Una nilang kinanta ay 'Kundiman' at sobrang gulo na ng audience. Sinisigaw ang name ng Silent Sanctuary at yung iba nakikisabay sa kanta.
After non nagsalita muna sila at tinanong ang audience kung anong next song ang gusto. Karamihan ang sinisigaw 'Rebound' so sinimulan na nila at sinabi nila sa mga nasa bleachers na sabayan din sila.
Sinabayan namin sila at nakitalon narin kami haha. Kaya lang napapansin ko itong guy na nasa likod ni Lorain, inaakbayan na siya pero mukhang hindi napapansin ni Lorain. Mukhang lower section yung guy at kasama niya yung mga kabarkada nito at tinutulak pa siya kay Lorain tsk.
Sumbong ko to sa crush ni Lorain eh haha si Kuya Vincent Valdez na nakilala ni Lorain sa fanmeeting ng mga kpop fans sa Manila, college na yon at member ng Fraction. Sinasayaw nila ang mga kpop dance.
Madalas ka chat ni Lorain si Kuya Vincent haha kakilig nung kinwento sakin ni Lorain nung fanmeeting nila, sa games na paper dance kapartner niya si Kuya Vincent tapos pinasan siya nung sobrang liit na nung dyaryo haha ang price nila merch ng BTS. Nasabi ko na bang Bts fan o Army si Lorain? Kaya madalas sila lagi ni Lorie ang nagkakaintindihan eh. Pero gusto din ni Lorain ang mga songs ng Super Junior at si Eunhyuk haha.
Napansin din ni Lorie kung anong ginagawa nung guy kay Lorain kaya habang tumatalon kami at sumasabay sa kanta ng Silent, hinila niya si Lorain at inakbayan.
'Nice Lorie-yah' pagbuka ng bibig ko na naintindihan niya naman saka siya ngumiti. Mag aala sais narin nung natapos. Sobrang nakakapagod pero nakuha ko pang mag post ng mga pictures ng Silent at yung mga sumali sa Battle of the bands.
Nakita ko yung picture ng Janus at naalala ko yung guitarist nila.
After ma post non. Sinearch ko yung band na Janus sa fb at inisa isa ko yung member non and nakita ko rin yung hinahanap kooooo ~ Ang name niya ay John Joseph. Shet ang gwapo niya ah. Maputi siya at may nunal sa magka bilang pisngi which is cute tapos yung buhok niya natatakpan hanggang kilay niya. Para talagang may halong Japanese. Next time na nga lang kita i-istalk kuya JJ.
**
Nandito ang section namin malapit sa food court dahil sarado pa yung room ng Tle drafting. Nakaupo si Lorie, Lorain at Dawn pati ang iba naming kaklase pero may vacant sa tabi ni Dawn. Ako nakatayo lang, nagpapatangkad haha.
"Jade maupo ka kaya" - Lorain
"Oo nga ate Jade"
Iba ang ngitian ng dalawang to eh.
"Ayoko"
Alam ko naman ang gusto nilang mangyari tsk. Pero sigurado na ko na wala na akong feelings kay Dawn. Nahihiya lang ako pag malapit siya at naiilang.
"Maupo ka na oh" - Lorain
Umusad siya kay Lorie kaya mas lalong lumaki yung space sa gitna nila ni Dawn.
Hinila niya ko at pina upo. Tiningnan ko silang dalawa pero ngumiti lang sila. Si Dawn naman naglalaro sa phone niya.
Nakwento ko narin sa kanila si Kuya JJ at natatandaan nila kahit nung isang linggo pa yon. Sinabi ko na may hawak na electric guitar na color white and red at ang tawag din nila Kuya JJ haha.
"Jade tingin ka sa food court" - Lorain
"Si Kuya JJ yon di ba?" - Lorie
Tumingin ako sa food court. Napatayo ako nung siya nga yong nasa labas ng food court.
"Oo siya nga. Yung kumakain ng fish ball" Haha ang takaw niya, puno yung bibig, ang taba tuloy ng pisngi niya.
"Lapitan natin"
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Teen FictionNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...
