Nung gabi na, nagluluto na si Nanay at Kuya. Si Papa nanunuod ng tv sa sala. Ako naghuhugas ng mga ginagamit nila sa pagluluto.
Nagmana ko kay Papa eh, walang alam sa pagluluto haha magsaing lang at magprito. Pero wag kayo masipag akong tao haha nagbuhat daw ba ng sariling bangko.
"Tikman mo nga kung okay na" - Kuya
Taga tikim lang ako pag tungkol sa pagluluto
"Kulang sa alat"
Nilagyan naman ni Kuya ng konting asin. Nilagyan niya narin ng keso yung minudo at syempre dahil alam niya ang gusto ko, tiniran niya ko haha
"Oh para kang daga" Inabot niya sakin yung natirang cheese
"Grabe siya, sumbong kita kay Roan"
Sumama yung tingin niya
"Sumbong mo kay Lea" - Nanay
Haha pati si Nanay nakisali
Tiningnan lang siya ni Kuya at magluluto na sana uli kaso dumating si Papa sa kusina at nakisabat din haha
"Kay Lheanne" - Papa
"Kulit niyo" - Kuya
Haha wala na siyang nagawa kaya tinuloy na niya ang pagluluto. Buti nga tatlong ex lang niya ang nabanggit namin eh. Nagtataka nga kami ngayon dahil ilang buwan na siyang walang girlfriend. Nagsawa na ata wahaha.
Kumuha na ako ng gawa nilang leche flan. My favorite. Si Papa kumuha nung luto ng spaghetti saka bumalik sa sala haha halatang taga kain lang kami.
Matapos nilang magluto inihanda na namin lahat sa lamesa. Nagugutom tuloy ako dahil sa keso de bola. Pinicturan ko yon para remembrance. Minessage ko si Jake na Advance Merry Christmas hehe pero ilang minuto na di parin niya siniseen. Ano kayang problema. Online naman siya. Busy? Siguro nga. Kainis. Bat kasi sobrang ganto ko magka gusto sa kanya.
Alam niyo bang kinompleto ko ang Simbang Gabi dahil sa kanya. Dati hindi ko nabubuo at sila Nanay lang ang nakakabuo ng simbang gabi pero this year pinilit ko talagang kompletuhin kahit sobrang laki na ng eyebags ko dahil 3am pa lang gising na ko para lang makapag wish hindi lang para sa family ko pati narin sana... Maging kaibigan ko si Jake. Kahit kaibigan lang. Okay na, masayang masaya na ko don.
**
New Year na ngayon. Maaga kaming gumising dahil pupunta kaming Tagaytay with my relatives at my mother's side. 3am pa lang naka ayos na kami at dinaanan ng Van ng tita ko.
Ang dami namin. Walo kasi ang kapatid ng nanay ko at puro babae, pang apat sa bunso ang nanay ko. Kasama nila bawat anak at asawa. Buti kasya kami sa dalawang Van.
Mahigit 3hrs din ang byahe pero di ako natulog. Mahilig kasi akong tingnan ang mga lugar na dinadaanan namin kahit san ako o kami pumunta, at ini-enjoy ko ang mga nangyayari.
Ang ganda dito, kitang kita ang Taal Volcano. May mga nagho-horseback riding (naalala ko si Siwon ng SJ haha) , nagpi-picnic, nagpapalipad ng sarangola at nagsi-zipline.
Pumunta muna kami sa di kalakihang cottage at binaba ang mga dala namin. Nagpicture muna kaming lahat at naghiwa-hiwalay muna.
Pumunta kami nila Nanay sa bilihan ng souvenirs bago mamasyal. May nakita kong mga keychain na gawa sa kahoy na may isang letter sa gitna at sa baba non may carved ng taal volcano na may nakasulat na Tagaytay.
Bumili ako ng letters na J,A,K, at E. Astig hehe sasabit ko to sa bag ko. Pwede din magpa personalize at sakto may nakita kong pink na tshirt, pinalagyan ko ng name ni Sungmin (SJ) sa likod, sa harap kasi may design na talaga na Tagaytay. Ang cutie. Kahit ayoko ng color pink dahil masyadong girly pero yon ang favorite color ni Sungmin eh kaya go.
Mga ilang hours din kami don at ang next na pinuntahan namin ay Caleruega sa Nasugbo Batangas. Ang ganda ng place. Pati ang Simbahan. Dito daw nagpapakasal ang ibang artista at nagpo-photoshoot. First time ko mag hangging bridge at makakita ng water falls kahit di kataasan.
Sabihin ko nga kay Donghae dito kami magpakasal wahaha. Ang daming tourist, may nakasalubong kaming mga foreigners pero don ako sa mga Koreans napatitig. Ang kinis at sobrang puti nila grabe, kaya lang medyo maingay sila. Ang astig nung isang girl may aegyo pa magsalita, parang si Sungmin lang. The Aegyo King ~ Sana lang naiintindihan ko sinasabi nila.
Umakyat din kami sa sooobbbraaanggg taas para lang makarating sa maliit na church, parang Bisita. Ang ganda dito sa taas, kitang kita ang kulay green na paligid dito hanggang sa baba. Puro mga halaman at bulaklak. Ang dami ko ng pictures.
Mas masaya pumunta dito kapag couple kayo. Nakakakilig. May naimagine tuloy ako. Kasama ko sila Lorie, Lorain pati na si Ian na crush ni Lorie, si Kuya Vincent at si Jake. By partner kami haha.
"Jade, picturan mo nga ko oh" -Tita Ollie
Inabot niya sakin ang phone niya. Pinicturan ko siya sa tapat ng Bisita. Open naman na place yon kaya kita ang loob.
Itong tita ko nga pala ang sobrang hilig magpicture ng sarili niya at ipost sa Fb. Inabot ko na yung phone niya after ng ilang shot sa bawat part ng place na to sa taas. Kung saan-saan kasi siya pumuwesto haha.
Hay. Sarap mag emo dito. Konting tao lang sa part nato. Hirap siguro umakyat yung iba dahil sa sobrang taas para makapunta dito.
Umupo muna ko sa part na kitang kita ang lugar sa baba. Tapos narin naman akong magdasal. Maghe-headset muna ko.
Sakto naman na-play ko ang pinapakinggan ko kagabi. Hey Stephen by Taylor Swift.
"Hey Stephen, I've been holding back this feeling
So I've got some things to say to you
I've seen it all so I thought but I've never seen nobody shine the way you
The way you walk, way you talk, way you say my name
It's beautiful, wonderful, don't you ever change
Hey Stephen, why are people always leaving
I think you and I should stay the sameCause I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm I can't help myself"
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Fiksi RemajaNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...