TLorJOL25

9 9 2
                                    

Nandito ko kila Lorie ngayon. Nanunuod lang ng Bts videos sa tv nila, nung biglang napunta ang usapan namin sa mga kaklase ko.

Una niyang tinanong about sa kaklase kong gay na may itsura. Nakikita ko nga don si Heechul ng SJ eh. Next yung kaklase kong si Ulan, I mean si Rain haha corny ko. At nagtanong siya kung sino pa gwapo sa kaklase ko.

"Yung Clyde, kwento ka nga about sa kanya"

Nagtataka man, sinagot ko rin ang tanong niya.

"Kaklase ko siya nung grade 7 at ngayon, sobrang tahimik at mahiyain pero mapang asar pag close mo. Mahilig sa mga games na challenging at yung matututo ka like periodic table na laro, name ng mga flags, map of the world etc.  Masipag gumawa ng mga homeworks at matyaga sa pagde design ng mga output na pinapagawa samin. Siya lagi kinokopyahan ng mga kaklase ko na tamad gumawa ng homeworks"

"Ang cute non" - Lorie

"Singkit kasi mata. May kilala kang Yanna Bernado?"

"Oo pinsan ni Jake"

"Weh?! Pinsan niya yon?! Katabi ko yon nung recognition eh. Chat ko nga mamaya. Kaibigan niya si Clyde"

Tumango lang si Lorie

"Tiningnan ni Clyde yung my day ko tatlong beses na hihih"

"Friend mo pala sa fb?"

"Oo in-add ko. Nakita ko kasi sa fb, eh siya yung kausap mo non bago tayo umuwi saka ang cute niya sa profile niya"

Tumango tango lang ako. Gusto ko mang isipin na crush niya si Clyde pero sa tingin ko hindi eh dahil puro mga gwapo crush ni Lorie, eh cute lang si Clyde haha sama ko bang kaibigan. Malapit nga pala siya sa babae kaya naging kaibigan ko.

"May girlfriend na ba yon?"

Muntik na kong matawa sa tanong ni Lorie

"Wala. Parang si Jake yon eh mas mahinhin pa sa babae, akala tuloy ng iba gay"

"Eh may naging girlfriend na?"

"Wala din"

"Crush?"

"Sa pagkaka alam ko meron pero di ko kilala dahil di naman namin napag uusapan about crush"

"Tsk. Yah! Di na natin napanuod ng ayos yung video!"

What's with the 'tsk' ?

**

Nanunuod kami ngayon dito sa gym ng basketball. Grade 10 vs grade 11. Buti na lang break time ngayon.

Sobrang ingay kapag yung Panganiban ang may hawak ng bola lalo na pag na-shoot niya. Famous.

Section 4 to eh, crush ni Joey haha. Siya yung dumaan sa room namin non nung nag uusap yung teacher namin at si Joey about sa class advisory ni Sir na madaming gwapo tas siya yung kumaway sa room namin nung sabi ng teacher namin "Caesar! Say Hi!"

Remember? Caesar Panganiban. Transferee from private school. Balita ko MVP siya from his former school.

Grabe punong puno yung gym eh. Uwian na kasi ng iba, kami may last two subject pa. Kasama sa ingay ng gym itong tatlo kong gay classmate at buong section namin. Kaklase kasi namin yung tatlo na kasama sa basketball.

Nakakatuwa sila haha sigaw ng sigaw ipasok daw si ganyan, ipalit daw kay ganyan kaloka pati yung coach ng grade 10 na si Sir Ruel which is math teacher namin ipasok daw haha.

So ayon nga magaling yung Panganiban kaya naman dumadagundong itong gym sa ingay.

Nilibot ko ang paningin ko, ang daming tao pero nahagip parin ng mata ko ang section 5. Ano meron sa section 5? Panigurado nandito si Jake. Nasa kabilang bleachers sila, kaharap ng pwesto ko, gitna ang court pero nakita ko parin siya. Alam na alam ko kahit malayo siya. Nakasalamin (lagi naman) , may hawak na pamaypay na black, nasa lap ang bag, may kausap... na girl tsk. Pero yung ngiti niya, napapangiti din tuloy ako.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon