TLorJOL5

10 12 0
                                    

Nung nakasakay na kami ni Lorie sa tricycle, nagpaalam na kami kay Lorain. Sa ibang tricycle kasi siya sasakay dahil opposite ang way niya samin.

"Ite-text ko ba?"

"Its up to you...Ayan na send ko na" Langya na text niya na kagad. Ang bilis naman.

Ano ba sasabihin ko? Nagta type ako pero buburahin ko lang din. Ano ba magandang sabihin? Hayst.

'Annyeonghaseyo Jake-ah' Okay na nga yan. Ayoko magpakilala haha para magreply.

"Waaa omygosh ate Jade nagreply sa Hi ko!!"  Nakakagulat naman to.

Tiningnan ko yung convo nila

"Pfft haha Hu u? Wahaha"

"Yah makatawa ah. Okay na yan atleast nagreply hihi"

Sabagay. Nagkibit balikat na lang ako

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung tumunog yung phone ko. Pero alam niyo yung umasa? Ako yon eh hayst.

'Jade may assignment ka na?' Yan yung text ni Dawn

I replied 'Wala'

Nung tumunog ulit umaasa ako na si Jake na pero hindi eh. Hindi rin si Dawn. Kundi si Lorain.

'Jade mahilig nga pala si Jake sa mga kpop at BTS and Exo ang pinaka gusto niya. Fanboy siya, di yan bakla haha'

Sakto lang pala yung text ko kay Jake haha.

Una kong bumaba kay Lorie at yung babaeng yon iniinggit pa ko. Bakit kasi ang tagal mag reply ni Jake?

Nung nasa bahay na ako nag open muna ko ng fb. Kasabay non ang pagtunog ng phone ko na nagpapahiwatig na may nagtext. At biglang may lumabas sa notif ko sa fb.

'Jake Velarde sent you a friend request'

Nanlaki bigla ang mata ko. Waaa is it real? Is it real?

Agad ko itong kinonfirm. Hindi ko kasi siya inadd dahil nahihiya akong makita niya mga post ko. Pero ngayon sino ba naman ako para hindi siya i-accept.

Chineck ko naman kung sino yung nagtext.

Shete ano bang ginawa kong mabuti ngayon? Wahaha.

'Jake 💙💙💙' yan ang contact name niya sa cp ko. At ang reply niya?

"Annyeong ~ Who's this?"

Sasabihin ko ba pangalan ko? Hmm sensiya na Jake next time na lang kita rereplyan. Ayokong malaman mo kung sino ko dahil lalo lang akong mahihiya sayo.

**

Nasa gate pa lang ako, nakita ko na agad ang dami ng tao sa bulletin board. Nakita ko don ang isa kong kaklase.

"Anong meron?"

"Announcement kung sino yung nanalo sa UN"

Nakipagsiksikan ako at nakita kong second place si Jake!! Woah first time niya sumali sa contest ah. Sayang kasi hindi ko napanuod yung question and answer, formal wear, costume attire, at pag rampa nila. Sa babae naman pang fourth si Avigael tsk.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon