LORIE'S POV
Nandito kami ngayon ni Clyde sa bahay nila. Gusto nya daw kasi akong pormal na ipakilala sa Mama at Papa nya. Kinakabahan nga ako eh baka kasi hindi ako magustuhan ng magulang nya.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na gusto ako ng taong gusto ko. Sobrang saya ko talaga ng umamin sya sakin. Akala ko talaga ako lang yung parang one sided love pero the feeling is mutual naman pala.
Bilib nga ako sa lakas ng loob nya dahil nagawa nyang aminin sakin yung nararamdaman nya. Hindi tulad ko na walang lakas ng loob. Akala ko kasi ako lang talaga yung may nararamdaman. Natatakot kasi akong mareject at baka masira pa yung friendship namin.
Ayoko naman na masira ang pagkakaibigan namin dahil iyon nalang ang pinanghahawakan ko para patuloy parin na makalapit, makasama, at makausap sya.
Pero mabait si God kasi pinagbigyan nya yung hiling ko. Finally dumating na din yung araw na hindi nalang one sided love ang nararamdaman ko.
Akala ko talaga hanggang sa pangarap at panaginip nalang ito mangyayari. Napakaimposible naman kasi diba pero maswerte ako dahil yung imposible naging posible. Yung pangarap nakamit ko. Yung panaginip naging totoo.
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko sya pinayagang manligaw eh gusto ko naman sya. Ganito kasi yun, masyado pa kasi kaming bata. Hindi muna siguro ito yung tamang panahon para samin.
Kailangan muna naming magfocus sa pag-aaral. Ayaw naming maging destruction ang isa't-isa. Sa ngayon kuntento na kami na mag kaibigan lang muna, pero ginagawa naming inspirasyon sa pag aaral ang isa't isa.
Hinahayaan ko din sya na ipakita at iparamdam sakin yung nararamdaman nya. Wala naman kasing masama doon, hindi ko rin naman sya pinapaasa. Alam nadin naman nya na may gusto ako sa kanya.
Buti nalang at naintindihan nya yung ibig kong sabihin. Siguro kapag sigurado na talaga kami sa nararamdaman namin at handa na kami. Edi go haha.
In short gusto ko lang na makasiguro muna kami sa nararamdaman namin. Ayaw naming hadaliin kasi hindi maganda ang kalalabasan kapag hinadali mo. Just take it slow atleast kahit matagal at mabagal maganda naman ang kalalabasan.
We're just waiting for the perfect time.
"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin ng mapansin nyang tahimik ako.
"To be honest hindi, kasi kinakabahan ako. Pano kung hindi ako magustuhan ng magulang mo? Natatakot ako Clyde"
Kinuha ko ang juice na hinanda nya para sakin at ininom yun para mabawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko.
Ipapakilala lang naman ako ni Clyde pero ang OA na ng nararamdaman ko. Hindi pa nga kami pero pano nalang kung pinakilala na nya ako bilang girlfriend nya, mas dobleng kaba at takot siguro ang mararamdaman ko.
Parang katulad sa mga napapanuod ko, kapag hindi nagustuhan ng magulang ang kasintahan ng anak nila ay sasaktan nila ito at kung ano-anong masasakit na salita ang sasabihin, tapos paghihiwalayin pa nila kayo. Iyon yung ayokong mangyari.
Muka namang mabait ang papa ni Clyde kasi noong pumunta kami dito nung birthday nya nakangiti naman ang papa nya samin. Inasar pa nga nya si Clyde nung nakita nyang ako lang ang binigyan ni Clyde ng ice cream.
Pero yung mama nya hindi ko alam, kasi ang seryoso nya at hindi manlang ngumingiti. Hindi katulad nung papa nya na laging nakangiti. Sana lang at hindi katulad ng mga napapanuod ko ang mama ni Clyde.
"Wag kang kabahan at matakot, Im sure magugustuhan ka nila lalo na si mama" nakangiting sabi ni Clyde sakin.
Hindi ko naman magawang maniwala sa sinabi nya. Kung sa papa nya pwede pa kasi muka namang mabait at nginitian pa nya kami noon. Pero ang mama nya parang ang labo kasi hindi man lang ngumingiti.
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)
Teen FictionNaranasan niyo na bang humanga o ma-inlove ng sobra? Yung tipong halos maging stalker ka dahil makita mo lang siya susundan mo na, yung lagi mong binibisita ang fb account niya, yung may photo album ka ng mga pictures niya na pina-develope mo etc. K...
