TLorJOL24

6 9 1
                                    

Late na ko sa first subject na Mapeh. Ayoko pumasok pero kailangan dahil may test kami ngayon.

Ang daming tao sa harap ng Mapeh bldg, ang sikip at ang space na dadaanan lang ay... kung san nakatayo si Jake! Lechugas. Kailangan makapasok ako sa mapeh! Buti na lang may kausap siya. Binilisan ko na lang ang lakad ko, bakit kasi dito pa nag PE ang section nila eh pede namang sa gym.

Nakayuko ako habang naglalakad papalapit sa kanya. Di naman niya siguro ko mapapansin dahil nakatabing ang buhok ko sa magkabilang pisngi ko.

Napahinto ako nung may tumawag sakin. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at liningon kung sino yon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sakto ang pwesto na hinintuan ko, nasa likod ko si Jake!

"Hi" si Kristel pala. Kaklase ko last year na kaklase ngayon ni Jake. Ngumiti ako at kumaway ng bahagya saka pinagpatuloy ang paglalakad ko.

Sa wakas nakarating din ako sa room ng Mapeh namin.

Nag good morning ako saka pumasok na. Nakakahiya late ako.

**

"Guys wait nyo ko. May bibilin lang ako" - Julia

"Geh. Dito lang kami" - Lorain

May kakausapin sana ko na kakilala ko sa di kalayuan nung tinulak ako bahagya ni Lorain pabalik. Magkaharap kasi kami. Nakatingin siya sa likod ko at naka ngiti.

Nagulat na lang ako kung sino ang huminto sa gilid ko. One step away na kausap ni Lorain.

Its Jake!! Natitigan ko siya dahil kay Lorain siya naka tingin, may bigote na siya shems nagbibinata.

Umalis din ako at pumunta kay Julia na bumibili ng bottled water. Baka kasi tumingin sakin si Jake, mas lalo lang akong mahiya dahil sa ginawa ni Nanay.

Sumunod din agad si Lorain

"Wala kong narinig grabe. Hina ng boses"

"Hahahh ang sabi niya next Saturday daw badminton kami" - Lorain

"Ah. Grabe ang volume ng boses eh haha"

"Wait. Bakit nga pala shinare mo yung post ni Jake? Kaw ah pinapahalata na" - Lorain

"Di ako. Si nanay pinakialaman fb ko, eh may pinakita lang ako na post ng fan ng SJ. Bilis nga eh tsk"

"Hahah tyaga ni Tita. Ayaw mo non supportive"

"Gusto pero... ako nahihiya sa ginawa niya eh"

**

Nandito lang kami sa room at di na pumunta sa gym para manuod ng program. Nakakatamad eh. Walang klase ngayong araw kaya naman ang saya haha.

"Oy Joey!! San mo nabili yan?"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Lorain. Pero agad din akong napatayo at lumapit kay Joey

"San ka bumili?!"

May hawak siyang poster ng kpop girl group. Multi fandom si Joey, my gay classmate.

"Sa labas ng main gate. Punta na kayo baka maubusan kayo" - Joey

"Tara!!"

Hinatak ako ni Lorain mula second floor ng bldg C hanggang main gate. Muntik muntikan na kong madapa pero keri naman haha ang ingay pa namin, kunwari si bias ang pupuntahan haha.

Huminto kami sa bldg A tapos lakad takbo palabas at takbo ulit ng mabilis nung nakita namin ang mga kpop merchs wahaha kahit pawis na pawis todo hanap ako sa poster ng SJ. Ang dami pero tatlo lang nabili ko, kainis baon lang kasi dala kong pera eh.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon