Earthquake drill ngayon sa school namin. Papunta kaming lahat sa Complex ng school habang nakapila ng ayos bawat section at naka cover ang head gamit ang dalawang kamay. Sobrang daming estudyante grabe at ang init pa.
"Asan ba si Jake?"
Kanina pa ko naghahanap pero di ko makita.
"Yung feeling na lumilindol na pero si crush ang hinahanap haha" - Lorain
"Haha okay lang yan. Practice lang naman to" - Lorie
"Sa harap lang ang tingin" - SSG1
"Ayusin nyo ang pag cover ng ulo niyo" - SSG2
"Mamaya na kayo mag daldalan" -SSG3Ang susungit naman ng mga SSG na to. Mukhang kasama kami nila Lorain sa pinagsabihan.
Nung nasa Complex na lahat ng studyante, may nagsalita na teacher tungkol sa mga dapat gawin pag nangyari ang lindol pero wag naman sana. Nagsalita din ang leader ng SSG. After non pinabalik na kami sa room namin.
Hindi na kami nakapila, buti na lang may mga nakabantay na SSG kaya hindi nagtutulakan.
"Aliyah!" -Lorain
Lumingon ako sa tinawag ni Lorain. Mabagal lang ang lakad namin dahil siksikan.
"Aliyah, si Jade at Lorie nga pala" Tapos tinuro kami ni Lorain. Nginitian kami nung kaibigan ni Jake kaya ngumiti rin ako kahit naiilang ako dahil kaibigan siya ni Jake.
Lumakad na kami, siniko ko si Lorain.
"Bat mo pa kami pinakilala"
"Okay lang yon haha" - Lorain
Malapit na kami sa bldg B nung ako naman ang siniko ni Lorain. Tumingin ako sa kanya at sa gilid niya na tinitingnan niya.
"Ouch" - Lorie
"Ay Sorry Sorry" Napa atras ako dahil nasa gilid ni Lorain si Jake pero medyo nauna ito ng lakad. Naapakan ko pa si Lorie hehe.
Nagpapaypay si Jake ng color blue na pamaypay kasama si Sanya. Sana ako na lang ang katabi niya para ako ang pinapaypayan niya.
"Nako kaya pala" - Lorie
"Hahah buti ikaw Lorie di mo na siya crush"
"Yeah may Ian na ko haha charr" - Lorie
Tumingin ulit ako kila Jake.
"Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa bakit may mahal ka ng iba ~" Napatingin naman ako kay Lorain nung bigla siyang kumanta.
"Hahah bagay"
**
Christmas party namin ngayon pero naka upo lang kami ni Lorie. Nakaka boring kasi eh. Paulit ulit lang taon taon yung games, dapat kasi sa ibang place na lang ginanap mas okay pa.
"Ate Jade, wait lang ah tinatawag ako sa labas nung kaklase ko dati"
I just nod at her. Aist mag isa lang ako dito. Si Lorain kasi sumali sa putukan ng lobo.
"Jade" -Dawn
"Bakit?"
Naiilang talaga ko sa kanya, dati naman kinikilig ako pag lalapit siya.
"Pwede mo bang ibutones to?" Nilapit niya yung braso niya. Yung damit niya kasi hanggang siko na checkered at may butones sa braso.
Tumayo ako saka ko binutones yon. Nanginginig yung kamay ko.
"O-okay na" Pati ba naman boses ko nakisama tsk.
"Salamat"
Pumunta na siya sa gitna para sa next game na Paper Dance. Ang dami naman naming kaklase bat sakin pa pinabutones ni Dawn.
Kapartner ni Dawn si Angelika. Feeling ko naman walang gusto si Angelika kay Dawn dahil hindi siya nahihiya dito.
"May naalala ko sa game na yan kaines" - Lorain
Naupo siya sa tabi ko.
"Yeah si Kuya Vincent haha"
"Oo palagi na nga yon nagcha chat sakin eh. Kagaya kanina, nag good morning" - Lorain
"Iba na yan"
"Yah haha di ah"
Nanuod na kami sa game. Maliit na kagad yung manila paper.
Napa react ako nung binuhat ni Dawn si Angelika sa likod niya. Close na ba sila?
"Maka 'Yah!' ka naman haha. Yang ginawa ni Dawn kay Angelika, ganyan ginawa sakin ni Kuya Vincent haha"
"Naka hawak talaga sa legs?"
"Oo buti nga naka pantalon si Angelika. Ako non naka short, nakaka ilang nung nakahawak si Kuya Vincent"
Aist naiinis ako sa nakikita ko. Ganto yung inis ko nung napanuod ko yung MV na Let's Get It On ni Donghae at Eunhyuk nung ginawa ni Donghae sa babae yung ginawa ni Dawn ngayon tsk. At ganto din nararamdaman ko nung naghubad yung girl sa harap ni Hae at Hyuk at underwear na lang ang natira saka tumakbo sa beach at hinabol ni Hae at Hyuk ! Saka binuhat ni Hae na parang sako. As in ang lapit nung butt ng girl sa face ni Hae !! Argh.
"Oy anong mukha yan"
"H-huh?"
"Nagseselos ka ba?"
"Ha? Hindi ah. Bakit naman. Eh wala na akong gusto sa kanya"
"Totoo ba?"
"Yeah"
"Okay sabi mo eh"
Totoo nga ba na di ako nagseselos? Hayst. Yeah. Nainis lang ako sa nakita ko.
**
Inaayos ko na sa bahay yung nareceive ko sa exchange gift. Si Lorie ang nakabunot sakin nung nagbunutan kami last week. Apat na malaking poster at wallet na SJ ang binigay niya sakin. Si Lorain nakakatuwa dahil binigyan ako ng notebook na SJ kahit hindi ako ang nabunot niya.
Ang nakabunot kay Lorie si Dawn, ang binigay daw sa kanya ay puro chocolate. Sakto dahil gusto ni Lorie yon.
Naayos ko na at nagawa ang dapat gawin dito sa bahay pero di parin maalis ang inis ko sa game kanina...yung kay Dawn tsk.
"Nak, tulungan mo nga ako ayusin mga pinamili ko"
Sinundan ko si Nanay sa kusina. Galing pala siya sa Bayan.
"Nakita ko yung crush mo"
"Sino?"
"Si Jake. Bakit meron pa bang iba?"
"H-huh? Wala. San mo nakita?"
"Nasa tricycle ako pauwi, nung nadaanan ko yung bahay nila nasa labas siya mukhang nag iintay ng tricycle"
"Yah dapat pala sumama ako"
"Dapat pinara niya yung sinasakyan ko para nakausap ko sana"
"Ano naman sasabihin mo?"
"Tatanong ko kung kilala ka"
"Tsk. Hindi ako kilala non"
Kahit ni like niya mga post ko mukhang hindi niya naman ako kilala o kung kilala man niya ko sa pangalan at mukha...wala lang naman yon sa kanya.
"Nalaan mo?"
"Sa tingin ko lang"
**
Noche Buena na mamayang gabi.
Pauwi na kami ni Nanay galing Bayan para sa handa mamaya. Maaga pa lang namili na kami dahil maraming tao ang mamamalengke mamaya.
"Si Jake!"
"Ano ba yan. Nakakagulat ka" - Nanay
"Si Jake, nakita ko"
"Grabe ka magka crush"
Papaliko na sana yung tricycle na sinasakyan namin nung nakita ko si Jake malapit don sa inuupahan nilang bahay, may kausap siya, yung kaklase niya na taga dito din. Kilalang kilala ko talaga siya kahit nasa malayo, nakatalikod man o anumang anggulo.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Подростковая литератураNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...