Nika's POV
Nang araw na nagbalik si Stephen dito sa Pinas he came back here for good and he's also planning to continue his schooling. Tumigil daw kasi sya dati ng pumunta sya sa L.A. Para lang daw syang nag-unwind dun. Mayayaman nga naman hhaha.
Stephen means a lot to me. Why? He's been there with me whenever I've been in trouble with the members of different Mafias. Bukod kasi kela Klein at Kenken sya yung lagi kong kasama sa tuwing mapapalaban ako. Kumbaga sya yung back up ko. Sya yung partner in crime ko. Soon mas makikilala nyo pa sya. Yan muna sa ngayon hahaha
It's already May, time flies talaga.
Andito na ko sa shop at nagmimix ng kape. Mamaya kasi magpapaalam na din ako kay Ate Max na may aayusin ako sa school. Kasi diba Valedictorian ako? kaya ayun edi full scholar ako dun sa University na papasukan ko. Eh ang daming hinihingi na requirements sakin. Sila Kenken din sasabay na sakin mamaya ng pagpunta dun.
Tapos kasi buti mamaya maagang magsasara 'tong shop kasi naisip ni Ate Max na maglagay ng banda. Para naman daw mas nakakarelax ang ambiance dito. Bali kasi mamaya dun sa loob ng shop yung magiging pwesto ng banda. Bali yung exact na pwesto nya ay sa baba ng shop, bali sa likod lang nitong counter tapos kita din yun ng mga customers na nandun sa 2nd floor.
Ako na din ang nag-suggest nun kay Ate Max. About naman sa mga tutugtog medyo nagkaroon kami ng konting problema nun kasi wala kaming maisip kung sino nga pwedeng tumugtog pero in the end ayun bali kami munang tropa. Pansamantala lang naman and the good thing about it is that Ate Max will be increasing our monthly salary 'til that day someone will be fain enough to be fitted with that job. Buti nalang at may alam kami sa pagtugtog, kasi kapag nasa Dungeon kami minsan ayun yung jamming namin hhahaha.
Bali ang gitarista eh si Kenken, si Wayne naman sa piano, si Vince sa saxophone at si Sevien sa base guitar and ako as the Vocalist.
Maya maya natapos na ko sa ginagawa ko at nagpunta na sa office ni Ate Max sa 3rd floor nitong shop. Yepp meron 'tong 3rd floor pero kami lang mga employees ang nakakaalam nun.
I knocked 3 times then open the door slowly and I saw Ate Max busy on something. Then napansin nya siguro ang presence ko dito at ayun inangat nya yung tingin nya mula sa binabasa nya papunta sakin. She gave me a sweet smile and in return I did the same thing.
"Sit Nika, so what brought you here baby? Is there something wr--" bali di ko na sya pinatapos magsalita hhaha. Bali eto ako ngayon nakaupo sa upuan na nasa harap ng desk nya.
"Wala naman pong problema Ate Max. Magpapaalam lang po sana ako na maaga pong makapag-out. Kasama ko din po sila Kenken kasi may aayusin po kami sa school ngayon. Yaan nyo po Ate babawi po kami bukas! ^_^" sabi ko kay Ate Max. Di na sya nagdalawang isip at pumayag agad.
Fast forward..
Andito na kami sa school and to be exact, we're here in the Registrar Office para ipasa lang yung ibang requirements para maging official scholar na kami dito. Kasama ko ngayon yung limang eggnogs syempre we already include Kuya Ram sa barkada. We arrived here at I think 2 in the afternoon. Kasi bago kami makaalis ng shop eh grabe ang tagal matapos mag-serve nung limang eggnogs na yun ang dami kasing customers that time kaya ayun.
Well about this University, I could only say that I'm pretty sure that my entire stay here will be so much more interesting than before. Why? Because I can sense that the ambiance here is not that ordinary though like the other Universities we have toured before. I think that there's something special about this school. Probably not because of what appearance it has.
Well about it, nang mag-campus tour kami dito dati. Grabe na-amaze talaga ako kasi grabe sobrang laki ng sakop ng school na 'to. Exclusive school ba naman kaya di na rin ako nagtaka nung una, pero kapag pala nakita mo na mapapa-wow at mapapa-wow ka pa din.
BINABASA MO ANG
Our Love Story (UNDER REVISION)
RomanceHi All, This story in under revision. Thanks for your patience. Regards, Author