Special Chapter - Jade and Jake

12 9 1
                                        

Nandito kami ngayon sa Dentista para magpa bunot ng ngipin. Kinakabahan ako dahil first time ko magpa bunot.

Pinahiga ako ni Doktora Pascual saka chineck niya ang ngipin ko na bubunutin niya, wala itong sira kaso may butas at laging dumudugo pag nagto-toohtbrush ako.

Inayos niya muna ang mga gamit niya saka ako pinapikit at kurutin ko daw yung kamay ko, yung pagitan ng thumb at hintuturo ko.

Ginawa ko naman ang sinabi niya dahil i-injectionan niya pala ako ng anesthesia. Hindi naman masakit yung injection pero ang pagbunot niya ng ngipin ko sobrang sakit, hindi umipekto ang limang turok ng anesthesia. Halos dalawang oras na pero di parin niya natatangal. Kaya tumigil muna siya at may tinawagan.

Then kinausap muna ni Doc yung Nanay ko kung itutuloy pa daw ba o pagkalipas na lang ng isang linggo tas ie-exray muna, habang ako naman nanghihina na.

Maya-maya lang may pumasok na isang lalaki, tas inabot niya kay Doc yung gamit na pinadala niya.

Hindi ako makalingon dahil nanghihina ako pero biglang nawala ang panghihina ko nung nagsalita si Doc.

"Jake tulungan mo muna ko dito bago ka umalis. Hawakan mo lang yung gilid ng mukha niya"

Lumingon ako at biglang nanlaki ang mata ko dahil si Jake nga.

Anong ginagawa niya dito?!

Langya nakakahiya ang itsura ko ngayon! Hindi ko masara ang bibig ko dahil may bulak sa loob pampatigil ng dugo, namamanhid pa ang pisngi ko, tas hindi ako makalunok ng ayos kaya yung laway ko medyo tumutulo sa gilid ng labi ko. Argh bat siya pa yung dumating!

Napatingin ako kay Nanay. Nakangiti siya sakin tas titingin kay Jake. Feeling ko mas lalo kong nahiya.

Lumapit na sakin si Doc kaya pumikit na ko, pero maya-maya lang may naramdaman akong kamay na humawak sa left at right side ng mukha ko.

What the heck! Pinagpapawisan ako kahit may aircon.

Nasa ulunan ko siya naka pwesto kaya naiilang ako, nakikita niya ang reaction ko. Nakakahiya grabe.

Nawala ang isip ko tungkol kay Jake nung biglang sobrang sakit nung paghila ni Doc sa ngipin ko na ayaw parin matanggal dahil matibay daw at nasa pinaka dulo pa sa babang part.

Napahawak ako sa kamay ni Jake na nasa left side ng face ko dahil sobrang sakit talaga.

Tinigil na ni Doc dahil naaawa na daw siya sakin, naramdaman kong tumutulo na ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan nung tinanggal na ni Jake yung kamay niya sa mukha ko.

Niresitahan ako ni Doc ng gamot at bumalik na lang daw sa isang linggo para maex-ray bago bunutin.

Nagpaalam na din si Jake kay Doc dahil may pupuntahan pa daw siya.

Pagka alis ni Jake nagulat ako sa tanong ni Nanay kay Doc.

"Kaano-ano niya po siya Doc?"

"Si Jake? Pinsan ko po siya. Magkapatid ang mother namin. Siya yung nautusan ko dalin yung gamit kanina dahil nasa bahay namin siya kanina eh nandon yung iba kong gamit kaya ayon"

Ah kaya. Magpinsan pala sila, sabagay bata pa si Doc. I think 30+ pa lang siya.

"So eto po yung kailangan niyang gamot nandyan na din po yung number ko"

"Salamat Doc"

Umalis na kami don, pero yung luha ko ayaw parin matigil, namamaga na ang pisngi ko at di ako makapagsalita ng ayos, at nalalasahan ko padin ang dugo. Parang ayoko na bumalik hayst.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon