Ngayon gaganapin ang Escort of The Year at dahil nakapasok sa audition si Dawn walang klase ang section namin para suportahan siya. Siya ang magre represent sa bldg C Filipino department.
Ayoko sana manuod dahil nasabi sakin ni Lorain na manunuod daw si Francine dahil kasali si Jake. Pero ano magagawa ko, pinilit ako ni Lorie at Lorain.
Nandito kami sa gym. Nagsisimula na yung program. Tinuro sakin ni Lorain si Francine and yeah she's beautiful, mukhang mabait base sa mukha niya, mas maputi sakin pero bat ko nga ba pinagko compare eh mas lamang naman talaga siya sakin dahil kay Jake.
Sobrang ingay dito sa gym, yung iba may mga banner pa. Chini-cheer ni Lorie at Lorain si Dawn at Jake. Ako naman nanunuod lang. Hindi ko alam pero parang wala kong sa mood.
Ang talent ni Dawn ay dancing. At nabigla ako sa music at step niya. Sorry Sorry ng Super Junior !! Shems my favorite kpop group! Dahil don nabago ang mood ko at nakisabay sa music.
My gosh ang galing niya lalo na yung step sa paa na di ko magaya. Yung kamay lang madali eh parang sabon sabon then wisik wisik haha
"Taray Ate Jade, SJ fan ba si Dawn?"
Narinig kong natawa si Lorain pero tumigil din nung napatingin ako sa kanya at ngumiti na lang siya. Napakunot noo na lang ako.
Nung matatapos na sumayaw si Dawn, tumingin siya sakin saka ngumiti. Luh problema niya. Anong trip nilang mag pinsan.
Si Jake naman singing and nakatingin lang siya sa direksyon ni Francine na nakangiti habang pinapanuod si Jake.
Maganda nga yung Francine pero nakakainis ang tanga niya. Ini-enjoy niya lang yung song pero di niya iniintindi.
Bestfriend by Jason Chen ang kinakanta ni Jake habang naggigitara. Tapos siya nakangiti samantalang si Jake may gustong ipahiwatig sa kanya through singing.
Nagpaalam muna ko kila Lorie para bumili ng pagkain. Pero yung totoo gusto ko lang umalis don. Nag stay muna ko sa mini forest at nag headset.
Nakinig lang ako ng SJ's song. Ang sarap pakinggan ng boses ng mga King's ng ELF (SJ fan) especially Donghae hihihh. Yung feeling na kahit di ko alam yung meaning nung lyrics kinikilig parin ako haha. Iba sila mag change ng mood eh.
Ang Super Junior nga pala ang unang kpop group na nagustuhan ko since grade six until now, kahit na di na sila sobrang sikat di kagaya ng dati, at kahit madami ng rookies o bagong groups ngayon.
Nung na snatched ang phone ko grabe yung iyak ko dahil sobrang daming video at pictures ng SJ ang nandon. Ang nasa isip ko nga non sana binalik man lang niya kahit yung sd card ko. Syempre nanghihinayang ako sa phone dahil wala pang isang taon yon sakin na bigay ng parents at kuya ko nung bday ko. Pero mas naiiyak ako kapag naiisip ko yung mga laman non lalo na yung sa Super Junior. Bwiset talaga mga snatcher eh kaya di umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga masasamang kagaya nila. Hindi parin ako maka move on sa nangyaring yon. Hayy makabalik na nga sa gym.
"Tagal ah"
"San ka ba nag punta?" -Lorie
"Tumambay pa ko eh"
"Pipili na sila ng kapartner sa sayaw. And after that malalaman na yung result"
Tumango lang ako. Ang tagal ko pala tumambay sa mini forest?
Pababa na sila ng stage at may dalang isang rose. While ang song na pinlay is Kay Tagal by Mark Carpio.
Ang pwesto namin kanina pa ay malapit sa stage so kinakabahan ako lalo na pababa na ng stage si Jake dahil madadaanan niya kami. Pero bago yon si Dawn muna. Bumagal yung lakad niya nung malapit na siya samin, nagka eye contact kami pero agad din akong umiwas. Ang bagal niya naman, panigurado nag aantay na si Avigael dahil ito yung part na gusto niya kaya niya pinilit si Dawn na sumali.
Nalagpasan niya na ko at bumilis narin ang lakad niya. Pero biglang parang nag slow motion nung dumaan si Jake sa harap ko papunta kay Francine. Diretso lang yung tingin niya. Nakangiti siya at ang lalim ng dimple niya sa magkabilang pisngi, ang tangos pa ng ilong niya. Naka eyeglass siya na may grado na bagay naman sa kanya. Matangkad siya, hanggang balikat niya lang ako. Bakit ganon ang sakit makita na naka ngiti siya kay Francine at kausap ito, binigay niya yung rose saka inaya paakyat sa stage.
Magka hawak sila ng kamay. Pag akyat sa stage humawak ito sa balikat ni Jake, si Jake naman sa bewang ni Francine. Naka tingin sila sa isat isa. Para kong tanga. Nasasaktan na nga, nakatingin parin sa kanila.
"Okay ka lang?"
Tumango ako kay Lorain
"Ate Jade. Alam mo ang manhid mo"
Napatingin naman ako kay Lorie
"Alam mo kasi... dahil sa isa ka lang nakatingin at nasa kanya lang ang atensyon mo, may tao kang hindi napapansin na sayo lang nakatingin" -Lorie
"Huh?"
"Ewan ko sayo, matalino ka nga. Sa lovelife naman waley hayst"
**
Nandito kami sa gym at nagpa practice ng wellness campus dance, nahihiya ako sumayaw kasi si Dawn ang nagtuturo sa group 5. Ang tigas kasi ng katawan ko kaines.
"Wait. Ganto Jade" Ayan lumapit na tuloy si Dawn sakin. Yung ibang members uminom muna ng tubig.
Si Dawn muna ang gumawa saka niya ko tiningnan. Ginawa ko naman yung step na yon pero nabigla ako sa ginawa niya. Hinawakan niya yung kamay ko saka niya ginuide kung pano. Aist bigla kong pinagpawisan. Akala ko pa naman wala na kong feelings sa kanya pero bumabalik din minsan tsk.
Yung resulta sa Escort of The Year si Jake nanalo, si Dawn naman second place. Astig right. Ang galing niya talaga sumayaw lalo na yung Sorry Sorry ng SJ.
Nung nakuha ko na kung pano yung step, pahinga daw muna , kaya umupo muna ko sa bleachers. Nakita ko yung section nila Jake at natawa ko nung nakita ko siya. Seriously? Hhaha sa totoo lang ang hinhin niya sumayaw pero ang cute niya parin. Ang sarap punasan ng pawis nya wahaha.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...