TLorJOL20

4 9 1
                                    

Lumipas ang mga araw at recognition na.

Kasama ko sa aakyat ng stage dahil kasama ko sa top. Top 2 ng section namin hihih. Akala ko hindi ako makakasama dahil madaming active sa section namin, pero luckily ako pa ang top 1 nung 3rd grading pero pag pinagsama-sama simula 1st grading hanggang 4th, top 2.

Sobrang crowded dito sa gym. Bukod kasi sa mga students with honors, nandito din ang mga magulang at iba pang outsiders.

Kasama din si Lorie at Lorain pero malayo sa seat ko dahil by surname ang seating arrangement. Si Jake kasama din sa top. Top 5.

Grabe yung kaba ko nung nasa stage na ko. Kita ko lahat ng tao, ang dami grabe.

Hindi ko makukuha ang award na ito kundi dahil sa mga magulang ko, sa kuya ko, mga kaibigan at ang inspiration ko ang SJ, si Hae at... pati narin si Jake.

**

Bakasyon na and nakakatamad dito sa bahay. Gusto ko mang mag summer job kaso above 18 lang daw dapat. Mag si-sixteen pa lang ako hayst.

Makapag selfie nga muna.

Woah ang cute ko talaga haha. Pinost ko ito at maya-maya lang may mga naglikes na at nag comment si Lorie na "Okay lang yan Ate Jade haha ang hirap talaga pag malayo kayo sa isa't isa eh"

Nag react ako don ng sad face sa comment niya.

Si Lorain naman ang sabi "Mention ko ba? XD"  Nagreply ako agad ng "Langya. Wag"  Yung isa kong kaibigan sabi "Mention nga oh"

Ang caption ko kasi "It's hard to smile when your hurt. Hasyt sino ba naman kasi ako para mapansin niya tsk" Feeling emotional.

Hindi kasi ako naka smile sa picture haha. Ni like din yon ng mga pinsan at tita ko. Nag scroll ako ng mga post ng friends ko then biglang may lumabas sa notif ko.

Nanlaki bigla mata ko sa nakita ko. Minention ng kaklase ko sa post ko si Jake!!

Minessage ko agad yung kaklase ko.
"Alliza delete mo yung comment mooooo ~"

Tapos tiningnan ko kung online si Jake at putspa online siya!

Pumunta ko sa post ko at ako na nagdelete ng comment ng kaklase ko. Bat ba hindi ko agad ginawa yon kanina? Tsk!

Grabe yung kaba ko. Siguro naman hindi niya yon nakita hayst. Napudpod na tuloy yung kuko ko sa kamay kakakagat.

Sana talaga di niya nakita.

Waaahhhh my new notif na naman!!

"Jake Velarde likes your post....."

Shocks!!

Lumabas yung chat head ni Alliza "Nadelete mo na eh haha"

Langya naman huhu. Pero ni-like nya my gosh hihi

Maya-maya si Dawn naman nag message. Tyaga ang daming active ngayon ah.

"Jade pede mo ba
imessage si Avigael?"

"Bakit?"

"Binlock kasi ako eh"

"Anyare?"

"Long story"

Tsk.

"Ano ba sasabihin ko?"

Ano kayang nangyari sa dalawa.

"Ay wag na pala. Sige salamat"

Lah ang gulo nya ah.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon