CHAPTER 14 - Summer Job

259 5 0
                                    

Nika's POV

After ng graduation day, a week after nun nakuha ko na ang regalo galing kay Klein. Grabe sya na talaga mayaman hahaha mayaman naman na din ako. LOL. Bigyan ba naman kasi ako ng big bike. Sabi nya Limited Edition daw yun ng Ferrari. Grabe ang saya hhahaha may bagong baby nanaman ako. Pero di ko naman ipagpapalit ang baby ducati ko dun agad agad ano. Haha sobrang laki ng hirap ko dun haha.

Today tinawagan ako ni Klein kasi may task daw sya na ibibigay sakin. At syempre pumunta agad ako sakanila. Alam nyo na, as a sign of saying thanks na din sa pagkakabigay nya sakin ng bagong baby ko. After the graduation din nag-decide ako na humingi ng tulong kay Klein na mapalago  yung mga napanalunan ko sa bawat laban ko. Malaki laki na din kasi yun. Ayoko din kasing mapunta yun sa wala.

Andito na ko sa bahay ni Klein. At yung binigay nya sakin ang ginamit ko papunta dito. Hinihintay ko nalang sya may pinuntahan lang daw saglit pero babalik din daw sabi ni Manang.

Kaya umupo na muna ako dun sa isang stool sa may kusina at pinanuod si Manang sa mga ginagawa nya dun. Mga limang maid ang meron si Klein dito sa bahay nya pero katangi tanging si Manang Anita lang ang pwedeng mag-asikaso sa kusina at kwarto ni Klein. Di ko din alam dun kung bakit si Manang lang eh. Siguro may tinatago kaya ganun hahaha

Ngayon naman nagluluto na si Manang at kung di ako nagkakamali, yung Favorite namin ni Klein na Menudo yung niluluto nya. Naglalaway na tuloy ako, sa amoy palang ba naman busog kana pano pa kaya kung yung output na nun diba? Hahahaha makapagsabi nga kay Manang na ipagbalot ako mamaya. The best kasi talaga yung Menudo nyan ni Manang. Kaya favorite namin ni Klein yun eh.

Pansin nyo masyado kong feel at home dito kela Klein. Sabi nya kasi sakin na feel at home lang daw ako tutal para nya na daw akong li'l sister. Oh diba? hahaha parang anak na din ang turing sakin ng parents ni Klein eh, naka-bonding ko na kasi sila before. Klein' s parents are too bubbly and always happy kaya naging ka-close ko agad sila eh. May sarili na din kaya akong kwarto dito. Hhahaha enough of that. I turn again to Manang at nakita kong tapos na sya magluto ata. Di na ko nakahintay.

"Manang pwede po bang pagbalot nyo po ako nyan mimiya. hihihihi namiss ko kasi luto nyo!" sabi ko kay Manang then I hugged her from her back and kiss her on her right cheek.

"Ikaw talagang bata ka. Tigilan mo ang paghalik sakin, amoy pawis si Manang oh. Balik kana dun. Osiya sige pagtapos ko dito ipaglalagay na agad kita. Alam ko namang paborito nyo ito ni Sir Klein eh. Ang swerte ko kung nagkaanak ako ng tulad mo." yeheyyy!! kaya loves na loves ko 'tong si Manang. Tumandang dalaga na kasi si Manang kaya malamang wala syang asawa at anak. Kaya ang turing nya samin ni Klein parang anak nya na rin.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon