Pauwi na ko galing school. Hindi ko muna kasabay si Lorie dahil hindi pa sila tapos sa MTV ng mga ka group niya.
Ngayon lang ako nagheadset ng naglalakad at todo ang volume. Dati kasi natatakot ako baka may sasakyan pala na nagbubusina at hindi ko marinig na dahilan baka mabangga ako.
Pero ngayon lang to. Nababadtrip talaga ako sa post ni Jake. Kaya ba niya hindi sini seen ang message ko?! Nakakainis.
Mahaba ang post niya. Correction... sobrang haba at english pa. Malapit na nga ako ma-nosebleed eh. Ang post niya kasi tungkol sa mga tao na sinasabihan siya ng kung ano-ano like snobber siya, parang bakla dahil puro babae ang kasama at ang hinhin etc.
Pero napunta ang atensyon ko sa bandang huli ng post niya. Sa lahat kasi ng mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya wala daw sa lahat nang yon ang totoo at tototohanin niya ngayon. Hindi na siya magre-reply sa mga message sa kanya dahil nakaka boring at nakakapagod daw mag type at gaya ng mga sinasabi ng mga gay 'Get out of my life' .
Yan ang hindi maalis sa isip ko simula nung mabasa ko yan kagabi.
Pinost niya yan dahil siguro napikon na siya, kung dati di niya ito pinapansin at pinapalampas na lang pero dahil paulit ulit na kaya niya pinost.
Pero ang point ko kung nasasaktan siya dahil sa mga sinasabi ng iba sa kanya... bakit kailangan din niyang manakit?!
Hindi niya ba alam na may nasasaktan siya na tao... na walang ibang ginawa kundi purihin siya at naghihintay na mapansin niya at nagpapasalamat na naka chat siya!
Tapos don sa post niya sabi niya nakakaboring at nakakapagod makipag chat. Just wow ah. Napipilitan lang pala siya edi sana hindi niya na lang pinansin yung mga nagcha chat sa kanya dati pa.
Tumataas na masyado ang tingin niya sa sarili niya tsk. Nakakainis at... ang sakit.
Naka liko na ko sa baranggay namin nung may dumaang tricycle at naka tingin sakin yung babae na naka angkas, may sinasabi siya kaya tinanggal ko yung isang earpiece ng headset ko.
"Ano bang problema mo ha?! Hindi ka ba marunong gumilid sa daan?!"
Tas umandar na ulit yung tricycle. Hindi ko na sinuot yung headset na nasa kanan ng tenga ko.
Diretso lakad lang ako. Buti walang tao sa part na to. Nakakahiya. Sa lalim ng iniisip ko di ko na napansin na may sasakyan na pala sa likod ko. Kundi lang ako nasasaktan ngayon siguro hiyang hiya na ako dahil sa pagsigaw nung babae. Pero hind eh parang wala lang yung nangyari, mas iniisip ko parin yung pinost ni Jake.
Nakadaan na ko kung san sila nakatira ngayon. Isa pang nakakainis yung music. White Horse by Taylor Swift. Argh bat ba yung mga songs puro about sa pag ibig?!
**
Lilipat kami ngayon sa next subject. Sa entrance kami dumaan papunta sa Science bldg. Pag sa exit kasi malayo, sa kabilang side nitong bldg.
Pababa kami ng hagdan, nagising ang diwa ko nung nasa baba ng hagdan si Jake at naka sandal siya sa corridor ng first floor kaharap ang hagdan. Mukhang late na naman at di pumasok sa subject niya.
Dali-dali akong bumaba at nagtatalon nung nasa side walk na kami.
"Anong nangyari sayo?" -Lorain
"Kasi...si Jake naka eye contact ko hehe"
"San?"
"Nung pababa tayo ng hagdan. Hindi mo ba nakita?"
"Ha? Hindi. Ka chat ko si Kuya Vincent eh"
"Ah kaya. Basta nakakakilig haha"
"Akala ko ba galit ka don?"
Napatigil ako sa sinabi ni Lorain.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Dla nastolatkówNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...
