TLorJOL17

10 10 0
                                        

Balik school na ulit. Last shooting namin sa house ng kaklase namin para sa pang third quarter na MTV. Dumiretso agad kami dito nung uwian na. Buti na lang half day lang ang pasok.

Ang role ko dito ay tita ni Dawn. Ang scene namin ngayon ay nakahiga si Dawn sa kwarto at malungkot na nag iisip. Tapos papasok yung mga kaibigan niya at kakamustahin siya.

Ang topic namin ay about sa kalikasan. Mahilig silang magtapon sa kung saan-saan hanggang sa may nakilala si Dawn na diwata na nangangalaga sa kalikasan. Ngayon ay nainlove siya dito at pino-problema niya yon dahil nahulog din ito sa kanya pero ang problema ay ang ina at kapatid ng diwata na pinapalayo sila sa isa't isa.

Sumunod akong kumatok at pumasok sa kwarto, nagmano silang lahat sakin, si Dawn at tatlo niyang kaibigan. Grabe feeling ko ang tanda ko na lalo na sa suot kong duster.

Umupo ako sa kama katabi ni Dawn, nasa paanan naman niya yung tatlo niyang kaibigan.

"Oh Justine anong problema?"

Dawn as Justine.

"Broken hearted po eh"  -Friend 1

"Tita Chris nainlove po kasi siya sa isang diwata" - Friend 2

Tumingin ako kay Dawn at sa mga kaibigan niya.

"Alam niyo ba ganyan din ang nangyari sa kaibigan ko dati. Nagmahal siya ng diwata at ipinaglaban niya ito, hanggang sa nag nagkaron sila ng dalawang supling...kaya lang nakakalungkot dahil namatay ang kaibigan ko... Kaya kung ako sayo ipaglaban mo siya at mahalin, kung yon ang sinasabi ng puso mo"

Woah buti kabisado ko na line ko sa take two.

Umupo si Dawn at niyakap ako.

"Salamat po"

"Okay. Cut!" - Kaklase ko na nagvi video.

Shems bat nanginginig kamay ko. Ano kaya itsura ko sa video. Papa copy ko na lang para mapanuod ko din pagka edit niya ng pagkakasunod sunod ng mga scenes.

Next scene namin ay nasa Memorial Cementery kami. Pero don lang sa part na puro halaman.

Naka ilang take na din sa part na mag papaalam yung diwata kay Dawn after nila mag usap. And now pang take six na. Mahaba kasi ang mga lines nila pero this time mukhang matatapos na nila.

"Jane please wag mo kong iwan...mahal na mahal kita" Saka niya inakap yung kaklase namin na famous, ang ganda kasi eh. Katunog pa ng pangalan ko yung name, 'Jane' tsk.

Umalis muna ko don at naglakad lakad. Hindi naman nakakatakot dito, malinis ang paligid, private kasi. Naalala ko tuloy yung lola ko, ang mother ng nanay ko.

Ang layo ng Cherubim of Heaven Memorial dito. Kamusta na kaya siya. Nung August lang nung nawala siya. Birthday din yon ng papa ko, may pasok nung araw na yon. Pumasok ako kahit may handaan samin dahil mahirap umabsent, male-late agad sa lessons. Nasa Cafe kami nila Lorain, nakita ko don si Jake, kahit hindi ko pa siya ganong crush kinikilig ako nung time na yon. Tapos lumabas kami ni Lorain dahil magsi CR siya nung biglang may nagtext sakin, yung tita ko at ang sabi 'Wala na Inang' . Yung ngiti ko biglang naglaho.

Nagui-guilty ako dahil hindi ko agad sinagot yung mga tawag ng mga tita ko nung first subject pa lang, edi sana baka naabutan pa namin siya bago nawala. Sunod na text ang nareceive ko galing kay Kuya. Pupunta na sila ni Nanay sa bahay ng lola ko at pinapauwi na ako. Tinapos ko muna ang klase kahit pulang pula ang mata ko na napansin ng mga kaklase ko.

Hapon na nung pumunta kami ng papa ko. Puro condolence ang narinig ko sa mga ka close ko. Sinabi na siguro ni Lorain ang dahilan. Pinipigilan ko na lang wag umiyak pag naaalala ko siya.

Yung pag puri niya sa kasipagan ko, yung pagtawag sakin ng 'punggok' dahil sobrang liit ko nung bata pero nung lumaki na ko ang sabi niya ang haba ng biyas ko, na hinahawakan pa niya. Yung pagpupunta kami sa kanila natutuwa siya at pinipigilan niya kami pag uuwi na kami sa bahay namin na tatlong sakay mula sa kanila. Hindi ko man lang siya napag bigyan na matulog sa kanila. At isang beses ko lang siya naalagaan nung wala na siyang makita at hindi makatayo dahil sa katandaan. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

"Oy Jade!"

Lumingon ako kay Dawn na naka bike papunta sakin.

"Ano ginagawa mo dito?" - Dawn

"Naglalakad lakad lang. Tapos naman na yung mga scene ko"

"Angkas ka na. Nauna na silang lumabas ng cementery" -Dawn

"Ah s-sige"

Tsk bat ba ko nagkakaganto pag malapit siya.

"Langya yung mga kaklase natin, balak pa kong iwan"

"Okay lang yan di naman kita iiwan, saka pinahanap ka nila sakin" - Dawn

Ano daw? Tsk iba meaning nung una niyang sinabi. Ay ano ba Jade! Tigilan mo yan. Kaibigan ka niya kaya syempre hindi ka niya iiwan.

Kaibigan? Tsk kaklase pala.

"Jade pwede mo bang ibalik tong bike sa office nitong cementery? Kukunin ko lang yung mga props na naiwan don"

Tinuro niya yung mga props namin na medyo malayo mula sa hinintuan namin.

"Sige. Hintayin mo ko sa gate ah"

"Sige iintayin kita" -Dawn

Arrgh bat ba iba yung meaning sakin ng mga sinasabi niya.

Sumakay na ako sa bike saka ko pumunta sa office dito. Nagpasalamat ako dahil nagamit namin itong bike sa props.

Nagamit din nung hinanap ako ni Dawn.

Pumunta na ako sa gate dito at nakita ko nandon na si Dawn.

"Tara"

"Ayos ka lang ba kanina?" -Dawn

"Oo naman. Bakit?"

"Namumula mata mo eh"

"Ah may naalala lang ako kanina"

Tumango lang siya saka kami lumakad papunta sa bahay ng kaklase namin para ibalik ang props.

Sumakay na kaming jeep pauwi. Kasama namin yung kaklase naming babae na medyo close ko. Close din sila ni Dawn. Nasa kanan niya si Dawn. Ako nasa kaliwa niya.

"Dawn tikman mo to" - Joan

Napatingin naman ako sa kanila nung sinubo ni Dawn yung maliit na spoon na may Ice cream na inaalok ni Joan. Hindi man lang pinunasan muna bago lagyan ng ice cream saka ibigay kay Dawn.

Para kong third wheel dito sa dalawa.

"Ang sarap ng flavor no?" -Joan

"Oo mas masarap kaysa sa chocolate na binili ko" -Dawn

Kumain na lang ako nung strawberry flavor na binili ko saka tumingin sa labas ng jeep.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon