TLorJOL27

12 9 3
                                    

As I expected nagustuhan nga ni Lorie yung FS, kawawa na naman nga ako eh dahil panay yugyog niya sakin pero buti na lang talaga natuwa siya haha.
Nung inabot ko nga sa kanya kanina sa school, ayaw pa niyang kunin pero nung sinabi ko na FS yon from Clyde, agad-agad niyang kinuha, tinago sa bag niya saka tumingin sa paligid. Natawa nga ako sa kanya baka daw kasi makita ni Clyde na sa kanya ko binigay, inexplain ko din kasi na sinabi ko kay Clyde sa kaibigan ko yon sa section 10 ibibigay.

**

May music video kaming gagawin ngayon. Ang ka group ko si Lorain, Clyde at Bryan. Nung isang linggo pa to sinabi samin ni Sir at kakatapos lang namin gumawa ng lyrics kahapon.

Love story ang gagawin namin. At ang naka isip ng title si Clyde. Baliw na Pag ibig daw. Haha mukhang nakakarelate siya eh. Ako naman ang naka assign sa rap song, nakakatuwa lang kasi nakakarelate din ako sa ginawa naming lyrics kaya madali lang naming nagawa.

Magka ibigan kaming apat dito at si Lorain and Clyde ang magkakaron ng feelings sa isat isa kaso hindi nila maamin. Sabi nga ni Lorie kay Lorain dapat siya nalang gumanap sa role ni Lorain haha pero bawal kasi extra from other section sabi ni Sir Mapeh kaya no choice. Pero nanunuod ngayon si Lorie samin, dito sa place malapit sa school.

Si Clyde nga pansin ko hindi siya makapag focus sa acting, nahihiya eh haha.

"Ang iyong ngiti ay nakakahumaling
Tawa mo ay musika sa aking pandinig" -Me

"Ngunit sayo ay ano nga ba ako
Ano nga ba ang meron tayo" -Lorain

Feeling ko pati si Lorain nakaka relate din sa line niya because of Kuya Vincent.

"Umaasa na iyong nadarama ang pag ibig na alay sayo" -Clyde

"Huwag sanang paluhain ang puso kong ilang ulit nang nasaktan" -Bryan

"Sa umaga panalangin ay masilayan ang iyong ganda" -Clyde

"Dalangin ko sana'y dinggin na. Lala Lala lalalala" -Lorain

"Da-da damdamin di maamin amin
Baliw na damdamin di maamin amin sayo... sayo
Puso ko'y baliw sayo... sayo" 2x  -Clyde & Lorain

"Puso'y di mapakali
Nais tumalon, sumigaw, isigaw ang nadarama
Na kay tagal inilihim, lihim na pagtingin na sa sulyap ay kontento na
Baliw na damdamin, di maamin amin nahihiyang sabihin pagkat damdamin baka di pansinin kaya't kontento na  lang ako sa tingin" -Me

Wiii galing ko talaga mag Rap haha. Palakad lakad lang ako niyan habang nasa likod ko si Lorain at Clyde na magkatalikod.

LORIE'S POV

Ako ang nag video sa huling line nilang apat sa music video. Naiilang ako dahil sakin nakatingin si Clyde at the same time umaasa na sakin niya talaga pinapahiwatig yung lyrics.

After non pinicturan ko muna silang apat saka nila ako sinama sa ilang shots.

"Clyde tabi ka kay Lorie, picturan ko kayo. Wala pa kayong picture na magkaibigan eh"

Aist si Ate Jade talaga. Lumapit sakin si Clyde, wala na kong nagawa at ngumiti na lang para hindi rin makahalata si Clyde na naiilang ako.

Pagkatapos non lumapit ako kay Ate Jade saka bumulong na isend niya sakin sa messenger, remembrance dahil first pic namin yon ni Clyde.

**

Birthday ngayon ni Clyde at inimbitahan niya kami na pumunta sa kanila.

Kahapon nagpagawa kami ni Ate Jade at Lorain ng ireregalo sa kanya. Magic Mug siya na pag binuhusan ng tubig lalabas yung design na napili namin na Harry Potter na favorite ni Clyde sabi ni Ate Jade.

Nung nasa kanila na kami, parang gusto kong umatras dahil sa hiya. Si Lorain man at Ate Jade nahihiya kasi ngayon pa lang din nila mami-meet ang parents ni Clyde.

Sabi ko kay Lorain siya na mag abot nung gift pero ayaw niya kunin sakin ganon din si ate Jade. Hayst no choice.

"Happy Birthday Clyde"

Ako na nag abot sa kanya nung hawak kong paper bag.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya tumingin ako sa dalawang nasa gilid ko at nakangiti pa sila.

"Salamat. Tara tuloy kayo"

Binati din nung dalawa si Clyde at nung nauna na maglakad si Clyde siniko pa ko nung dalawa. Ang kulit nila, baka mabuking ako nito na may gusto kay Clyde eh tsk.

Pina upo muna kami ni Clyde sa isang table, tapos pumasok siya sa kanila para tawagin ang parents niya.

Konti pa lang ang bisita nila dahil maaga pa, magla-lunch pa lang kasi. Napili namin ang gantong oras para maaga din maka uwi.

Simple lang ang bahay nila na may magandang garden. Ang aliwalas dito.

Lumabas si Clyde at kasama na yung magulang niya kaya tumayo kaming tatlo at nagmano.

Mukhang mabait yung dad niya dahil pala ngiti, yung mom niya naman medyo seryoso. Mga nasa 40's palang ang edad nila sa tingin ko.

Inanyayahan nila kami na kumain na pero sabi namin mamaya na lang, nakakahiya kasi ang aga pa.

Pumasok din yung magulang niya dahil may bisita pala sila sa loob at nagluluto pa yung mom ni Clyde.

May videoke don kaya si Lorain di na napigilan at naghanap na ng song sa song book, si ate Jade napilit ni Lorain na kumanta kaso rap ang napili niya. Cerberus. Ako nga hinihingal sa kanya eh haha. May mga bisita nga si Clyde na lumabas sa bahay at nakatingin kay ate Jade, ang cool kasi naka upo lang siya habang ang bilis nung lyrics. Ako naman pinilit din nila kumanta buti na lang may korean song don kaya yon ang pinili ko. Si Clyde naman hindi namin mapilit.

Nung kumakain na kami,may nagdatingan ng mga bisita, tinanong kami ni Clyde kung gusto namin ng ice cream um-oo ako ang kaso si Lorain at ate Jade ayaw, ang gara naman ng dalawang to ang sarap kaya ng ice cream.

Nung pagbalik ni Clyde, inabot niya sakin yung isa, yung isa sa kanya kaso namula ko dahil napansin pala ng dad niya na kumakanta, ang ginawa ni Clyde. Kaya ang sabi samin "Bat siya lang ang binigyan mo anak? Napaghahalataan ka" saka tumawa yung dad niya.

Feeling ko talaga pulang pula na ko, naka mic pa yung dad niya nung sinabi yon, nakakahiya nakatingin yung mga bisita nila samin. Si Clyde naman ngumiti lang at nagkamot ng batok. Aist di man lang niya sinabi ang totoo na ayaw ni Lorain at ate Jade kaya ako lang ang binigyan niya. Yung dalawa naman tumatawa pa. Hayst ang init na ng atmosphere dito grabe.

Nung hapon na nagpaalam na kami sa parents niya saka kami hinatid ni Clyde sa sakayan.

Binati ulit namin siya bago kami sumakay at ang huli niyang sinabi samin

O sakin? Haha shete kenekeleg ako. Sabi niya kasi "Ingat" pero sakin lang siya nakatingin. What the heck kinikilig akoooooo!

TRUE LOVE or Just Only LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon