Lumipas ang mga araw at naloloka na ko. Mas mahirap pala ang grade 10 pero ang sabi ng iba mas mahirap daw grade 9 tsk. Puro recitation, at hindi ako sanay sa ganto, nahihiya kasi ako magkamali lalo na sa English.
Puro active pa mga kaklase ko. Makakasama pa kaya ako sa top 10, hayst.
Filipino subject ngayon at gumagawa kami ng photo essay. Si Sir nasa harap ko, kausap yung gay na kaklase ko na katabi ko. Close sila eh. May pagka gay din kasi si Sir.
Nakikinig lang ako sa kanila habang gumagawa ako ng output.
"Caesar! Say Hi" - Sir
Napatingin kami sa labas ng room at may gwapo na guy na padaan sa room namin, nag wave ito ng kamay sa kaklase kong gay na tinuturo ni Sir which is kaharap niya.
"Ang gwapo nya haha" - Kaklase ko
"Lipat ka sa section ko, madaming gwapo sa advisory class ko. Kilala mo si Dawn?" -Sir
Napa angat naman ako ng tingin kay Sir kaya napatingin siya sakin.
"Kilala mo si Dawn?" - Sir
"Opo, kaklase ko dati"
"Crush mo?" - Sir
"Hindi po" with matching iling.
Napa ngiwi naman si Sir at ayaw pang maniwala.
"Gwapo no?"
"Opo" napa-tango na lang ako.
Balik na sila sa usapan nilang dalawa at may binanggit pa na name si Sir ng mga gwapong studyante daw niya.
Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Si Lorain siniko pa ako. Tiningnan ko siya, ngumiti lang siya at umiling.
Bat parang mas lalong uminit dito sa room hayst. Ang ingay kasi ng mga kaklase ko sa likod eh. Dagdag sa init. May kanya-kanya silang usapan, ganon din si Sir at itong kaklase ko.
Kung ito yung Sir namin sa AP, kapag maingay sasabihin niya "Minus 2!" Pag nag react ka pa sasabihin "Minus 2 sa lahat ng quiz!" At pag nag react ka ulit sasabihin "Minus 2 ka sa lahat ng subject!" Kapag nakalabas ngipin "Minus 2!" Haha natatawa nga lalo kami eh. Kasi nakangiti din si Sir wahaha. Ang line niya lagi ganyan. Kapag may maingay na dumaan sa room namin sisigawan niya like "Ate! Minus 2! Ang ingay!" Haha lakas ng trip eh.
Masaya naman ang grade 10, ayoko lang talaga recitation.
**
Lunch break namin ngayon at muntik ko ng mabuga yung iniinom ko dahil sa nakita ko.
Nakita ko si Jake! After ng ilang buwan, ngayon ko na lang ulit siya nakita.
Ngayon ko na lang din uli na-feel ang gantong sobrang lakas na tibok ng puso ko, at the same time masaya.
Nakaka-miss lang dahil nung bakasyon sa picture ko lang siya nakikita.
"Oy nakasalubong ko si Jake. Dapat sumama ka sakin, sayang" - Lorain
"Nakita ko nga dumaan eh, saka okay lang. Okay na ko makita siya kahit sa malayo"
Hindi na ako umaasa na magiging kaibigan ko siya, hanggang fb lang siguro talaga.
"Wushu~ anong drama yan?" - Lorain
"Basta. Kontento na ko sa ganto"
Natawa lang siya. Ang saya niya. Siguro minessage ni Kuya Vincent haha.
**
Naglalakad kami pauwi ni Lorie at nakita ko uli si Dawn. Nagka eye contact kami pero iniwas din nya agad yung tingin niya. Bat ganon siya, parang di niya ko kilala. Samantalang dati ngi-ngiti pa yon sakin o tatango.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...