TLorJOL26

12 9 3
                                        

"Guys binalik na ni Sir Mapeh yung project natin. Kunin niyo na lang dito sa table oh" -President

Lumapit kami don sa malaking box para kunin yung album namin na may lamang pictures na inedit namin, nandon ang edit namin sa Human, sa Nature, and Futuristic. Pinaka gusto ko don ang Futuristic dahil parang totoo na nasa Seoul South Korea ako at yung isa sa harap ng SM Entertainment.

"Jade kay Lorie to di ba?" -Clyde

Pinakita niya sakin yung album ni Lorie. Binuklat pa ni Clyde and right kay Lorie nga, nandon yung edit niya na kasama si V ng Bts.

"Bat nandyan?"

"Nagkamali siguro si Sir ng pinaglagyang box, akala kaklase natin" -Clyde

"Akin na, ako na magbibigay kay Lorie"

"Pedeng ako na lang?" -Clyde

"At bakit naman?"

"Makikipag friends. Masama?"

"Tsk talaga lang ah. Nauutal ka nga nung kinausap mo siya eh"

"P-pano mo nalaman?"

"Kinuwento sakin ni Lorie"

"Kinuwento n-niya k-ko sayo?"

Ang weird ni Clyde ngayon ah. Nauutal tas naka ngiti?

Bumalik na ko sa upuan ko nung nakuha ko na yung album ko. Hinayaan ko na si Clyde na siya magbigay non kay Lorie.

**

"Ate Jade binalik na sa inyo ni Sir Mapeh yung album niyo?"

Parehas nga pala kami ng Mapeh teacher.

"Oo kanina"

"Nakakainis hindi ko makita yung akin. Pinaghirapan kong i-edit yon tas mawawala lang. Excited pa naman ako kanina nung binalik na, akala ko mauuwi ko na yung akin"

"Alam ko kung nasan yung iyo. Pero secret muna. Bukas malalaman mo din"

"Yah Ate Jade sabihin mo na, importante sakin yon eh"

Kinukulit niya ko pero binilisan ko ang lakad ko at di siya pinansin. Napapangiti ako. For sure matutuwa siya bukas pag nalaman niya kung nakanino.

LORIE'S POV

Break time namin ngayon at nandito lang ako sa classroom namin. Iniisip ko parin kung nakanino yung album ko sa Mapeh. Si Ate Jade kasi ayaw pa sabihin.

"Lorie may humahanap sayo sa labas"

Napatingin ako sa kaklase ko at nagpasalamat bago lumabas.

Paglabas ko nagulat ako sa nakita ko. What the. Anong ginagawa niya dito? Kainis kinikilig ako haha.

"Uhm Lorie, ito yung album mo oh. Nakita ko yan kahapon sa box na pinaglagayan ni Sir ng mga album namin" -Clyde

"Uh. S-salamat. Bat di na lang si Ate Jade nagbigay?"

Pero yung totoo masaya ko na siya nagbigay nito sakin. Kaya naman pala ayaw sabihin ni Ate Jade kahapon at pangiti ngiti siya tsk haha now I know.

"Uhm sabi ko kasi ako na lang magbibigay sayo"

Ang cute niya. Para siyang nahihiya na ewan at di makatingin sakin haha.

"Bakit?"

Bilib na ko sa sarili ko. Kaya kong umacting na hindi kinikilig.

"Gusto ko sanang makipag kaibigan. Uhm...kung okay lang?"

Haha natatawa ko na kinikilig sa kanya.

Grabe totoo ba tong nangyayaring to. Hindi ako makapaniwala na siya mismo ang lalapit sakin para makipagkaibigan.

"Oo naman. So friends?"

Tumingin siya sakin na dahilan para mamula ako. Ngumiti siya saka nakipag kamay sakin. Ang lambot ng kamay niya.

Biglang dumating yug next teacher namin at dahil don nabadtrip ako. Wrong timing naman si Mam eh hayst.

"Sige alis na ko ah"

"Sige. Salamat"

Tumango siya at nakangiti parin bago umalis. Di na nga kita mata niya dahil sa kasingkitan, parang si Jimin lang haha.

