Malapit na ang Periodical Test at kailangan narin magpasa ng mga project bago mag third grading. At ang pinaka mahirap sa lahat itong Tle drafting na project. Parang pang architect na kasi to. Kailangan namin gumawa ng dream house namin gamit ang two point perspective. Ito yung dalawang tuldok at don mo iko-connect yung lines para makagawa ng house. Its hard to explain pero kay Lorain parang ang dali-dali lang. Siguro dahil narin talent niya ang pagdo drawing. Binigyan nga niya ko ng drawing niya ni Jake eh. Ang astig kasi kuhang kuha.
**
Periodical na. Grabe ang laki ng eyebags ko kakareview kahapon hanggang gabi. Sa dami ng naging lessons namin bawat subject napagsama sama ko na yata.
Nandito na kaming lahat at iniintay na lang ang adviser namin. Ang arrangement ng seat namin ganto...
Dawn - Me - Lorain - LoriePero dapat nasa harap ko si Lorie at si Dawn nasa likod ni Lorain. Pero dahil mabait adviser namin, okay lang kung san umupo basta wag lang mag ingay.
At dahil nga periodical, expected na tatabi sakin si Dawn.
Dumating na si Mam. We greeted her at nag pamigay na siya ng questionnaires. I hope masagutan ko ng tama.
Nagsimula na ko magsagot at maya maya lang di talaga maiiwasan ang hindi mag ingay. Si Mam naman sinasaway pero mga kaklase ko talaga di kayang tumahimik. Hindi kasi pwede magalit si Mam dahil may sakit ito na kapag sumigaw maaaring duguin. I dont know kung ano tawag.
Tumutulong naman sa pananaway yung ibang officers pero sadyang makulit ang mga kaklase ko kaya no choice, tinuloy ko na ang pagsasagot kahit mahirap mag concentrate dahil sa ingay.
"Jade ano sagot mo sa number 12?" - Dawn
Aigoo ~ Ano pa nga ba.
"Nako Dawn" Line ko na ata yan pag mangongopya siya o magtatanong. Pero ngiti lang ang isasagot niya. Sabi nga ni Lorain wag ko daw pawilihin sa pangongopya sakin si Dawn pero di ko kasi matiis at isa pa ganon din ako sa ibang tao pag di nila alam willing akong sagutin at iexplain. Im a future teacher kasi hehe.
Isa pang di ko matiis kay Dawn kapag nagpapalagay siya sakin ng gamit. Example bond paper. Maingat daw kasi ako at malulukot lang sa bag niya. Tapos biglang sisingit yung pinsan niya, si Lorain at sasabihing "Oy Dawn sa Mapeh mo lang secretary si Jade ha? Ikaw magdala niyan" Tapos ibabalik niya kay Dawn pero minsan wala si Lorain kaya pumapayag na ako, di naman kasi mabigat.
Ilang beses ding nagtanong si Dawn at minsan di siya sure kaya minsan tinatanong niya ko either B or C ang sagot ganyan etc. Si Lorain naka ilang saway na kay Dawn at ako rin pinandidilatan haha wag ko raw sabihin ang sagot.
**
Yung gabing yon nag chat sakin si Dawn.
"Jade"
"?"
"Thank you ah. Kung di dahil sayo wala lagi akong homework at di ako pasado sa test"
Anong nakain nito.
"Welcome"
"Basta thank you talaga. Papalitan ko din yung pagtulong mo sakin. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong ah"
"Nako Dawn okay lang yon no"
"Thank you talaga. Goodnight"
Rereplyan ko pa lang sana kaso biglang nag log out na. Ang kulit niya ah haha. Kung may gusto pa siguro ko sa kanya kikiligin ako ngayon kaso wala na. Okay narin siguro to. Mahirap ma-fall ng tuluyan sa taong may ibang gusto. Kontento na ko kay Donghae wahaha.
**
EsP subject ngayon at katabi ko sa time na to si Dawn. Nasa likuran kami at ang nasa right ko yung kaklase kong gay na gwapo haha si Mark.
"Ano yung message mo kagabi? Hahah"
"Ha? Ah. Bakit masama ba magpasalamat?"
"Hindi nam--"
"Good morning class"
"Good morning Ma'am"
Test namin sa subject na to. Pero ang ginagawa ni Dawn nagdo drawing para sa activity na ipapasa mamaya sa Math. Ang sipag niya noh, homework pero sa room ginagawa tsk.
"Jade peram ngang gunting" -Mark
Kinuha ko sa bag ko at binigay sa kanya. Isa pa to ang ginagawa yung sa English hayst. Buti natapos ko na yung mga yon kagabi.
Kinuha ko na yung questionnaire na binigay sakin at nagsagot na. Ang haba ng tanong sa EsP pero keri na itech.
Natatawa ko sa dalawa kong katabi. Salit-salit sa pagsagot sa test at sa ginagawa nila sa ibang subject, buti nasa harap lang si Mam at di sila nakikita.
"Jade peram akong gunting" -Dawn
"Hiniram ni Mark"
"Mark peram ako" -Dawn
"Sandali. Ginagamit ko di ba" -Mark
Ang sungit ng baklang to.
"Saglit lang" -Dawn
"Ginagamit ko nga"
Langya nasa gitna pa nila ko nyan ah. Nanahimik na sila kaya nagsagot na ko. Pero bigla na naman silang may pinag aagawan.
Tumingin ako sa kanila.
"Ano na naman yang pinag aagawan niyo ha?"
"Ikaw...Ayiiee kilig ka naman" -Dawn
"Tigilan mo ko Dawn"
Tumingin na ko sa questionnaire pero sa loob-loob ko gusto kong ngumiti langya.
"Ayan nawala na ko" Hinahanap ko kung san ako na stop magsagot. Narinig ko namang natawa si Dawn tsk.
**
November na at malapit ng mag intrams. Ma chat nga si Jake. Pero this time account ko na. Ayoko na lokohin si Jake na ako si Lorain.
"Hellow po"
"Hi"
"Kaibigan nga po pala ito ni Lorain Lim"
"Pwede po magtanong?""Yeah sure. Ano ba yon?"
"May sport ka pong sinalihan para sa Intrams?"
Pa cute ba ko dahil may Po . Yaan nyo na cute naman talaga ko haha."Wala eh. Badminton sana kaso mahuhuli ako sa mga lessons kapag sumali ako"
Ah sabagay mahirap ding pagsabayin ang lesson sa mga subjects at practice. Pero si Dawn sumali sa volleyball, yon kasi talent niya at gusto niya talaga.
"Ah sayang naman. Panigurado madami pong manunuod sa inyo"
"Hahahh syempre Intrams yon kaya madaming manunuod"
"I mean madami pong manunuod sayo. Yung mga kaibigan ko nga po susuportahan sana kayo"
"Ganon? Salamat kamo sa kanila"
"Hahah syempre kasama narin po ako don"
Grabe kinikilig ako na natutuwa at kinakabahan wahaha kaya lang di niya na naseen yung huli kong message. Aamin na sana ko eh haha just kidding. Hay madami siguro siyang ka chat.
![](https://img.wattpad.com/cover/121566954-288-k235831.jpg)
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Teen FictionNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...