Intrams na. Nandito kami sa sport complex ng school at sa volleyball side kami para suportahan si Dawn.
"Jade may nagpapabigay oh" -Lorain
"Huh? Kanino galing?"
"Sa admirer mo Ate Jade"
Drink na may nakasulat na Jade sa mismong lalagyan nito and fries. Binuksan ko ang note na nakadikit dito.
"Thank you Jade
-Dawn ""Thank you para san? Wow ah ayiiee haha may something ba sa inyo?" - Lorie
"Wala na kong gusto don no. Nagpapasalamat lang sa pagpapakopya ko sa kanya"
"Ah okay sabi nga namin wala" - Lorie
"Wala kong sinasabi" -Lorain
"I mean sabi KO nga" -Lorie
Ang gulo ng dalawang to
"Naalala ko tuloy yung sagot ni Dawn sa tanong ni Mam sa English na 'What is love for you' " -Lorain
"Oh anong meron don?" - Lorie
Naalala ko pa yon. Dapat ako sasagot pero dahil hindi nakapag intay si Mam naghanap agad ng tutulong sakin and its Dawn who raised his hand that time. Mali-mali pa siya sa grammar kaya pinayagan na siya ng teacher namin sa english na magtagalog.
"Para sakin ang love, yon yung nararamdaman mo sa Pamilya, Kaibigan, sa taong nasa paligid mo at sa special someone para sayo. Sa special someone tayo dahil ang topic natin ay Romeo and Juliet, ito yung kakaibang pakiramdam kapag nakikita mo siya, nasa tabi mo man o sa malayo. Yung gagawin mo kahit nakakahiyang bagay para lang makausap mo siya. Yung gagawa ka ng excuse para lang mapalapit sa kanya. Yung natutuwa kang inisin siya para lang makuha mo ang atensyon niya. Yung kahit magkatabi lang kayo masayang masaya ka na at feeling mo kompleto na araw mo. Ganon yung nararamdaman ko pero nato-torpe akong sabihin sa kanya ang totoo dahil baka maging awkward at layuan niya ako"
Nasa isip ko parin ang sagot niyang yan.
"Feeling ko kasi si Jade tinutukoy niya sa sagot niya" - Lorain
Akala ko rin ako yung tinutukoy niya sa sagot niya nung araw na yon. Nung araw na may feelings pa ko sa kanya. Ang assuming ko non grabe. Buti na lang wala na yang word na feelings na yan.
Pero naiinis ako at di ko alam kung bakit nang malaman ko last week na sila na ni Avigael, at mas naiinis ako dahil may girlfriend na siya pero pa-fall parin.
Nung pinost niya yung picture nila ni Avigael, don ko nalaman sa caption niya na sila na at pambihira nakidagdag pa sa inis ko non yung music sa radio. Paasa by Yeng Constantino.
**
"Manunuod ba tayo sa gym ng performance ng Silent Sanctuary ?" -Lorie
"Oo sa gym lang naman gaganapin saka keri naman yung ticket" -Lorain
"Ano bili na tayo ng ticket sa English department?"
"Tara. Buti binigyan na ko ng pambili ni Mama kahapon" -Lorain
"Let's go" - Lorie
Excited na ko. Gusto ko mapakinggan ng live ang mga songs ng Silent, ang gaganda kasi.
Si Jake hindi manunuod sabi ni Lorain. Ayaw daw kasi non sa magulo lalo na yung maingay na lugar.
**
11 am pa lang nandito na ako sa school. Ang daming tao dito sa labas. Tawagan ko na nga lang si Lorain.
"Hellow Lorain. Asan kayo?"
"Nandito sa harap ng gate" -Lorain
Hinanap ko siya at nung nakita ko nilapitan ko na.
"Hey"
"Oh Jade, si Lorie papunta na daw"
"Yeah. Sexy natin ah"
"Haha naman"
"Oh bat nandito ka Dawn?"
"Hindi ko makita sila Daniel at yung iba eh"
Tumango na lang ako. Ang daming tao. Tapos bago pumasok chini check pa yung bag.
"Guys samahan niyo naman ako bumili ng pagkain" - Dawn
"Tara Jade, papaload ako" - Lorain
Nanliliit ako sa dalawang ito. Si Lorain kasi naka half boots na may takong sa loob. Si Dawn matangkad talaga.
Maraming nakatingin samin habang naglalakad, famous din tong si Dawn eh. May narinig pa akong babae na nadaanan namin kausap yung kasama niya "Yon yung crush mo di ba? Yung naka red?"
Si Dawn nakangiti lang. Tsk lagi naman haha.
Bumili lang kami ng bottled water at half long. Si Dawn bumili pa ng chicharon haha. Nakakatuwa siya wala siyang pakialam sa tingin ng iba, yung iba kasi ang mga gustong kainin yung mga mamahalin, lalo na sa panahon ngayon.
Pabalik na kami at nagtext narin si Lorie na nasa labas siya ng gate.
"Picture tayo" - Lorain
Tinaas niya yung kamay niya na may hawak na phone. Nasa gitna namin si Dawn. Para akong kapatid niya sa height ko.
"Isa pa... Okay tara na" -Lorain
Pumila na kami sa pila na sobrang haba. Hanggang dito sa bldg A. Ang gym malapit sa bldg C. Good luck samin ang init pa naman.
Nandito na rin si Lorie at talaga nga naman isa pa tong matangkad kahit di naka heels. Hindi naman ako maliit. 5'4 ang height ko, sadyang mas matangkad lang talaga sila hayst.
Makalipas ang kalahating oras. Nasa loob na kami ng Gym. Dito lang kami sa baba ng stage pumuwesto dahil pag nasa bleachers masyadong malayo. Mas okay dito kahit walang upuan, mas makakapag enjoy kami.
Humiwalay na si Dawn nung nakita niya na mga kabarkada niya. Mag aala una na nung nag umpisa.
Nagsalita muna yung head teacher ng English department. Pinakilala niya ang tatlong judges na magagaling sa music para mag judge sa anim na magpe perform na banda ng school namin. Bawat banda tatlong songs ang kakantahin nila.
Ang astig nila.
Lalo na yung vocalist ang astig ng boses at yung drummer wow talaga. Sa instrument kasi drum ang pinaka gusto kong matutunan kahit nakakabingi daw.
Sumunod ang bandang Janus. Ito ang pinaka sikat sa school. Pero ngayon ko pa lang sila mapapanuod. Grade 11 na sila at yung vocalist grade 10, kinikilabutan ako dahil sa ganda ng boses ng vocalist nila. May itsura ito at Moreno. Sanay na sanay talaga siya magperform sa madaming tao.
Napansin ko yung isang nage-electric guitar. Ang gwapo niya. Ano kaya name niya. Para siyang half Japanese, hawig niya si Yuki Furukawa na gumanap sa Mischievous Kiss. Isa sa pinerform nila ay Harana by Eraserheads.
Sumunod na nagperform ay kasama ang kaklase ko na si Kyle. Dapat siya na lang ang vocalist eh, mahiyain kasi vocalist nila. Guitarists kasi si Kyle, sayang boses niya ang ganda pa naman.
Ang last na banda na nagperform rock na rock yung vocalist nila kaya halos lahat ng studyante dito nakikising along.
Nung nakapag perform na lahat. Nag intay lang saglit at sinabi na ang result. Second runner up ang Janus at Cheesecake ang nanalo.
At ngayon, ito na ang hinihintay ng lahat. At last nandito na ang Silent !! Grabe lalong umingay dito sa gym. Umakyat na sila sa stage at inayos ang kani-kanilang instrument.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...