TLorJOL7

10 11 1
                                        

"Jade libre mo ko" -Dawn

"Wala kong pera" hahah ang gara naman kasi kung ako pang babae ang manlilibre noh.

Naglabas siya ng pera at inabot sa nasa unahan ko para ibayad sa driver. Kuripot nito di man lang nanlibre.

Naglabas narin ako ng pambayad. Nilahad niya yung kamay niya kaya inilagay ko don yung bayad ko at siya na nag abot para ibayad sa driver.

Tsk simpleng bagay pero natutuwa na ko hayst. Yung nasa harapan naman namin na babaeng mukhang nagta trabaho na base sa suot niya kung maka tingin samin ni Dawn kainis.

"Hayst ang init"

Bat kasi tanghaling tapat kami umuwi eh.

"May pamaypay ka ba?" -Dawn

"Wala eh"

Pinaypay ko na lang yung panyo ko. Si Dawn naman yung wallet niya ang pinang paypay 'samin' . Tsk I hate this, napo-fall ako kahit sa simpleng bagay lang.

"San ka ba bababa?" -Dawn

Naiilang ako ang lapit ng mukha niya. Wala kasing space na upuan, puno kasi itong jeep.

"Sa footbridge ng school"

Naalala ko nung grade 8 umuulan non nung nag shooting kami ng MTV na project namin ng mga kaklase ko. Wala siyang payong kaya nakisukob siya sakin tas siya na naghawak ng payong, feeling ko tuloy may bf ako haha. Tapos nung pasakay na kami sa jeep non binigay niya sakin yung payong kaya ako na nagsara, nasugatan yung daliri ko sa pagsara ko nung di-fold na payong. Dumudugo at ang sakit tas tinanong niya kung may band aid ako tas yung mata niya parang nag aalala. Pero noon walang meaning sakin yon. Pero ngayon, kapag naaalala ko kinikilig ako haha

Huminto na yung jeep dahil red light. Malapit narin sa footbridge.

"Baba na ko. Babush" Patayo na ko kaso biglang umusad ng konti yung jeep kaya napaupo ulit ako. Langya si Manong driver.

"Babush na"

"Sige. Ingat" -Dawn

Hindi na ko lumingon at dali daling bumaba at naglakad papuntang footbridge. Napansin ko na lang na nakangiti na pala ako. Kinagat ko na lang ang labi ko. Aist bwiset na Fall.

**

Papasok na ko sa gate nung bigla akong tinawag ni Lorain.

"About sa fansign, nasabi ko na kay Jake at sabi niya se-send na lang niya sakin sa chat"

"Wow. Sabi na nga ba di mo ko matitiis eh haha. Gomawo ~"

"Wala yon noh. Tara na sa first sub. Magpe perform pa tayo"

Oo nga pala monday nga pala ngayon.

"Ate Jade!"

"Yow"

"Malapit na shems" -Lorie

"Hhaha alam ko yan" -Lorain

"Huh?"

"Eh? Dont tell me di mo alam?" -Lorie

"Nope. Ano ba yon?"

"Yah ~ birthday na ni Jake sa Friday" -Lorie

Oo nga no sa Friday na pala yon. Hmm re-regaluhan ko kaya siya? Ah. Alam ko na haha.

"Babatiin mo?" - Lorie

"Hindi noh. Nakakahiya"

"Kahit sa chat?" -Lorain

"Try ko haha"

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon