko baka sabihin chansing" tsk pwede namang dedmahin niya yung sinabi ni Lorain eh. Si Lorain naman tawa ng tawa. After kunin ni Dawn yung pagkain niya sa bag niya dumaan uli siya sa gilid namin saka sinundot yung tagiliran ko. Ako namang si timang imbis na makiliti, para kong nanigas. Langya lang.
**
Ang lakas ng ulan kung kelan namang uwian na
Ang dami ko pang libro na dala. Gusto man naming sumakay ni Lorie kaso puro puno ang tricycle.
"Jade!"
Napatingin ako sa kabilang kalsada. Si Lorain pala, nag iintay ng tricycle.
"Bye!"
Nag wave din ako sa kanya.
Lalakad pa lang uli ako nung may tumawag uli sakin. Kaya lumingon ako.
"Bye!" Si Dawn katabi ni Lorain. Nakangiti ito. Ginaya niya lang si Lorain eh haha. Tumango lang ako at sumabay na sa paglalakad kay Lorie.
Ano nakain non? Himala ata dahil binati ako. Naka move on na siguro at okay na siya.
Mabuti naman.
Ang tahimik ni Lorie, badtrip siguro. Hindi na lang din ako nagsalita. Magkwe-kwento naman yan through chat kung gusto niya eh.
Basang basa na yung medyas ko. Medyo baha na saka traffic, ang ingay ng mga busina ng sasakyan.
"Geh. Bye"
Sabi ko at dumiretso na ko maglakad nung lumiko na siya. Mukhang badtrip talaga siya. Anyare kaya?
Ganyan yan pag badtrip eh, hindi nagsasalita. Sanay na ako. Pero minsan to be honest... naiinis ako, dahil ayoko kasi kapag may kinakausap ako tapos hindi ako papansinin. Hayss anyway as her friend and being the older one, iintindihin ko na lang siya.
Pagdating ko sa bahay, ginawa ko na yung routine ko at kahit sobrang daming homeworks nag online parin ako.
Multi tasking at habang nakikinig ng SJ songs. Kumain narin ako ng hapunan bandang 7pm at 8pm nung nag message si Lorie. Buti naman, akala ko di mag o-online eh.
"Ate Jade sorry kanina ah"
"Nakakabadtrip kasi yung mga kaklase ko, ang aarte tapos yung Sanya na friend ni Jake nung nag groupings kami umupo siya sa upuan ko dahil sa side na yon ang group 1 tapos nasa bandang likod ako group 3 then nung pagbalik ko sa upuan ko, nasa lapag na yung bag ko tapos yung lalagyan ko ng libro mukhang pinag- aapakan dahil ang dumi. Hindi man lang niya inayos at binalik sa dati. Akala ko pa naman mabait yon tsk"
"Tapos nung dumaan siya sa gilid ko, hindi man lang na-sorry nung nabangga ako tsk"
Ang tyaga niya mag type noh? hahahh
"Okay lang.
Nagtataka nga ako sayo eh sabi mo mukhang mabait, edi nakilala mo din siya. Halata naman sa mukha na hindi. Bat kaya naging kaibigan yon ni Jake"
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...