Nung narating namin ang fourth floor, kumain muna kami sa foodcourt. Gutom na kasi talaga kami kaya wala na kaming pakialam sa sobrang daming tao.
After namin kumain, tumingin muna kami ng mga wattpad books then bumili muna kami ng chocolate sa grocery dito. Next na pinuntahan namin ang Bayan na isang sakay lang din. Nag libot lang kami saglit saka ako bumili ng cd ng A love so beautiful, saka kami pumuntang Jollibee para mag take out at ang huli nag grocery kami para sa midnight snacks namin at finally pauwi na kami.
Ngayon lang kami gumala ng hindi bumili ng kpop merchs. Himala haha.
Pagka uwi sa kanila pinicturan muna namin yung mga binili naming foods saka kami nagpicture at pinost yon ni Lorie na agad naman ni-like ni Clyde. Taray close na talaga sila.
After namin kumain pinabasa muna namin sa isa't isa yung gawa naming story, para ma-judge din namin at maiayos kung ano ang dapat gawin. Ang story na hindi ko pa tapos teen fiction ang genre. Ang kanya naman about Pyscho.
Nung madaling araw na, nanuod muna kami ng video ng bts sa tv nila habang nagkwe kwentuhan. 4am mahigit na nung nagpasya kaming matulog na. Grabeng overnight haha, ang saya lang sa feeling kahit ang sakit sa mata. Madaling nakatulog si Lorie samantalang ako namamahay at di makatulog.
7am ako nag alarm dahil nakakahiya naman kung tanghali ako gigising. Pero nagising si Lorie bago mag seven, kaya bumangon na din ako dahil di rin naman ako makatulog. Grabe first time ko halos hindi matulog magdamag.
Natatawa ko sa itsura namin, para kaming panda na nanlalata haha. Pano kaya kung mahigit isang araw akong mag overnight dito, baka para na kaming addict non langya wahaha.
**
Lumipas ang mga araw at nagtataka ko kung bakit ko laging napapanaginipan si Jake. Pati sa pagtulog ko ginugulo parin niya ako. Specifically ang puso ko hasyt.
Pati sa mga post ko lagi niya naring nila-like. Pero hindi na talaga kagaya ng dati ang paghanga ko sa kanya. Parang medyo normal na lang ngayon unlike dati na tuwang tuwa ako. Nabawasan na ang feelings ko for him.
One time nga tinanong ako ni Nanay kung bakit daw hindi ko na nakukwento si Jake sa kanya at kung crush ko pa din daw ba. Hindi ako nagdalawang isip sa sagot ko na "Slight na lang"
Nasa bayan kami ni Nanay at namamalengke nung biglang may sumigaw ng name ni Jake kaya lumingon ako.
Langya yung feeling na tinawag yung name ng crush mo pero ikaw yung lumingon haha, kapangalan lang pala yung tinawag akala ko si Jake na.
Pero nagtataka din ako kung slight na lang ang feelings ko kay Jake bakit kahit maliit na bagay sa paligid naalala ko siya. Kagaya na lang ngayon may nakita akong Velarde na nakasulat sa isang branch dito sa Bayan. Tapos nung may nakita akong eyeglass. Kaloka ginugulo niya talaga ko.
Maiba tayo, tama ang hinala ko na may gusto si Clyde kay Lorie dahil pinabasa sakin ni Lorie ang conversation nila at nagtatanong si Clyde kung pede niyang ligawan si Lorie.
Pero si Lorie masyadong loyal kay V dahil hindi siya pumayag magpaligaw kay Clyde. Sabi niya kasi dito masyado pa silang bata for that, at mas mabuti kung magkaibigan 'muna' sila kaya naman imbis na malungkot si Clyde eh sumaya pa dahil it means daw pala may feelings din si Lorie sa kanya dahil sa sinabi nitong 'muna' haha nagbago talaga si Clyde because of Lorie o siguro dahil ngayon ko lang siya nakitang magkaron ng feelings sa isang tao? Iba talaga pag ibig haha hindi mo inaasahan na magagawa mo ang mga bagay na alam mong hindi mo kayang gawin noon.
Masaya ko dahil the feeling is mutual sa dalawa kong kaibigan.
Si Lorain naman may nanliligaw na sa kanya one month na, pero hindi si Kuya Vincent. Kababata niya na ang pangalan ay Ken.
Mas matanda ito ng isang taon sa kanya, si Lorain kasi 17 na siya. Mas matanda siya samin ni Lorie ng isang taon.
"Anak, si Jake yon di ba?"
Lumingon ako sa tinuturo ni Nanay. Tama si Jake nga, kasama yung mga kaibigan niya.
Tumango lang ako kay Nanay saka kami nagpatuloy maglibot dito sa bayan.
Pati ba naman dito, andito din si Jake. Kung kelan naman hindi ko na siya hinahanap saka laging nagpapakita.
Nagpaalam muna ko kay Nanay na may bibilin sa National Bookstore dito, kaya sabi niya hihintayin niya na lang ako sa grocery store.
Bibili lang ako ng bagong notebook na pagsusulatan ko ng mga ginagawa kong poems,tula, spoken poetry, at rap song. Napuno na kasi yung mga notebook ko sa bahay na pinagsusulatan ko ng kung ano-ano.
Pagpasok ko, nakita ko sila Jake na nandon kaya lalabas na dapat ako pero ayaw makisama ng mga paa ko at dinala ko sa loob.
Hindi ko na lang sila pinansin at naghanap ng magandang notebook.
"Uh sorry"
Hindi ko sinasadya na may maapakan sa likod ko. Pagkalingon ko, its Jake.
"Sorry"
Ngumiti lang siya at tumango.
Bigla kong nahiya at kinabahan kaya dali-dali kong kinuha yung makapal na blue na notebook na nasa harap ko saka naglakad papunta sa counter.
Hiya at kaba. Wala na talaga yung saya at kilig hays.
Pero kahit nabawasan ang feelings ko sa kanya, nagpapasalamat parin ako dahil nakilala ko siya. Kahit sa sandaling panahon naranasan ko ang kakaibang feeling na sa kanya ko lang naramdaman.
Hindi naman ibig sabihin na kapag gusto mo ang isang tao you have to be together, kung gusto o mahal mo ang isang tao, mamahalin mo siya kahit hindi pa kayo. Kahit walang kayo. Kahit hindi magiging kayo.
Hindi pa talaga right time para maranasan ko ang True Love, dahil ang naramdaman ko kay Jake simula nung una hanggang ngayon... is just only Love. Hindi totoong pagmamahal, dahil isa lamang paghanga ang aking naramdaman. Ngunit ganon pa man masaya parin ako dahil naging parte siya ng buhay high school life ko. Ginulo niya ang puso ko sa magandang paraan at sa panahong hindi ko inaasahan ngunit wala ako dong pinagsisisihan.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...
