Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Umaga na pala.
Ang gara ng panaginip ko
Pumunta daw kami ni Lorain sa bahay nila Jake. Nung nasa tapat kami ng gate nila sa totoong bahay nila, lumabas si Jake ng naka topless, tuwalya lang ang nakatakip sa pang baba niya haha tas pumasok din siya. Sinundan namin siya sa loob nila. Dumiretso siya sa kwarto niya, naka higa na at mukhang tulog. Ang gulo ng kwarto niya.
Nung biglang papalapit yung panganay niyang kuya, tinanong ako kung sino ako kaya dali-dali akong lumabas wahaha ang tapang eh.
Natitigin ko si Jake habang natutulog kahit sa panaginip lang. Napanaginipan ko siguro dahil ilang araw ko ng hindi nakikita sa school. May sakit daw sabi ni Lorain. Kumusta na kaya yon.
Wala kaming klase ngayon dahil manunuod kami ng 'Ang Paglaya at ang Pluma ni Pepe' sa gym. EsP project namin to. Ang cast non si Buboy Villiar, Ralph Angel, John Albert Calara at may isang girl but I forgot her name.
1 pm pinapasok na kami at 3 pm na nagsimula. Ang nakakatuwa, kami ang una kanina sa pila ng grade 9 kaya nasa unahan kami naka upo. May pinapanuod muna kami sa projector habang di pa lumalabas ang mga cast.
Andon sa video si John Albert, Ralp at yung girl. Magkakaklase sila at nabigyan ng project na alamin ang tungkol kay Dr. Jose Rizal.
Tapos biglang namatay yung pinapanuod namin at biglang lumabas sila mula sa backstage. Nagsigawan yung mga tao dito, ang gwapo kasi ni John Albert.
Nag usap usap sila hanggang sa pumunta sila sa backstage at may pinlay ulit sa projector. Karugtong nung pag uusap nila sa stage.
Tapos maya-maya namatay ulit at lumabas si Ralph mula sa backstage, lumapit siya sa isang lamesa at may nakita siyang sulat na malalalim ang tagalog at ang ginamit ay panulat noong sinaunang panahon.
May narinig siyang boses kaya nagtago siya sa ilalim ng lamesa at biglang lumabas mula sa backstage si Buboy as Jose Rizal.
Ang galing nilang umacting ng live at ang ganda ng story.
Bandang magpa- 5 pm na nung natapos yon, nag Lupang Hinirang kami, nasa stage narin ang mga cast at director. Then after non nagsalita yung director, dito pala siya sa school namin nag aral dati. Nakakatuwang malaman.
Kumanta din si John Albert at yung girl. Magkahawak pa ng kamay. Next si Ralph Angel, ang ganda ng boses. Huli si Buboy, ang galing din niya kumanta. Napansin ko na halos magka height lang kami at Moreno siya.
May ilang umakyat ng stage at niyakap si Buboy, yung iba nagpa picture. Marami narin ang umalis sa upuan nila at lumapit sa stage, nakikipag kamay kay Buboy, vini-videohan, ganon din si Lorain tumayo narin pero di lumapit sa stage.
Gusto ko sanang lumapit pero parang ayoko rin.
"Uy Ate Jade si Jake nasa likod"
"Weh?! San banda?"
Hindi ako lumingon, si Lorie lang.
"Wait bilangin ko yung upuan... Uhm six rows mula dito"
"Tyaga akala ko di yon manunuod"
"Wala na sigurong sakit"
May tumawag kay Lorain mula sa likod. Lumingon ako ng konti. Kaklase ni Jake, pinapalapit si Lorain don.
"Uy guys samahan niyo naman ako don" -Lorain
"Lah. Ayoko, nandon si Jake"
"Sa likod naman niya tayo pupunta hindi sa tabi o tapat niya"
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...