Nung uwian na, pumunta na ko sa room nila Ate Jade para sabay kaming umuwi.

Pagdating ko don, nakakalungkot lang dahil nauna ng umuwi si Clyde.

"So kamusta? Ano feeling na pinuntahan ka ni Clyde sa room niyo? Haha sayang di ako nakasama may ginagawa kasi ako kanina"

"Kinikilig syempre haha bat ba gusto niyang makipag kaibigan?"

Nakakainis hindi mawala ang ngiti ko kanina pa kapag naaalala  ko yung pag uusap namin kanina ni Clyde.

Hindi parin ako makapaniwala. Parang ang bilis ng pangyayari.

"Bat di mo tinanong sa kanya?"

"Nahihiya ako eh hehe. Pero yaan na masaya ko dahil gusto niya kong maging kaibigan"

"Nawi-weirduhan nga ako kay Clyde eh. Sobrang mahiyain non pero nakaya niyang makipag kaibigan sayo. Feeling ko tuloy may gusto yon sayo"

"Hayst wag kang ganyan Ate Jade, ayoko umasa"

Imposible naman kasi eh. Okay na ko sa pakikipag kaibigan niya, ayoko mag assume masasaktan lang ako.

JADE'S POV

*After one month*

Malakas talaga kutob ko na may gusto tong si Clyde kay Lorie eh. Bakit ko nasabi? Dahil kapag lumalabas kami ni Clyde at ni Lorain at kapag nakakasubong namin si Lorie tinatawag siya ni Clyde at ngi-ngiti dito. Samantalang nung grade 8 and grade 9 hindi kami magkaklase ni Clyde, ngingiti lang yon pag medyo malapit ako sa kanya pero never niya ko tinawag kapag nagkakasalubong kami di kaya ng ginagawa niya kay Lorie kahit malayo si Lorie tinatawag niya. Nakakapanibago talaga.

At ito pa, inaya ako ni Clyde sa Jollibee kahapon at isama ko daw si Lorie. Nilibre niya kami kahit walang occasion.

Nung uupo na kami malapit sa may glass window, umupo si Lorie sa isang seat don at uupo dapat ako sa seat na kaharap niya para sila ni Clyde ang magkatabi kaso si Clyde hinila niya yung damit ko at siya naupo sa harap ni Lorie haha kaya magkatabi kami ni Lorie at kaharap namin si Clyde.

Feeling ko nga sinama lang ako ni Clyde para di halata na may gusto siya kay Lorie. Eto namang si Lorie ang galing umacting, hindi halata na crush niya si Clyde.

Dapat nga wala ako don eh, para naman may time sila sa isa't isa haha.

Ang laki talaga ng pinagbago ni Clyde, ang daldal niya pag kaharap si Lorie kahit minsan halata na nahihiya talaga siya.

Kumakain ako non pero ang tenga ko nasa kanila. Ateng ate tuloy ang feeling ko, taga bantay nila haha.

At ngayong araw may naisip akong gawin haha

Katabi ko ngayon sa time na Filipino si Clyde.

Kumuha ako ng isang short bond paper sa bag ko saka ko tinupi ng pa-rectangle na maliit at nilapag ko sa table ni Clyde.

"Ano yan?" -Clyde

"Ano kasi... Nanghihingi yung kaibigan ko sa section 10 ng fansign mo"

"Sino naman yon?"

"Basta secret admirer mo. Dali na sulat mo Rie Rie saka mo pirmahan sa baba"

"Ano pansusulat ko pentel o ballpen?"

"Pentel sa name tas sa pirma mo ballpen"

Mukhang nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ba o hindi pero sinulat niya parin haha.

Ang totoo nyan wala kong kilala sa section 10, si Lorie section 7. Kinuha ko yung Rie Rie sa name niya na Lorie, dahil baka ayaw niyang malaman ni Clyde na may gusto siya dito. At dahil trip kong bigyan siya ng FS ni Clyde, nickname na lang niya. Sana magustuhan niya.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon