CHAPTER 19 - It's Good to be back!

238 6 0
                                    

Nika's POV

Master Comets- They're known for being the strongest, fearless, wisest legendary gangster of their time. They controlled the H.A.A since the day they became a master. They were like a king and a queen.

May 19, 20xx, Sunday

Yeah sa wakas may Day off din. Actually meron naman talaga akong Day off kaso ngayon ko lang naisipan na mag Day Off nga.

After ng Divisoria get away kuno namin, eh kinabukasan itinuloy ko na ang plano kong i make-over si Art. And di naman ako gaanong nahirapan, ahmmmm sabihin nalang natin na medyo lang. Nagbago kasi bigla ang isip, ayaw nya daw pala nung style na ginawa ko sakanya kahapon. Kasi naman naalala ko nun sa pagpili ng susuotin nya nagtalo pa kami ganito kasi nangyari dun.

FLASHBACK

"Uy bessy eto nalang ohhhhhhh pleaseeeeeee." sabi ni Art tas ipinakita sakin yung checkered na pants na tingin ko eh pagsinuot nya na yun para bang bitin yun sakanya. Tapos sabi nya papartneran nya daw yung ng red na medyas. -.-

"Ako Art tigilan mo ha. Ang baduy nyan oh! Eto nalang kasi bagay sayo to kesa dyan. Atsaka diba nga sabi ko sayo babaguhin natin yung style ng pananamit mo na babagay sayo. Hindi yung ganyan. pshhh at wag kanang aangal kundi sa ayaw at sa ayaw mo ako pa din ang masusunod! Kaya wag mong painitin ang ulo ko kundi matatamaan ka sakin" sabi ko naman sakanya. Tumango nalang sya at hinayaan nalang ako ang pumili ng mga isusuot nya na damit. Gusto pang idadaan ko sa dahas eh. Yung kanina yung pinakita ko sakanya eh isang ombre na pants na bagay sakanya tingin ko kasi nga ang tangkad nya na kaya for sure ang ganda nya magdala ng damit.

END OF FLASHBACK

so eto nga at Day Off ako ngayon. Tapos buti nalang at nasa probinsya pa si Nanay. Kasi naman kung pwede nga lang dun ko nalang muna sya patirahin permanently para sure akong ligtas sya dun. Syempre ako pa? May hinire din akong magbabantay sakanya dun. Maigi nang sigurado lalo na't di ko pa alam kung sino talaga ang mga kalaban ko.

Andito ako ngayon sa isang burol, na kita mo yung syudad na talagang ang ganda dahil sa mga liwanag na nakikita dun na nanggagaling sa mga buildings dun. Kaya ako andito para makapag-relax at mapanuod ang paglubog ng araw. Medyo kulay yellow orange ang kalangitan ngayon, ang ganda talaga dito. Dala ko ngayon ang baby Black ko, tapos ako eto humiga nalang muna sa damuhan.

"hayss...." buntong hininga ko. Tapos nun ay pumikit ako. Pinapakiramdaman ko ang paligid at may kakaibang presensya akong naramdaman kahit na mga 30m or more na malayo sya sakin. I was trained before diba? at isa ito sa mga ni-train sakin ni Klein na talagang ni-master ko, ang makiramdam ng iba't ibang presensya ng nasa paligid.

Nakahiga pa din ako at nakapikit ang mga mata. Alam ko na kung sino ang nararamdaman ako. Alam ko naman na lagi syang nakasunod sakin tapos magmamasid lang sa malayo. Tsk di pa din ba talaga sya nakaka move on? O may binabalak nanaman silang masama?

"Alam kong naririnig mo ko, kaya lumabas kana dyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita." sabi ko sa taong yun in a low voice. Maya maya tumayo na din ako at humarap sakanya.

"Di ka pa din talaga nagbabago ah?" sabi nya. Ako naman, walang expression na tumingin sakanya. Nabasa ko sa muka at isip nya kung ano ang pakay nya sakin. Tss

"Shut up Paul! Pwede ba tigilan mo na ako? Kilala na kita. Alam ko na din ang dahilan bat ako pinalalayo sayo ni Nanay. Your one of them. One of those f*cking weak demons right? Kayo. Kayo ang tumulong kay Ealy para matunton ako. Matunton ang Mama ko. Ha-ha-ha ang tagal kitang naging kaibigan. Tapos ganito?! Ang galing mo palang umarte no? Akalain mong napaniwala mo kong mahal mo talaga ako dati. pshh lies. Baka pati ako gusto mo ding patayin?" sabi ko naman sakanya na puno ng galit at hinanakit. Tama kayo ng basa, si Paul nga ang kausap ko ngayon. Isang demonyong kasangkot sa pagkamatay ni Mama. Pano ko nalaman yun?

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon