Next na pinuntahan namin ay AP department. Hihingin ni Lorie yung test paper nung bago niyang crush na si Ian sa dati niyang teacher, na teacher ni Ian ngayon. Lakas ng trip namin haha. May gusto pa daw siya kay Jake pero konti na lang.
Pumasok na kami sa next subject namin na Math. Malapit sa pinto ang upuan ko kaya nakikita ko yung mga dumadaan.
After nag discussed ni Mam, may pinasagutan siya samin. Bat ganon madali pag sinasagutan ni Mam sa blackboard pero pag ako na magsasagot ng seatwork, sumasakit ulo ko. Hayst. Nasagutan ko naman lahat pero di ako sure sa iba.
Tumingin muna ko sa labas. Gusto ko ng umuwi. Kaso may dalawang subjects pa after this tsk.
Napa diretso ko ng upo nung makita ko sila Jake na naglalakad sa corridor. Tumingin siya sa room namin pero tumingin din agad sa kausap niya. Naka ngiti siya habang nakikipag usap. Bat ganon ang kinis ng mukha niya. Unfair. Kainis kasi si pimple eh sa ilong ko pa between my eyes argh.
Tumingin na ako sa harap nung wala na sila. Chineck ko muna kung okay na yung sagot ko. May iniba rin ako na feeling ko mali.
Nagta tawag na si Mam para magsagot sa board. Oh shems wag sana ako dahil di ako sure sa sagot ko.
Naghahanap siya sa class record niya at sa dami namin name ko pa ang nakita ni Mam hayst.
"Jade, answer number eight" Tumayo na ako at pumunta sa board.
"Go Jade" - Lorain
Sana lang tama to. After ko mag sulat bumalik na ko sa upuan ko.
Kinakabahan ako nung number eight na ang chine check ni Mam.
"Okay. Number eight is correct" - Mam
Waaahh thank you Lord. Ang swerte ko naman natama pa. Dahil kaya ito sa pagdaan ni Jake? Haahha.
**
Naglalakad na ako sa baranggay kung san ako nakatira nung may nakita akong pamilyar sa may tindahan.
Aha. Sabi na nga ba kuya ni Jake, si Kenneth.
Binagalan ko yung lakad ko nung nakalampas na ako don. Nilingon ko siya, may dalang Pancit Canton haha. Yon din kaya kakainin ni Jake? Makabili nga rin non at yon kainin ko mamaya wahaha.
**
Kinaumagahan, sumakay na ko ng tricycle dahil male-late na ko. Lilingon sana ko kung san nakatira sila Jake na lagi ko namang ginagawa, nung biglang kakalabas lang ng gate ng kuya niyang si Kenneth.
Huminto yung sinasakyan kong tricycle. Akala ko dito siya sa loob sasakay pero umangkas siya sa likod tapos narinig ko sabi niya kay kuyang driver "Sandali lang po"
Don ako kinabahan at mas lalong bumilis tibok ng puso ko nung tumatakbo si Jake papunta dito. What the heck.
What should I do?!
Umusad ako ng upo saka siya sumakay at umupo sa tabi ko. Naman! Bakit?! Huhuhh imbis na masaya ako mas kinakabahan ako. Dinig na dinig ko yung kabog ng dibdib ko. Buti na lang busy siya sa cellphone simula nung sumakay siya kaya siguro naman hindi niya ko napansin.
Hindi ko na naman alam kung san ako titingin. May salamin pa sa harap namin. Tumingin ako don at pinagmasdan siya. Hindi niya inaalis yung tingin niya sa phone niya.
Napa iwas ako ng tingin nung inangat niya yung ulo niya. Shete muntik na.
Tinakip ko yung panyo ko sa ilong ko at kunwari dahil sa usok ng tambutsyo. Mata ko lang ang kita.
Sa wakas huminto narin ang tricycle. Bumaba siya at naglakad na. Yung kuya niya ang nagbayad ng pamasahe nila. Bumaba narin ako at nag bayad.
Hinintay ko muna hanggang sa makalayo siya saka ako lumakad.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Teen FictionNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...