TLorJOL28

13 9 0
                                        

JADE'S POV

Malapit na ang moving up namin, kaya clearance na lang ang inaasikaso namin ngayon at wala ng klase.

Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot ni Dawn sa labas ng room namin nung nag uusap kami ni Lorain sa may corridor.

At mas nagulat ako sa sinabi niya.

"Jade mami-miss kita"

Saka niya ko niyakap!! Hindi agad ako nakapag react pero yung puso ko grabe ang reaction.

Nung bumitaw siya, bumalik ang diwa ko at napatingin kay Lorain na ngayon ay ngiting ngiti habang nasa likod ng pinsan niya.

Para hindi mahalata na nabigla ako, agad akong nagsalita.

"Grabe magkikita parin naman tayo dahil dito ka rin naman magse-senior high di ba?"

"Burn" -Lorain saka tumawa

Eh?

"Kahit na magbabakasyon na kaya" -Dawn

Aist Dawn, wala na kong feelings sayo pero dahil sa mga ginagawa mo bumabalik ito. Kainis.

LORAIN'S POV

Kinikilig ako sa mga ginagawa ng pinsan ko kay Jade. Ang manhid lang ni Jade dahil hindi niya napapansin na may gusto sa kanya si Dawn.

Oo may gusto ang pinsan ko kay Jade. Inamin niya sakin nung bakasyon, ang sabi nga niya ang tanga daw niya kasi hindi niya pinansin yung feelings niya for Jade because of Avigael.

Ang tanga daw niya kasi kung sino pa yung laging nasa tabi niya, yon pa ang binalewala niya.

Bakit nga ba ganon. Kung sino pa yung laging nandyan siya pa yung nababalewala natin, dahil ba alam natin na lagi lang silang nasa tabi natin?

Tapos saka lang natin narerealiaze ang halaga nila pag wala na.

Pinaparamdam ni Dawn kay Jade na gusto niya si Jade pero ayaw niya naman sabihin. Dahil ayaw daw niya maging awkward ang pagiging magkaibigan nila. Hay nako gusto ko mang sabihin na gusto din siya dati ni Jade kaso nonsense lang dahil wala ng feelings si Jade for Dawn.

Si Jade ang dahilan kung bakit sinayaw ni Dawn yung Sorry Sorry nung sumali siya sa Escort of the Year, si Jade ang nasa isip niya nung sinagot niya yung tanong nung teacher namin sa English na "What is love for you"
Yung pinapakita ni Dawn na mga sweet actions, yung mga sweet words niya na sinasabi kay Jade , its because of his feelings for Jade.

Ang manhid lang talaga ni Jade kasi ang akala niya pa-fall lang ang pinsan ko.

JADE'S POV

Practice na namin ng moving up. Pinaka harap ang section namin, at nasa likod namin ang section nila Dawn, malapit sa side ko si Dawn at ang ex crush ni Lorie na si Caesar.

Yung katabi ko nagse-selfie kunwari pero ang totoo gusto niya magkaron sila ng picture ni Caesar.

"Magpa picture ka na lang kasi"

"Ayoko nahihiya ako" -Tine

"Alam mo bang may girlfriend siya?"

"Oo. Pero okay lang yan, crush ko lang naman siya" -Tine

Aist bat ganon okay lang sa kanya, kung ako yon move on na ko pag may gf na ang crush ko.

"Sino kaya yung special guest natin no?" -Tine

"Sana kpop group haha"

"Haha grabe pero sana kahit si Lee Jong Suk man lang"

"Hahahh for sure madaming pupunta"

"Oo baka mapuno ang venue ng moving up natin"

"Tsk puro kayo kpop" -Kaidee

"Eh pano kung sikat na band?"

"Syempre masaya yon haha" -Kaidee

Tingnan mo tong isang to. Kung kami addict sa kpop, siya addict sa mga sikat na bands. Pero ang saya nga siguro non kahit isang kpop lang pumunta grabe best moving up ever.

