TLorJOL6

16 11 0
                                        

"Uhm first, nagbabasa din siya ng wattpad at gumagawa ng story. Send ko na lang sa inyo yung name ng account niya. Tapos ayaw niya sa mabagal magreply dahil feeling niya ayaw siyang kausap. Magaling siya mag english at ang collection niya yung mga bagay na may emoji like unan na may heart, keychain na smiling face"

"Wow first time ko makakilala na lalaki na nagbabasa ng wattpad ah. Pasend ng username niya huh babasahin ko story niya at pa-follow ko" -Lorie

"Yep. Maganda yung story niya promise"

Ngumiti si Lorain samin kaya naman na excite ako malaman ang username sa wattpad ni Jake.

Tama siya magaling nga sa english si Jake base sa mga caption niya sa mga post niya.

**

Lunch time na at sabay kami ni Lorain kumain, si Lorie kasi may pinasa pa sa Mapeh bldg at pinauna niya kami dito.

"Ahm Lorain...May favor sana ko kung okay lang?"

Huminto siya sa pagkain at tumingin sakin.

"Ano yon? Basta ba kaya ko okay lang"

"Pede mo ba ko hingan ng fansign kay Jake? Hehe kung ayos lang sayo"

"Yon ba. Basta ba ikaw haha pero try ko muna kasi di na kami sobrang close non eh"

"Yes! Thank you. Salamat. Arigato. Kamsamnida haha alam ko naman na di mo ko matitiis eh haha"

Ang lakas ko talaga sa kanya. Alam kong gagawin nya yon kasi you know hindi siya nakakatanggi sakin sa mga favor ko. The best siya kahit nung pasukan lang kami nagkakilala hehe.

**

Kinabukasan... Unang subject namin is Mapeh. Ako yung secretary ng group 5 at si Dawn ang leader namin. Anim kaming group at may kanya kanyang leader at secretary. Nung unang day namin si Dawn ang napili naming group 5 na leader at alam nyo bang 11 members kami pero ako yung tinuro niyang secretary. Langya ayoko sana kasi buong year na yon pero no choice nung tinanong na nung teacher namin ang name ko para maging secretary.

Nag ayyiiee pa nga yung mga boys sa likod eh kasi nung wala pa si Mam, nakaupo na kami non. Nasa harapan ako tas siya sa bandang likod. Sumigaw siya na ...

"Jade!"

Lumingon ako

"Bakit?"

"Huwag ka na magtext sa number ko. Nagpalit na ko ng sim"

Tumango lang ako tas tinukso siya ng mga boys na "Textmate pala ah"

Aist nakakahiya yon. Ang hilig ko kasi mag gm eh.

Sa totoo lang wala pa kong gusto sa kanya nung grade 8 at nagsimula lang yung feelings ko sa kanya nung one time sa time ng mapeh, magkatabi kami ni Dawn dahil tumabi siya sakin at magkakatabi dapat ang magkaka group. Nagse cellphone siya ako naman naka tingin lang sa harap, hindi ko pa kasi close non si Lorain, si Lorie malayo yung seat. Ewan ko pero bigla akong nailang, hindi naman kasi kami masyadong close nung grade 8 eh. Then biglang tinawag ng President naming babae si Dawn.

"Bakit Joyce?" -Dawn

Tumingin ako don sa President namin tas bigla niya akong tinuro at si Dawn sabay ngiti na may meaning.

"Kayo ba?"

Di ko alam reaction ko non pero napaiwas ako ng tingin at pinaglaruan ko na lang yung panyo kong hawak.

"Hindi ah. Nasa ibang section gusto ko" -Dawn

Napahinto ako sa ginagawa ko sa panyo ko at binuksan na lang yung bag ko at kunwari inaayos ko yung laman. Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa sinabi niya. Tsk pede naman sabihin na 'Hindi ah' bat may kasunod pa.

"Oy Jade" Napahinto ako sa iniisip ko nung nagsalita si Dawn.

"Oh?"

"Sabi ni Mam ito ang gagawin nating group 5"

Inabot niya sakin yung xerox. Nandito na pala si Mam di ko man lang napansin.

Binasa ko yon at bumilis na naman si heart dahil ang lapit na naman ng mukha ni Dawn na nakadikit na sa balikat ko.

"Oh mag assign ka na sa members natin. Ako na lang magra Rap"

Lumayo na siya.

"Nice idea" -Dawn

Ngumiti muna siya bago lumapit sa mga ka group namin. Tsk kahit naiinis ako di ko parin maiwasang hindi kiligin.

Nga pala hindi naman sa pagmamayabang pero mahilig akong mag Rap lalo na yung 'Cerberus' ni Abra, Looney at Ron Henley. Ang astig kasi sobrang bilis. Yung Korean rap naman tinatry ko pa lang,hirap eh.

Ang in-assign samin ni Mam ay Rap at pipili sa topic na Love, Kalikasan, mga isyu ngayon. Own lyrics. Sinimulan ko na magsulat ng lyrics about sa love. Yung iba kong ka group may mga alam sa instrument kagaya ni Angelika sa keyboard, si Kyle sa gitara, si Emman sa beatbox. Bahala na sa practice si leader.

**

Sabado na at ayon sa napag usapan namin sa gc magmi-meet na lang kami sa school at pupunta sa bahay nila Angelika para mag practice. Kompleto kasi siya sa mga instrument.

After mahigit 3 hrs maayos naman ang kinalabasan ng practice. Nakakamangha sila dahil ang galing nila sa music lalo na si Kyle na kumanta pa after ng practice na sinabayan ng iba ng gitara,keyboard etc. Ako? Eto kumakain kami ng ibang girls at pinapanuod namin sila haha.

Natatawa nga ako kay Dawn dahil pinipilit sumabay kumanta haha samantalang sa sayaw siya magaling at sa sport na volleyball. Kaya fit katawan niya eh.

Naalala ko tuloy nung nag floor wax sila ng boys sa classroom, naghubad siya ng tshirt at shet nagpo form yung abs niya. Tas pawis pa siya at maputi kaya ang hot haha. Nahihiya tuloy ako nung PE namin simpleng standing long jump lang di ko pa magawa ng ayos. Ang bigat kasi ng katawan ko tapos nanunuod pa siya kaya nakakahiya lalo na sa hexagonal test ang bagal ko tumalon sa bawat sulok ng hexagon pa clockwise at counter clockwise. Bat kasi siya ang nautusang mag timer eh.

Anyway nagliligpit na kami ng mga gamit at nagulat ako nung hinawakan ni Dawn yung chin ni Angelika at tiningnan sa mata saka siya nagsalita.

"Ako na sabi mag aayos okay?" Tapos ngumiti siya dito saka inayos yung nasa stand na keyboard at binuhat para ibalik kung san to nakalagay. Inayos na lang ni Angelika yung mga ginamit namin sa pagkain. Lumabas na ko after.

Sinuot ko na yung rubber shoes ko at sinisintas nang biglang may humawak sa buhok ko at ginulo bahagya. Pag anggat ko ng ulo ko. Its Dawn. Sinuot narin niya yung sapatos niya.

Nagpaalam na kami kay Angelika at sumakay ng Jeep. Ang dami namin shems.

Sasakay na dapat si Dawn pero bigla siyang gumilid.

"Ladies first" Sabi niya sakin. Kelan ba siya hindi ngingiti tsk. Sumakay na ko at siya naman tumabi sakin.

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon