Ano bang nangyayari sakin. Hindi ko maintindihan. Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko.
Paglingon ko kay Lorie, nakaupo na siya katabi ng table ng crush niya at mga kaibigan nito.
Para siyang ewan na nakapangalumbaba habang nakatingin kay Jake.
Nakikipag usap ito sa mga kaibigan niya at naka ngiti.
Ang gwapo niya, meron siyang malalim na dimple sa magka bilang pisngi at...
Yung lips niya...
Waaa ayoko na huhuhh di ko na keri to !
Bakit kasi kailangan pang basain yung labi gamit yung dila eh.
Humarap na ko sa counter at nag order na.
Pagbaba ko ng tray sa table na napili ni Lorie ganon parin siya nakapangalumbaba tsk.
"Oy baka naman malusaw yan."
"Ha? Ang alin? Wala naman akong ice cream na kinakain ah."
"Ewan ko sayo. Ang tinutukoy ko yung crush mo"
"Ah ~ eh hehe . Ang sarap niya kasing titigan haha"
"Bakit hindi ata carbonara or spaghetti inorder mo?" - Lorie
"Wala lang. Masama ba mag burger?"
"Hindi naman. Tapos ngayon ka lang ata nag choco?"
"Nakakasawa na mag nestea at mag softdrinks . Saka bakit mo ba tinatanong? Kumain ka na lang kaya."
"Oo na Po."
LORIE'S POV
Annyeonghaseyo chinguyaaaa~ Lorie Park is here (insert kaway-kaway)
Kilala niyo na si Jake Velarde di ba?
At si Anna Jade Bautista na aking bff.
Pero I smell something fishy dito kay Ate Jade.
Ayaw niya kasi sa burger lalo na yung may hot sauce pero bakit yon yung kinakain niya ngayon?
At hate niya ang choco na inumin dahil yon yung favorite ng walangya niyang kaibigan dati na muntik na siyang patayin nung may nilagay na kung ano sa choco na inumin niya.
Buti na lang nandon ako nung time na yon at nakita ko kung pano niya nilagyan yon.
Kaya dali-dali kong kinuha at ibinuhos sa labas. Para kong tagapagligtas noh haha.
F na F ko eh haha inggit kasi yung babaeng yon kay Ate Jade sa pagiging top sa klase but anyway past is past.
Pero ang napansin ko ngayon ganon din yung pagkain at inumin ni Jake hmm Ate Jade talaga hahah may crush din siguro to kay Jake hehe.
Siguro aakalain niyong magagalit ako dahil pag same kaming may gusto kay Jake but you're all wrong hindi naman sakin si Jake para ipagdamot ko.
Saka masaya nga yung parehas kami ng kinahuhumalingan haha.
Kagaya sa kpop gusto ko BTS fan rin siya para pag nag uusap kami parehas kaming makaka relate at kikiligin , kaso SJ fan siya eh.
"Oy anong nginunguso-nguso mo dyan?"
Napatingin naman ako sa kanya saka ngumiti.
"Ang weird mo Lorie. Ano bang iniisip mo? Pati pagkain dinikdik mo na kakatusok ng tinidor."
"Crush mo siya no?"
"Huh? Sino?"
"Si ano. Ayun"
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Teen FictionNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...