Ngayong grade 10, walang top na sinasabi basta 90 above ang average kasama sa with honors and luckily kahit sobrang hirap ng grade 10 nakasama ako sa with honors.

Naiingit ako sa Valedictorian namin habang pinapanuod ko siya mag speech, kahit practice pa lang to I envy him dahil pangarap ko ang makapag speech sa harap ng maraming tao habang nakasabit sakin ang mga medalya na natanggap ko na ibibigay ko din sa mga magulang ko.

Kinikilabutan ako habang nag iispeech siya. Nakaka proud ang mga sinabi niya at tama siya nakakalungkot din kung iisipin nung nagsimula kami nung grade 7 sa Paaralang ito wala pa kaming ganong kakilala pero ngayon ang dami na naming naging kaibigan at ang dami naming natutunan. Iba talaga ang high school life.

**

Palabas kami ng school ni Lorain at Lorie at makakasalubong namin si Jake. Pero bat ganon parang nabawasan ang feelings ko for him, hindi na ito kagaya ng dati na iwas na iwas ako sa kanya.

Nauna maglakad si Lorain para salubungin si Jake kaya huminto muna kami ni Lorie at umupo sa upuan malapit don sa sidewalk.

Nag usap lang sila saglit at inaya na din kami ni Lorain para umuwi na.

"Himala ang tahimik mo nung nakita mo si Jake. Wala ka ng gusto sa kanya?" -Lorain

"Di ko alam, parang slight na lang"

"Ay taray mukhang nakaka move on ka na sakanya ah" -Lorie

Dapat ba kong maging masaya. Bat parang nalulungkot ako dahil hindi ko na maramdaman yung dati kong nararamdaman pag malapit si Jake.

**

One month na ang nakalipas simula nung moving up namin. Ang bilis ng panahon. Hindi pa ko ready na mag Senior High, di pa ko ready sa sinasabi nilang thesis at defense hayst.

Gagala kami ngayon ni Lorie at mag o-overnight din ako sa kanila. Buti na lang pinayagan ako ng parents ko for the first time. Puro kasi sa kamag anak lang namin ako nago-overnight at di ko pa natatry sa mga kaibigan ko.

Una naming pinuntahan ang school namin, para makapag register na para sa Senior High, ayaw kasi namin sa ibang school dahil mas komportable kami sa dati naming school. Ang sunod naming pinuntahan ay Robinson na isang sakay lang mula samin.

Naghahanap lang muna kami ng pwedeng kainan sa first floor pero dahil ayaw namin sa madaming tao di na lang kami kumain, sunday nga pala ngayon kaya ang daming tao. Gusto pa naman naming kumain sa Korean restaurant kaso mukhang next time na lang.

Bumili na lang kami ng pagkain sa red ribbon saka kami nag escalator papunta sa second floor. Natatawa ko sa pinag uusapan namin ni Lorie, binabalikan namin yung mga dating pangyayari nung grade six kami at nung first time namin pumunta dito.

"Lalo na yung sa elevator haha ang ingay niyo ni Li kaya kunwari hindi ko kayo kilala haha"

"Nakakahilo kasi haha grabe ka nga eh. Pero paglabas nahilo ka din naman ah" -Lorie

"Oo pero di ko pinahalata haha"

"Tapos nung nilakad natin mula school hanggang dito, tas naabutan tayo ng ulan, grabe para tayong basang sisiw"

"Kahiya nga eh tas nung sumakay tayong Jeep pumara ka agad eh hindi pa yon yung Robinson haha"

"Yeah ang epic langya haha"

Nung nasa second floor na kami, may nakita kaming malaking tarpuline ni Nam Joo Hyuk sa Penshoppe kaya agad akong hinila ni Lorie papunta don. Nagpicture kami don kahit nahihiya ako dahil madaming tao.

Nung lumingon kami sa paligid may nakita kaming tarpuline ni Park Shin Hye sa bench pero di kami nag picture don at ang naisip naming gawin maghanap ng picture ng mga Oppa, kaya sinimulan na namin libutin ang buong Rob hahahh

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon