TLorJOL23

12 9 0
                                        

Performance namin ngayon sa Mapeh. Evolution of Music ang topic namin, at ang group namin ni Lorain 1990's ang napili at dahil 7 kaming puro babae sa group, Spice Girls na lang ang napili namin. Wannabe na song ang ili-lipsync namin.

Kinakabahan ako pero iniisip ko na lang na trainee ako as a kpop sa Korea haha.

Ang daming tao dito sa mini stage ng school sa mini forest. Iba ibang grade na wala pang klase ang nanunuod kasama ang section namin at teacher namin sa Mapeh.

Habang nagpe-perform yung mga kaklase namin, nagpa practice kaming 7 sa di kalayuan. Kulang kasi yung practice namin kahapon eh. Sakin pa naman yung part na Rap. Aist kinakabahan ako.

Ang suot pa naman namin pang sexy, akala nga nung iba kong kaklase na di ako nagsusuot ng off shoulder tapos ang ikli ng short ko. Naka rubber shoes ako with high socks at para mukhang 90's stripe ang design na color blue and white.

Si Lorain naman naka boots na hanggang tuhod na may heels, skirt at crop top oha sexy niya. May bracelet pa kami na mabigat na parang bakal. Sakto pa yung hair ko shaggy with bangs.

Kami na ang sunod after magperform ng mga kaklase ko na 1970's ang napili. 2000 below lang kasi dapat ang year. Mas okay sana kung pede Kpop para enjoy.

Kami na ang sunod. Umakyat na kami sa stage. Tumalikod at pumuwesto. Si Lorain ang unang humarap at nag step forward.

"Yooo~ I tell you what I want what I really really want" - Lorain

"So tell me what you want what you really really want" - Me with matching pointing sa audience at may napansin ako, kakadaan lang ni Jake! tumingin siya saglit samin which is on stage waahhh mas nahiya ata ako lalo pero buti na lang dumaan lang siya. Late na naman yon sa klase niya.

Line ko na uli ang next. Ang ingay dito, si Sir sigaw ng sigaw ng "Go Spice Girls!" "I love you Spice Girls!" Haha tapos mga kaklase ko sinisigaw name namin.

"Now dont go wasting~ my precious time" me with matching hawi kila Lorain at pointing sa bracelet ko while kumi-kembot haha wala ng hiya-hiya para sa grade.

Napalakas pa boses ko, parang di tuloy lipsync, mas enjoy ko kasi kung boses talaga namin haha.

Isa-isa kami ng line at pag walang line, galaw-galaw lang sa likod haha parang concert lang. Kami nga lang ang walang step eh. Pero masaya naman.

"So here's a story from A to Z. You wanna get with me? You gonna listen carefully. We got M in the place who likes it on your face. We got G like MC who likes it on easy V doesn't come for free, she's a real lady and as for me? Ha you'll see" - Me

"Go Jade!"

"Best Rapper ever!" -  Kaklase kong gay

"Go Mam Jenny!"

Ang kulit nila haha, kung kumilos daw kasi ako at magsalita minsan parang teacher namin sa Math, si Mam Jenny.

Sa wakas natapos din. Nag picture muna kaming buong section don with Sir tapos picture ng bawat group with Sir. Then sabi ni Sir pumunta daw kami sa harap ng Mapeh bldg para sa last pic.

Kinuha namin ang bag namin at naglakad na papunta don. Ang daming nakatingin samin, lalo na kay Lorain. Sexy kasi eh. May nagsabi pa samin ni Lorain ng "Ate ang galing nyo po kanina" haha nakakatuwa naman. Guy yon na grade 9 base sa Id lace niya. Pano ba naman kami hindi pagtitinginan eh 51 kami sa section namin at sabay-sabay naglalakad sa sidewalk, may mga gitara pang dala yung iba at naka make up yung isa as Michael Jackson haha.

Umayos na kami at kasama sa picture yung tatlong teacher sa Mapeh. Then nagcomment si Sir sa performance namin. At sa wakas dumiretso na kami sa CR para makapag palit ng school uniform. Grabe yung pawis ko. Para kong naligo, basang basa din yung bangs ko.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon