CHAPTER 38 - I'm In

181 7 0
                                    

Rare's POV

Matapos naming dalin yung lalaking lasing kagabe sa hotel ay umalis agad kami. Madaling araw na din kami nakarating dito. Umaga na ngayon at mas nauna akong magising kay libag kaya lumabas na muna ako ng bahay. Alas sais na din ng umaga ngayon kaya madami na din ang gising na tao ngayon dito sa lugar namin. Nang pagkalabas ko ang aga agang inuman ang nakita ko.

"Rare kampay ka oh. Kahit isa laang dine." sabi sakin ni Oka. Tss mga lasenggero talaga. Tumanggi ako at naglakad na papalayo sakanila. Balak ko kasing magpunta na muna sa basketball court na malapit lang dito samin. Kaso di ako dun dinala ng mga paa ko. Habang naglalakad ako papunta sa simbahan ay may nag-alok sakin na bata na nagtitinda ng sampaguita. Di ko sya inintindi at darecho lang ng lakad papunta na dun sa may main door ng simbahan.

"Ate parang awa nyo na po. Bili na po kayo ng sampaguita ko. Buy 1 take 1 na 'to teh. Pambili ko lang po ng gamot." darecho pa din ako sa paglakad hanggang sa papasok na sana ako ng mapansin kong wala na yung batang nangungulit sakin. Tumingin ako sa may likuran ko para naman makita sya at ayun nakita ko nga syang napaupo ng dahan dahan dun sa may gilid ng papasok nitong simbahan. Nilapitan ko agad sya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya habang naiyak na sya ngayon. Dahil nga nakaupo sya sa sahig ay umupo naman ako ng parang natatae lang. Tao lang din ako at kahit gaano kalamig ang pakikitungo ko sa ibang tao ay may puso pa din naman ako kahit papano.

"*sobs* ang sakit po ng dibdib ko ate. *sobs* parang awa nyo na po ate p-pambili ko lang po ng gamot. Lagi po kasing nasakit ang dibdib ko." turan naman nya. Binuhat ko naman sya para sabay na kaming pumasok sa simbahan.  Ewan ko ba pero may kung anong tumutulak sakin para pumunta ko dito. Bali ipinasan ko nalang sya kasi tingin ko sa sakit na nararamadaman nya ay di kaya ng katawan nya na kumilos ng kumilos. Ako yung taong di agad naniniwala pero sa nakita ko sa mata nya ay puno ng sakit at lungkot. Isinama ko sya hanggang dun sa harap. Sa totoo lang, ngayon ko lang napasok ang simbahan na 'to. Di kasi ako makabanal. Iniupo ko sya dun sa mahabang upuan tapos pumunta ako dun sa may mga nakasinding kandila. Kumuha naman ako ng kandila at ng mailibot ko ang paningin ko ay napansin ko ang isang sign board na may nakalagay na instruction kung pano gagawin sa kandila. Nakalagay dun na sindihan ito  atsaka mo idulog yung kung anong ninanais ng isip at puso mo. Siguro di naman masamang maniwala pero ginawa ko yun. Maya maya ay lumapit sakin yung bata at nagsindi rin sya ng apat kandila. Nang matapos nyang sindihan ay humarap sya sakin tapos ngumiti.

"Alam nyo po ba ate ang isang kandila ay para sa inyo. Wish ko sana matupad ang kung ano mang wish mo po. At eto po, sa inyo nalang din itong mga sampaguita ko po. Hehe kahit wag nyo na pong bayaran. Regalo ko nalang po sa pagbuhat nyo sakin kanina. ^_^"ngumiti sya sakin. Tapos pumikit ako at nag-wish. Natapos kong mag-wish ay tinignan ko yung bata andun pa din sya at nakapikit. Nagwiwish din siguro.

"Eto oh keep the change nalang. Ano nga palang pangalan mo bata?" tanong ko naman sakanya habang naglalakad kami palabas na ng simbahan. Sabay abot sakanya ng pera.

"Anna po ate. Hehe nako wag na po ate pero kung mapilit po kayo eh salamat po talaga dito. Marami na kong mabibiling gamot nito at ang matitira ay ibibigay ko nalang siguro kay Nanay..." sa huling sinabi nya naramdaman ko ang lungkot nya.

"Ganon. Halika punta tayo dun.." sabi ko sabay turo dun sa mamihan ni Aling Beth.

"Nako ate wag na po. Wala po akong pambili ng ganun.. He-he (^^")>" sabi nya naman na may expression na nahihiya.

"Ako magbabayad kaya halika na." sabi ko nalang at umupo ako na parang natatae tapos napatae nga ako. Tawa kayo joke yan hahah

"Ipapasan na kita." sabi ko ulit sakanya at ginawa naman nya. Nakakatuwang isipin kasi para kong nagkaroon ng kapatid na bunso nito eh.

Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon